— Aera
Papasok na ako sa loob ng classroom ng biglang makasabay ko si Hoshi. Napatingin kami sa isa't isa at bigla ko nalang naalala na natawag ko syang senpai kahapon. POTA!
Umiwas agad ako ng tingin at nauna ng pumasok sa classroom. Kaagad ako dumiretso sa upuan ko at sinubukan wag mapatingin kay Hoshi. Shet. Nakakahiya talaga! Baka mamaya pinagtatawanan nya na ako ng dahil dun!
Bigla ko naman naalala yung sinabi ni Joshua kahapon na, hindi naman daw seseryosohin ni Hoshi yun at wala daw syang interes magkagusto. Hmm. Bakit kaya? Siguro nabrokenhearted sya noon kaya ayaw nya na ulit mainlove? Napailing-iling nalang ako at dumating na ang aming teacher na si Mr. Park.
•·················•·················•
Ng matapos ang aming klase ay niligpit ko na mga gamit ko ng bigla akong nilapitan ni Hoshi.
"Mauna ka na."
Seryoso nyang tugon at magsasalita na sana ako pero lumabas na sya kaagad sa room. Aba! Don't tell me maglalaro nanaman sya dun! Mabilis kong iniligpit mga gamit ko at ng maisukbit ko na bag ko ay kaagad na ako lumabas ng room para sundan sya. Iginala ko tingin ko sa paligid at namataan ko agad sya naglalakad dun sa isang corridor. Napahinga ako ng malalim at patakbong sinundan sya.
"Hoy Hosh-"
Tatawagin ko na sana sya pero natigil ako sa paglalakad ng makita kong may nilapitan syang babae. Sino yung babaeng yun? Hinawakan ni Hoshi ang braso nung babae at buong pwersang pinaharap sa kanya, na ikinagulat ko naman. Mabilis akong nagtago sa gilid ng mga lockers at palihim silang pinanood.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"
Sigaw nung babae at inilayo yung braso nya mula kay Hoshi. Teka, anong meron sa kanila?? Naguguluhan na ako.
"Please. Mag-usap tayo."
Sabi ni Hoshi na tila nagmamakaawa. Napabuntong hininga naman yung babae.
"Hindi na natin kailangan mag-usap pa."
Sabi naman nung babae. Maglalakad na sana sya paalis ng bigla nalang syang hinila ni Hoshi at napatakip ako sa bibig ng makita kong hinalikan sya ni Hoshi. POTA?! ANONG NANGYAYARI?!
Kaagad tinulak palayo nung babae si Hoshi at nagulat ako ng bigla nyang sampalin sya. Napayuko naman si Hoshi.
"LAYUAN MO NA AKO! TAPOS NA TAYO!"
Sigaw nung babae at naglakad na palayo at naiwan naman nakatayo dun si Hoshi habang nakayuko pa rin yung ulo. Ng marinig ko yung sinabi ng babae, ay dun ko lang napagtanto na baka dati nyang girlfriend iyon.
Grabe. Para lang akong nanood ng drama. Muli akong napatingin kay Hoshi na hanggang ngayon nakayuko pa rin. Di ko alam bakit naawa ako sa kanya bigla. Mahal na mahal nya siguro yung babae pero wala ako sa lugar para alamin yung storya nila.
Napabuntong hininga nalang ako at nagtungo na sa library bago pa nya ako makita dito.
BINABASA MO ANG
PARTNERS.
Random" hey, ikaw daw partner ko para sa project. " " so? " + svt series #1 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.