51

384 25 4
                                    

Aera

Nakahiga lang ako sa aking kama habang nakatitig sa kisame. Maya-maya ay narinig kong may kumatok sa pinto. Napatingin ako dun at pagbukas ng pinto ay nakita ko si Kuya.

"Aera.."

Sabi nya at dahan-dahan naman ako napaupo.

"May bisita ka."

Sabi nya at tumabi sa gilid at di na ako nagulat pa ng makita si Hoshi. Lumabas na si Kuya sa kwarto ko hanggang sa kaming dalawa nalang ni Hoshi ang nandito. Napahinga naman ng malalim si Hoshi at naglakad papalapit sa akin.

"Diba sabi ko na wag–"

Di ko na natapos sasabihin ko ng bigla syang umupo sa tabi ko at niyakap ako. Napahinga nalang rin ako ng malalim at niyakap rin sya pabalik. Dahan-dahan nya hinimas ang aking buhok.

"Kumain ka na ba?"

Tanong nya. Tumango naman ako.

"Kanina pa.."

Sabi ko. Kumalas na sya sa yakap at tinignan ako diretso sa aking mata.

"Nagpaalam ako sa Mama mo na kung pwede bantayan kita. At pumayag sya."

"Hoshi, di na kailangan.."

Sabi ko at hinawakan nya naman tong kamay ko.

"Aera, hindi ko kayang mawala ka sa tabi ko. Ikaw...ikaw nalang ang natitira sa akin.."

Sabi nya at naramdaman ko naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng dahil dun sa sinabi nya. Napayuko naman ako ng ulo.

"Please, Aera. Gusto ko manatili sa tabi mo at sana hayaan mo ako..."

Sabi nya na tila nagmamakaawa. Di naman ako makapagsalita at sa mga oras na yun naramdaman kong may mga luha ng namumuo sa mga mata ko. Kahit ako rin, ayoko rin mawala. Natatakot ako sa kalagayan ko. Ayokong mawala at iwan mag-isa si Hoshi.

Agad tumulo ang luha sa aking mata at di ko na napigilang mapaiyak pa. Dahan-dahan hinawakan ni Hoshi tong pisngi ko at pinatingin ako sa kanya. Ngumiti sya sa akin at pinunasan ang mga luha sa mata ko.

"N-natatakot ako, Hoshi..."

Sabi ko. Lumapit sya sa akin at dahan-dahan hinalikan tong noo ko. Pagtapos ay isinandal nya ulo nya sa akin.

"Wag kang matakot. Andito lang ako. Andito lang kami para sayo. At hinding-hindi ka papabayaan ng Diyos. Magiging maayos rin ang lahat ng to..."

Sabi nya at niyakap muli ako. Wala na akong nagawa kundi ang mapaiyak nalang sa dibdib nya. Sa mga oras na yun ay hinihiling ko na sana bigyan pa ako ng buhay ng Diyos dahil ayaw kong iwan ang pamilya ko. At si Hoshi.

•·················•·················•

Nagpaalam naman si Hoshi kila Mama kung pwede dito na daw sya muna matulog. Pumayag naman sila Mama at nangako naman si Hoshi sa kanila na babantayan at aalagaan nya ako ng mabuti. Nakahiga na ulit ako sa kama ko habang nakaupo si Hoshi sa isang upuan sa tabi ko.

"Hoshi..."

"Hmm?"

Sabi nya at hinawakan muli tong kamay ko.

"Baka mamaya hanapin ka ng mga magulang mo.."

"Tinawagan ko na sila kanina. Wag ka ng mag-alala."

Sabi nya at ngumiti sa akin. Napangiti nalang rin ako.

"Ayaw mo ba matulog sa tabi ko?"

Tanong ko at bigla naman syang ngumisi sa akin.

"Bakit?"

Nakangisi nyang tanong sa akin. Sinamaan ko sya ng tingin at kinuha yung unan na yakap ko at inihagis iyon sa kanya. Nasalo nya naman iyon at tinawanan ako. Napabuntong hininga nalang ako sa kanya.

"Mangawit ka sana dyan."

Sabi ko at humarap na sa kabila. Narinig kong natawa ulit si Hoshi. Maya-maya ay naglakad sya papunta sa kabilang gilid ng kama ko at naihaga sa tabi ko. Humarap sya sa akin at tinignan ako diretso sa aking mata.

Naramdaman ko naman ang pagmula ng buong mukha ko. Mukhang napansin iyon ni Hoshi kaya natawa nanaman sya. Di ako nagsasawang pakinggan yung napaka-cute nyang tawa.

"Magkatabi na tayo. Masaya ka na?"

"Tse."

Sabi ko at naglagay ng unan sa pagitan namin dalawa.

"Bawal kang lumagpas dyan."

Sabi ko at binelatan sya. Para kaming mga bata. Napangiti nalang sya at pinikit na yung mga mata nya. Saglit ko naman sya pinagmasdan.

Mukha syang anghel pag natutulog. Napangiti ako at dahan-dahan hinawakan yung pisngi nya. Hinawakan nya naman yung kamay kong nakahawak sa pisngi nya.

"Mahal na mahal kita, Aera.."

Pabulong nyang sabi. Inalis na ni Hoshi yung unan na nasa gitna namin at hinila ako papalapit sa kanya. Ibinalot nya kamay nya sa aking bewang at isinandal ko ang aking ulo sa may dibdib nya. Narinig ko ang pagtibok ng kanyang puso at napangiti nalang ako.

Ako rin, Hoshi. Mahal na mahal rin kita. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko.


PARTNERS. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon