08

452 27 0
                                    

Aera

Tahimik lamang kami habang ginagawa namin yung project namin. At dahil syempre nasa loob kami ng library at medyo strict yung matandang librarian dito. Habang nagsusulat ako ay napatingin ako kay Hoshi na nagbabasa ng libro. Pero mukhang hindi nya binabasa dahil nakatulala lang sya. Baka dahil siguro sa nangyari kanina.

Hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan iyon. Di ko akalain na nagkaroon na pala sya ng girlfriend. Kaya ba sya laging cold ay dahil dun sa girlfriend nya? Di ko alam bakit imbis na magfocus ako dito sa ginagawa ko eh yun ang iniisip ko. Napailing-iling nalang ako at nagpatuloy sa pagsusulat.

Maya-maya ay nagitla nalang ako ng biglang hinawakan ni Hoshi tong braso ko. Napatingin ako sa kanya at di ko alam bakit kinabahan ako ng makita kong ang sama ng tingin nya sa akin.

"H-hoshi–"

"Narinig mo ba ang lahat kanina, ha?"

Pagpuputol nya agad sa akin at kusa naman nanlaki tong mata ko. Ano?? Fudge! Nakita nya kaya ako kanina??

"W-wala akong alam sa pinagsasa–"

"Sinungaling."

Tugon nya at naramdaman kong hinigpitan nya yung pagkakahawak nya sa aking braso. Di ko naman maiwasan masaktan ng dahil dun.

"N-nasasaktan ako.."

Sabi ko. Nakatingin lamang ng masama sa akin si Hoshi na mas lalo kong ikinakaba. Maya-maya ay binitawan nya na braso ko at agad ako napahawak dun. Tumayo na si Hoshi at isinukbit na yung bag nya.

"Kalimutan mo ang mga nakita at narinig mo kanina."

Seryoso nyang sabi habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Di naman ako makakibo dahil siguro sa sobrang kaba. Wala na syang ibang sinabi pa at naglakad na paalis at iniwan ako mag-isa dito.

Dahan-dahan naman ako napatingin sa braso ko kung saan nya hinawakan. Sa mga oras na yun, naramdaman ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko.

PARTNERS. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon