— Aera
Dahan-dahan syang lumayo sa akin at parang biglang nanigas tong buong katawan ko dahilan para di ako makagalaw. Napatingin ako kay Hoshi at nakitang nakatingin sya ng diretso sa mga mata ko. Gusto ko magsalita. Pero parang may nabara nanaman sa lalamunan ko.
Bakit nya ako hinalikan?!
Maya-maya ay may bigla nalang tumawag sa akin. Napatingin ako sa gilid at nakita si Joshua pero kaagad na umalis si Hoshi. Ng makaalis na si Hoshi ay parang biglang nanlambot tong mga tuhod ko dahilan para mapaupo ako sa sahig. Agad lumapit sa akin si Joshua at inalalayan ako.
"Aera, ok ka lang?? Anong ginawa nung lalaking yun sayo?? Sinaktan ka ba nya??"
Sunod-sunod na tanong sa akin ni Joshua. Di pa rin ako makapagsalita. At di ko alam bakit hanggang ngayon ramdam ko pa rin yung mga labi ni Hoshi. Pota! Anong nangyayari sa akin?!
"Aera? Ok ka lang?"
Sabi ni Joshua at natauhan naman ako ng hawakan nya tong pisngi ko. Napatingin ako sa kanya.
"G-gusto ko ng umuwi.."
Sabi ko. Napahinga naman ng malalim si Joshua at hinawakan tong kamay ko.
"Sige. Ihahatid na kita."
•·················•·················•
Malapit ng maghating gabi at hanggang ngayon hindi pa rin ako tinatamaan ng antok. Paano pa ako makakatulog ng maayos neto ng dahil dun sa ginawa ni Hoshi kanina?? Aish.
Namalayan ko nalang na napahawak ako sa labi ko. At muli ko nanaman naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Bakit nya ako hinalikan? Akala ba nya ako si Diane? Baka mamaya lasing lang sya kaya nya nagawa yun. Panigurado di nya maaalala yun kinabukasan.
But, that doesn't change the fact that he stole my first kiss!
•·················•·················•
Kinabukasan pagpasok ko ng classroom ay akala ko makikita ko si Hoshi pero nagtaka ako ng makita kong wala sya dun sa pwesto nya. Bakit wala pa sya? Hindi naman sa hinahanap ko sya. Madalas kasi pagpasok ko ng classroom eh makikita ko na syang nakaupo sa pwesto nya.
Maya-maya ay dumating na yung teacher namin at hanggang ngayon wala pa rin si Hoshi. Baka absent.
Habang nagdidiscuss si Mr. Park ay bigla ko nalang naalala yung mga nangyari kahapon. Ah dapat kalimutan ko na yun. Isipin ko nalang na panaginip lahat ng nangyari kahapon. Kasama na dun yung ginawa ni Hoshi sa akin.
Ng sumapit na yung lunch time ay bigla naman nagsalita yung kaklase namin.
"May nag-aaway dun!"
Sigaw nya at lahat naman sila nagsitakbuhan palabas ng room upang tignan kung sino yung nag-aaway. Isinukbit ko na bag ko at naglakad na palabas ng room. Sa isang corridor ay nakita kong maraming estudyante ang nagkukumpulan. Sa mga oras na yun ay di ko alam bakit bigla akong kinabahan. At di ko rin alam bakit may kutob ako na sila Hoshi iyon.
Dali-dali akong lumapit dun at nakipagsiksikan sa mga kapwa ko hanggang sa makarating na ako sa harap. At nanlaki naman mga mata ko ng makita kong sila Hoshi nga iyon at tsaka si Joshua. Mas lalo akong nagulat ng makita kong nagdudugo ang labi ni Joshua. Fudge!
"Gago ka talaga!"
Sigaw ni Hoshi at sasapakin na sana si Joshua pero mabilis na nakailag si Joshua at nagulat nalang kaming lahat ng bigla nyang sapakin rin si Hoshi sa mukha. Sinasabi na nga bang mangyayari rin to!
Mabilis na pinunasan ni Hoshi ang labi nyang nagdudugo na rin at susugod pa sana pero mabilis akong lumapit sa kanya at inawat sya.
"TAMA NA!"
Sigaw ko at natigilan naman sya. Maya-maya ay bigla nalang dumating si Diane. At gulat na gulat sya ng makita ang tsura ni Joshua. Kaagad sya lumapit kay Joshua na mas lalong ikinagalit ni Hoshi. Lalapit pa sana sya pero hinawakan ko braso nya upang pigilan sya.
"TAMA NA SABI!"
Sigaw ko at tinignan sya diretso sa mga mata nya. Napahinga naman sya ng malalim at marahas na inilayo yung braso nya sa akin. Wala na syang ibang sinabi at naglakad na palayo. Muli akong napatingin kila Joshua.
Nag-sorry nalang ako sa kanya at kaagad na sinundan si Hoshi na dumiretso sa rooftop.
BINABASA MO ANG
PARTNERS.
Random" hey, ikaw daw partner ko para sa project. " " so? " + svt series #1 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.