— Aera
Ng matapos na ang aming klase ay niligpit ko na gamit ko at isinukbit na ang aking bag. Bago ako lumabas ng room ay nilapitan ko muna si Hoshi.
"Hoshi, mauna ka na sa library."
Sabi ko at nakita kong napataas naman yung isa nyang kilay.
"Why?"
"Um, kasi, pupuntahan ko lang saglit yung kaibigan ko."
Paliwanag ko. Wala syang sinabi at tumango nalang. Napangiti nalang ako at agad na lumabas sa classroom. Paglabas ko ng room ay pinuntahan ko na si Joshua.
"Aera!"
Tawag nya ng makita na ako. Napangiti ako sa kanya at lumapit sa kanya.
"Hi senpai ko!"
Bati ko at niyakap sya. Natawa naman sya at niyakap rin ako pabalik. Parang magkapatid na ang turingan namin sa isa't isa at nasanay na ako na yakapin sya sa tuwing nagkikita kami. Kumalas na ako sa yakap at humarap sa kanya.
"So, asan na yung girlfriend mo?"
Tanong ko at ngumisi sa kanya. As if on cue, a girl suddenly approached him.
"Hi Joshua!"
Bati nung babae at hinalikan sya sa pisngi nya. Pagtapos napatingin sya sa akin at napawi naman tong ngiti ko ng makita ko na ang tsura nya. P-pota...
"Aera, eto nga pala si Diane. Girlfriend ko."
Pagpapakilala ni Joshua. Napangiti naman sa akin yung babaeng nangangalang Diane at nakipagkamay sa akin.
"Sya nga pala si Aera, kaibigan ko."
Sabi naman ni Joshua. Parang may biglang nabara sa lalamunan ko dahilan para hindi ako makapagsalita.
"Nice to meet you, Aera."
Nakangiti nyang sabi sa akin. Di ako makapaniwala na sya ang girlfriend ni Joshua. Sa lahat ng babae, bakit sya pa?
"N-nice to meet y-you too.."
Nauutal kong sabi. Bumitaw na si Diane at kumapit sa braso ni Joshua.
"Aera? Ok ka lang?"
"A-ah? Oo naman.."
Sabi ko at tumawa ng onti. Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ko dahil sa kaba. Nagpaalam na ako sa kanila since may gagawin pa kaming project at ayoko naman paghintayin si Hoshi dun. Pilit akong ngumiti sa kanila at nagsimula ng maglakad palayo.
Yung babaeng yun, sya yung nakita kong kausap nun ni Hoshi nung isang araw.
Di ko akalain na girlfriend ni Joshua yung ex ni Hoshi. Paano pag nalaman to ni Hoshi?
•·················•·················•
Di ko alam bakit di nanaman ako makapag-focus sa ginagawa ko. Di ko pa rin maalis sa isipan ko na, girlfriend ni Joshua yung ex neto ni Hoshi. Dahil dun, napatingin ako kay Hoshi na ginagawa yung pinapagawa ko sa kanya.
Paano nalang pag nalaman ni Hoshi yun? Panigurado ako na masasaktan sya. Or worse, baka may gawin syang masama kay Joshua, lalo na nakita ko na kung pano magalit tong si Hoshi...
Kinakabahan ako para sa kaibigan ko. At para na rin kay Hoshi sa oras na malaman nya iyon. Naramdaman siguro ni Hoshi na nakatingin ako sa kanya kaya naman saglit syang tumigil at napatingin sa akin. Napataas naman ang isang kilay nya.
"Ano?"
Walang kaemo-emosyon nyang tanong. Napalunok naman ako tsaka dahan-dahan umiling. Napahinga nalang sya ng malalim at pinagpatuloy yung ginagawa nya. Saglit ko naman pinagmasdan si Hoshi. Naramdaman ko nanaman ang pagbilis nitong tibok ng puso ko dahil sa kaba.
•·················•·················•
8:00 pm
Aera
senpai ko. . .Joshua
heyyyJoshua
what's wrong? :[Aera
umm. . .Aera
may kailangan kang malamanJoshua
ano yun?Aera
ano kasiAera
ex ni hoshi si diane|Aera
ay nakalimutan ko na hahahaJoshua
ayyJoshua
tungkol saan ba?Aera
nakalimutan ko talaga hahahaAera
sige may kailangan pa akong tapusinAera
byeeeee!seen ✓ by joshua
BINABASA MO ANG
PARTNERS.
Random" hey, ikaw daw partner ko para sa project. " " so? " + svt series #1 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.