22

409 26 0
                                    

Aera

tuesday ; 5:45 pm

Natapos na namin yung kalahati ng project namin. Sinabi ko naman kay Hoshi na bukas nalang namin ituloy dahil ayokong gabihin kami ng uwi at baka mapagalitan kami.

Ng mailigpit ko na yung laptop ko ay napatingin ako kay Hoshi na isinukbit yung bag. Bigla naman syang napatingin sa akin.

"Ano?"

Tanong nya at naramdaman ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. Umiling-iling nalang ako at sabay na kami naglakad palabas ng library.

Ng makalabas na kami ng library ay sabay na namin tinahak ang daan palabas ng school.

"Kelan ba natin ipapasa to?"

Biglang tanong ni Hoshi. Napahinga naman ako ng malalim.

"Next week na sabi ni Mr. Park."

Sabi ko at tumango-tango nalang sya. Ng makaliko kami sa isang corridor ay nanlaki naman mga mata ko ng makita ko sila Joshua at si Diane sa di kalayuan. Di ko alam bakit bigla akong kinabahan sa mga oras na yun.

Dahil dun agad ko hinawakan yung kamay ni Hoshi na ikinagulat nya naman. Bago pa makita ni Hoshi sila Joshua ay mabilis ko syang hinila palayo dun. Di nya pwede makita sila at baka kung ano pa ang mangyari.

Dinala ko si Hoshi sa isang corridor kung san walang masyadong tao. Ng makasiguro kong nakalayo na kami sa dalawa ay nakahinga ako ng maluwag at binitawan na yung kamay nya.

"Ba't mo ako dinala dito?"

Nagtatakang tanong ni Hoshi sa akin. At ako naman di alam ang sasabihin.

"Um..."

Sabi ko at nag-isip na pwedeng dahilan. Pota utak ko gumana ka please.

"N-nakita ko kase yung kaaway ko!"

Sabi ko at di ko alam bakit sa lahat ng pwedeng dahilan ay iyan ang nasabi ko. Galing mo talaga self. Napataas naman yung kilay ni Hoshi.

"Anong kinalaman ko sa kaaway mo at bakit kailangan mo pa akong isama dito?"

Sabi nya at nawalan na ako ng sasabihin. Pota. Napalunok naman ako dahil sa kaba at magsasalita na sana ng biglang may nagsalita.

"Hoshi?"

Sabay kaming napatingin sa gilid at nanlaki mga mata ko ng makita namin si Diane. Pero medyo nakahinga rin ako ng maluwag ng makita kong hindi nya na kasama si Joshua.

"Anong ginagawa nyo dito?"

Tanong ni Diane at napatingin sa akin. Agad naman ako napayuko ng ulo at dahan-dahan umatras. Aalis na sana ako ng biglang hawakan ni Hoshi tong braso ko upang pigilan ako. Napatingin naman ako sa kamay nyang nakahawak sa braso ko at kay Hoshi.

"Nag-uusap lang kami ng girlfriend ko dito. Masama ba?"

Literal na nanlaki tong mga mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Hoshi. Anong sabi nya?! Napatingin naman ako kay Diane at maging sya ay nagulat dun sa sinabi ni Hoshi.

Parang ganto yung mga napapanood ko sa tv. Kung saan sasabihin ni boy na girlfriend ka nya pero hindi naman talaga. At di ko akalain na mangyayari iyon sa akin! Di ko alam kung anong trip neto ni Hoshi pero, bakit mas lalong bumilis tong tibok ng puso ko ng sabihin nya yun?

PARTNERS. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon