30

401 23 2
                                    

Aera

Ng makarating na ako sa rooftop ay saglit akong natigilan ng makita kong nakaupo si Hoshi sa sahig habang nakayuko ang ulo. Huminga muna ako ng malalim bago sya lapitan.

"Hoshi..."

Sabi ko ng makatayo na ako sa harapan nya. Di nya ako pinansin at nanatiling nakayuko lamang yung ulo nya. Naupo ako sa tabi nya at dun ko lang narinig ang mahina nyang paghikbi.

"Hoshi, alam kong–"

"Bakit nandito ka?"

Pagpuputol nya agad sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at nakayuko pa rin yung ulo nya.

"Sinaktan ko kaibigan mo. Hindi ba dapat magalit ka sa akin?"

Tanong nya ng hindi tumitingin sa akin. Napahinga naman ako ng malalim at napatingin sa sahig.

"Mas nag-aalala ako sayo, Hoshi."

Sabi ko at naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Naramdaman kong napatingin sa akin si Hoshi.

"Hindi mo kailangan mag-alala pa sa akin."

"At hindi mo rin ako kailangan pigilan."

Sabi ko at tumingin sa kanya. Di ko maiwasan tignan yung labi nyang namamaga at nagdudugo pa rin hanggang ngayon.

"Mahirap man paniwalaan pero, nag-aalala talaga ako sayo."

Sabi ko at napabuntong hininga naman si Hoshi at umiwas ng tingin sa akin. Pinunasan nya yung natitirang dugo sa labi nya gamit yung sleeve ng polo nya. Pagtapos ay nakita ko syang ngumisi.

"Kung umasta ka dyan parang kilalang-kilala mo na ako ah."

Sabi nya at di naman agad ako nakapagsalita. Saglit na nagkaroon ng katahimikan. Napahinga ako ng malalim at isinandal yung likod ko sa railings.

"Oo, tama ka. Hindi ko pa kilala yang buong pagkatao mo."

Sabi ko.

"Pero sa mga kinikilos mo ngayon, parang unti-unti na kitang nakikilala. Alam kong nasasaktan ka ngayon, Hoshi. At pwede bang wag mo na akong itulak palayo. Hayaan mo ako mag-aalala sayo at hayaan mo rin akong tulungan ka. Dahil kahit ano man ang mangyari, hindi ako aalis sa tabi mo."

Sabi ko na mas lalong ikinabilis nitong tibok ng puso ko. Napayuko muli si Hoshi at di na napigilan pang mapaiyak. Di ko alam bakit nasasaktan rin ako ng makita ko syang umiiyak ng ganto. Dahan-dahan ako lumapit sa kanya at niyakap sya.

Akala ko itutulak nya ako palayo at akala ko magagalit sya sa akin. Pero di ko akalain na hinayaan nya akong yakapin sya.

Matapang na tao tong si Hoshi pero nasasaktan rin sya. At gagawin ko ang lahat para matulungan sya. And what I said is true, I will never leave his side.









...

an: sorry kung ang ikli hahaha






PARTNERS. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon