40

418 24 5
                                    

Aera

11:30 pm

Nakatitig lamang ako sa picture ni Hoshi na sinend nya nung isang araw. Ilang oras na akong nakatitig sa picture nya at hanggang ngayon hindi pa rin ako tinatamaan ng antok.

Bakit ba ang hirap nyang alisin sa isipan ko? Palagi ko nalang sya naiisip at baka mabaliw na ako kakaisip sa kanya. Joke. Di ko akalain na magugustuhan ko si Hoshi. Di ko rin alam bakit ko sya nagustuhan eh. Namalayan ko nalang isang araw na, may nararamdaman na ako para sa kanya.

Hinding-hindi naman ako magugustuhan ni Hoshi. Syempre kaibigan lang ang turing nya sa akin. Sobrang sakit pero ganun talaga ang buhay. Nagsimula ang lahat ng maging partner ko sya. Naisip ko na, pano kung iba ang naging partner ko at hindi sya?

Pero, sobrang thankful ko rin dahil nakilala ko si Hoshi. At nakakausap ko na rin kahit papaano. Natatakot lang ako na baka sa oras na maipasa na namin yung project namin at tapos na ang lahat, baka kalimutan nya na ako.

He's more than just a partner to me.

•·················•·················

Ng matawag na ang pangalan namin ni Hoshi ay tumayo na kami at inihanda na yung powerpoint presentation namin. Di ko maiwasan kabahan pero mabuti nalang andito si Hoshi sa tabi ko. At kahit papaano nabawasan yung kaba ko.

"You may begin."

Sabi ni Mr. Park. Huminga muna ako ng malalim bago magsimulang magsalita. Prinisenta na namin sa buong klase yung project namin ni Hoshi. Inexplain namin yung mga importanteng bagay at tumango-tango nalang si Mr. Park habang nakikinig sa mga sinasabi sa amin.

Habang nagsasalita si Hoshi ay pinagmamasdan ko lang sya. Ang gwapo nya na nga, ang cute nya pa. San ka pa? Namalayan ko nalang na nakangiti na ako habang pinagmamasdan sya.

Pero, agad napawi tong ngiti ko ng mapagtanto ko na pagtapos netong araw na to, tapos na ang project namin at hindi ko na partner si Hoshi. Kinakabahan ako. I don't want us to go back to being strangers again after this. A bond was formed between us throughout making this project. Or so at least that's what I thought.

Natauhan ako ng magsipalakpakan na silang lahat at tapos na palang magsalita si Hoshi. Natapos na namin ipresent yung sa amin at pinuri naman kami ni Mr. Park. Nagpasalamat naman kami sa kanya at tinawag nya na yung susunod na magprepresenta. Bumalik na kami ni Hoshi sa pwesto namin.

Ng makaupo na kami sa upuan ay napasulyap ako kay Hoshi at nakitang kinakausap sya nung mga kaklase namin. Aaminin ko, medyo nagbago rin si Hoshi. Kung dati tahimik lang sya, pero ngayon nakikipag-usap na sya sa iba.

Di naman napapatingin sa akin si Hoshi dahil kausap sya nung mga kaklase namin. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko sa mga oras na yun. Napabuntong hininga nalang ako at tumingin nalang sa harap. Posible bang kalimutan nya na ako pagtapos neto?

•·················•·················•

Lunch time at iniligpit ko na gamit ko. Nakatanggap ako ng text kay Joshua at sinabing sabay daw kami maglunch ngayon. Ng maisukbit ko na yung bag ko ay bigla naman ako nilapitan ni Hoshi.

"Hey."

Bati nya at ngumiti sa akin. I'm so glad he's now smiling more often. I guess he really did changed a lot. Napangiti nalang rin ako sa kanya.

"Um, salamat nga pala sa pagtulong mo dun sa project natin. Di ko akalain na mataas na score ibibigay sa atin ni Mr. Park."

Sabi ko at tumango naman si Hoshi.

"I'm thankful that you're my partner."

Sabi nya at di ko alam bakit may kung anong kumirot sa puso ko ng dahil dun. Sinubukan ko pa rin ngumiti sa kanya.

"Well, tapos na yung project natin. We're no longer partners."

Pabiro kong sabi at natawa nalang sya ng onti. Di ko naman maiwasan mainis dahil ang awkward na namin samantalang hindi naman kami ganto kaawkward nun.

"Oo nga eh..."

"Mamimiss ko yung pagtapos ng klase didiretso agad tayo sa library para gawin yung project."

Biro ko at natawa. Pwede bang bumalik ulit ako sa araw kung saan sinabi ni Mr. Park na sya ang partner ko?

"Ako rin.."

Sabi naman ni Hoshi at nawalan na ako ng sasabihin. Saglit na nagkaroon ng katahimikan na mas lalong kinainisan ko. Matapos ang lahat, magtatapos lang kami ng ganto?

"Um, sige kakain na ako ng lunch. Tsaka baka naghihintay na yun si Joshua sa akin."

Sabi ko. I was expecting him to say that he wanna come eat with us too, but no. He didn't.

"Sige. Bye."

Yan lang ang tanging nasabi nya at mas lalong kumirot tong puso ko. Nagpaalam na ako sa kanya at tumalikod na. Naglakad na ako palabas ng room at di ko maiwasan masaktan.

Wala na tapos na yung project. Hindi ko na sya partner. Everything was back to square one. And I hate it.



...

an: aww




PARTNERS. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon