60

373 19 4
                                    

Aera

tuesday ; 4:50 pm

Ng makalabas ako sa cr ay nakita kong nag-aabang na si Hoshi. Ngumiti ako sa kanya at naglakad papalapit sa kanya.

"Hey.."

"May balak kang tumakas, no?"

Tanong nya at di naman agad ako nakapagsalita. Kinakabahan kasi ako makilala mga kaibigan nya. Kagaya nga ng sinabi ko ay baka ayaw nila ang isang tulad ko para kay Hoshi..

"Wag ka ng kabahan. Andito naman ako eh."

Sabi nya. Napalunok nalang ako at tsaka tumango. Napangiti nalang rin si Hoshi at sabay na kami naglakad papunta sa labas ng school. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at kinakabahan na talaga ako. More like, natatakot. Sana hindi nakakatakot mga kaibigan nito ni Hoshi.

Ng makalabas kami ng campus ay meron akong nakitang mga grupo ng lalaki sa may di kalayuan. Naisip ko na baka sila na yung mga kaibigan ni Hoshi at di nga ako nagkamali ng mapatingin silang lahat sa amin at binati si Hoshi.

"Hoshi!"

Bati nila ng makalapit na kami sa kanila. Binilang ko sila at nasa mga apat lang sila. Habang nagkakamustahan sila ay bahagya akong nagtago sa likod ni Hoshi. Nagdadalawang isip ako kung tatakbo na ba ako palayo o ano. Pero bigla nalang hinawakan ni Hoshi tong kamay ko at tumayo sa tabi ko.

"Sya nga pala si Aera, girlfriend ko."

Pagpapakilala ni Hoshi sa kanila. Tinignan ko mga reaction nila at hinanda ko na sarili ko para sa mga salitang ibabato nila sa akin pero nagtaka ako ng bigla silang ngumiti lahat sa akin.

"Sya si Dino, Jun, Dokyeom at si Jeonghan."

Sabi naman ni Hoshi habang tinuturo nya sila isa-isa. Ngumiti nalang rin ako sa kanila at binati silang lahat.

"Nice to meet you, Aera! Ang cute mo naman!"

Sabi nung Jeonghan at tinapik-tapik tong ulo ko. Natawa nalang ako sa sinabi nya. Sunod naman lumapit sa akin si Jun at biglang hinawakan tong isang kamay ko.

"Hi. Ako ang pinaka-gwapong kaibigan ng iyong boyfriend na si Hoshi."

Sabi nya at hinalikan tong palad ko at ako naman natameme nalang sa ginawa nya. Di ko akalain na napaka-friendly naman ng mga kaibigan ni Hoshi. Nung una akala ko ayaw nila sa akin, pero ako lang pala nag-iisip nun.

"Tara! Kain tayo ng isaw!"

Nakangiting tugon ni Dino at lahat naman sila sumang-ayon. Pumayag nalang rin ako dahil medyo nacracrave rin ako sa isaw ngayon. So yun sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa isawan na malapit lang sa school. Nasa harapan namin yung mga kaibigan ni Hoshi at nasa likod lang kami nila. Pinapanood ko lang sila magharutan at di ko maiwasan macutan sa kanila dahil para silang mga batang naglalaro. Natawa nalang ako at tsaka napailing-iling.

"Sabi ko sayo na magugustuhan ka rin nila."

Sabi sa akin ni Hoshi. Napangiti naman ako at humarap sa kanya.

"Ang bait ng mga kaibigan mo."

Sabi ko at natawa naman sya ng marahan.

"Sus. Mga demonyo rin mga yan."

"Grabe ka sa kanila!"

Natatawa kong sabi at natawa nalang rin si Hoshi. Nakarating na kami sa may isawan at bumili na. At nilibre nanaman ako ulit ni Hoshi kahit na sinabi kong wag na pero nilibre nya pa rin ako.

•·················•·················•

"Mabuti nalang nakilala ka na namin."

PARTNERS. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon