— Aera
Dahan-dahan ko iminulat mga mata ko. Ng luminaw na ang aking paningin ay saglit akong napatitig sa kisame. Sa mga oras na yun, pakiramdam ko ay parang nakatulog ako ng ilang buwan at ngayon lang nagising.
"Aera!"
Agad ako napatingin sa gilid at nakita sila Mama. Kaagad na lumapit sa akin si Mama at niyakap ako. Napangiti nalang ako at dahan-dahan ibinalot ang kamay ko sa kanya. Maya-maya ay kumalas na sa yakap si Mama at tinignan ako.
"Wag kang mag-alala, anak. Naging maayos ang operasyon mo. Salamat sa Diyos."
Sabi ni Mama at ngumiti sa akin. Napangiti nalang ako at sunod naman lumapit sa akin si Kuya.
"Musta na, kapatid ko?"
Sabi nya at ngumiti ng nakakaloko sa akin. Napailing-iling nalang ako sa kanya at tumawa naman sya na parang ewan at hinawakan kamay ko. Kahit kelan talaga napaka-ewan nitong Kuya ko. Bumukas naman ang pinto at lahat kami napatingin dun at nakita namin si Joshua.
"Aeraaaa!"
Pasigaw nyang sabi at kaagad lumapit sa akin tsaka niyakap ako ng mahigpit. Kumalas na agad sya sa yakap at hinawakan rin ang aking kamay.
"Mabuti naman ok ka na, baby girl ko.."
Napangiti naman ako at magsasalita na sana ng biglang sumingit si Kuya.
"Anong 'baby girl'?? Sino ba talaga jowa mo, ha?"
Tanong ni Kuya sa akin at tinignan ko naman sya ng masama. Laki talaga ng problema nito. Natawa naman si Joshua at hinawakan yung balikat ni Kuya.
"Chill ka lang, Mingyu. Yun lang ang tawag ko kay Aera."
"Eh kung ganun, edi baby b– ARAY MA!"
Naputol sasabihin nya ng bigla nalang sya kinurot ni Mama sa tenga para manahimik na sya. Natawa nalang kaming lahat sa kanya.
Pero bigla nalang napawi tong ngiti ko ng may bigla akong naalala. Dahil dun tinawag ko agad si Joshua na agad naman napatingin sa akin.
"Bakit?"
"A-asan s-si H-hoshi?"
Tanong ko at parang di naman alam ni Joshua ang sasabihin nya. Napahinga sya ng malalim at napakamot sa batok nya.
"Di ko alam eh. Umuwi kasi sya. Di nya naman sinabi na babalik sya..."
Sabi ni Joshua na medyo ikinalungkot ko. Bahagya nalang ako napangiti tsaka tumango-tango.
Hoshi...
•·················•·················•
Nakaupo na ako ngayon sa kama habang tinutulungan ako kumain ni Mama. Umuwi na si Joshua at sinabi nya naman na babalik nalang daw sya bukas dito. Pero di ko pa rin alam kung nasan si Hoshi o kung pupunta ba sya dito. Hays.
"Pagtapos mo kumain, magpahinga ka na anak ah. Lalo na kakagaling mo lang sa operasyon."
Bilin ni Mama ng matapos na akong kumain. Ngumiti nalang ako tsaka tumango-tango.
"Opo."
Yan nalang ang tanging nasabi ko. Niligpit na nila yung mga pinagkainan namin at napasandal naman ako sa kama ko. Di ko alam bakit si Hoshi ang naiisip ko ngayon. Bigla naman ako nilapitan ni Kuya.
"Oh, bakit ang lungkot ng mukha mo?"
"Wala.."
BINABASA MO ANG
PARTNERS.
Random" hey, ikaw daw partner ko para sa project. " " so? " + svt series #1 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.