49

372 20 2
                                    

Aera

12:00 pm

Ng maidismiss na kami ni Mr. Park para makapaglunch na ay nagsilabasan na yung iba. Sinukbit ko na bag ko at pagtingin ko sa pwesto ni Hoshi ay nagtaka ako ng makita kong wala na sya agad dun. Nauna na kaya syang lumabas?

Napabuntong hininga nalang ako at naglakad na palabas ng room. Napansin ko na biglang tumahimik si Hoshi kanina nung pagdating namin dun. Alam ko naman na dahil lang dun sa sinagot ko sa tanong nya. Ang totoo nyan di ko kasi kayang sabihin sa kanya at ayoko ng mag-alala pa sya sa akin.

Sobrang pre-occupied ng utak ko at di ko namalayan na may taong paparating sa harapan ko at di ko sadyang mabangga sa kanya. Agad ako nag-sorry sa nakabangga ko.

"Sorry po!"

Sabi ko at pagtingala ko ay nagulat ako ng makita ko si Joshua, na sya palang nakabangga ko. Ngumiti sya sa akin at ginulo tong buhok ko.

"Ok ka lang, Aera?"

"Sus. Akala ko naman kung sino ikaw lang pala."

Sabi ko at tinawanan nya naman ako. Sinabi nyang sabay na daw kaming mag-lunch kaya nagtungo na kaming dalawa sa canteen. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin kung nasan si Hoshi ngayon. Humarap ako kay Joshua at di na maiwasan magtanong.

"Um Joshua, nakita mo ba si Hoshi?"

"Nakita ko syang papuntang rooftop eh. Mukhang badtrip nga kasi ang sama ng tingin nya.."

Sabi ni Joshua. Tama nga ako. Ng dahil dun kanina. Napahinga nalang ako ng malalim.

"May nangyari ba?"

Nag-aalalang tanong ni Joshua sa akin.

"Di ko pa kasi nasasabi sa kanya."

Malungkot kong sabi. Hinawakan naman ni Joshua tong balikat ko. Bukod kila Mama, ay alam na rin ni Joshua tong kalagayan ko ng maging magkaibigan kaming dalawa. At sinabi ko naman na isikreto nya iyon at ayaw kong malaman ng iba yung tungkol dito sa kalagayan ko.

Napatigil ako sa paglalakad at agad napahawak sa dibdib ko ng maramdaman kong sumasakit ito. Agad naman ako inalalayan ni Joshua.

"Aera! Ok ka lang??"

Nag-aalalang tanong sa akin ni Joshua at sobrang sakit ng dibdib ko. Napatitig ako sa sahig at hinintay na mawala yung sakit. Namalayan ko nalang na nakaupo na ako sa sahig habang hawak-hawak ko pa rin tong dibdib ko. Pinag-titinginan na kami ng mga kapwa namin estudyante.

Di naman ako makapagsalita dahil sa sobrang sakit. Agad ako binuhat ni Joshua (in bridal style) at ibinalot tong braso ko sa balikat nya.

"Dadalhin kita sa clinic!"

•·················•·················•

Hoshi

Ng makabalik na ako sa classroom ay nagtaka ako ng bigla akong nilapitan nung kaklase namin.

"Hoshi!"

Sabi nya at napataas naman tong kilay ko habang nakatingin sa kanya.

"Bakit?"

"Si Aera! Dinala sya sa clinic!"

Sabi nya at dun ko naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng dahil sa kaba. Naisara ko tong kamao ko dahil sa inis at agad lumabas ng room. Paglabas ko ay patakbo akong dumiretso sa clinic.

Ng makadating ako dun ay huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto. Pagbukas ko ng pinto ay halos tumigil pag-ikot ng mundo ko ng makita ko ang walang malay na si Aera habang nakahiga sa kama. Naglakad ako papalapit sa kanya at hinawakan ang kamay nya.

"Aera..."

Sabi ko at pinagmasdan yung mukha nya. Agad ako humarap sa kaibigan nyang si Joshua.

"Anong nangyari kay Aera?!"

Halos pasigaw kong tanong. Hinawakan nya naman ako sa magkabilaang balikat ko.

"Hoshi–"

"SABIHIN MO SA AKIN ANONG NANGYARI SA KANYA!"

Sigaw ko at hinawakan ng mahigpit yung kamay ni Aera.

"Hoshi, sa labas tayo mag-usap."

Mahinahon na sabi ni Joshua at hinila ako palayo kay Aera. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang. Ng makalabas kami ng clinic ay di ko na napigilan sarili ko at tinulak sya sa may pader at hinawakan yung kwelyo ng polo nya.

"Anong ginawa mo kay Aera?!"

Pasigaw kong tanong sa kanya at tinignan sya ng masama.

"Hoshi wala akong ginagawa sa kanya!"

"Sabihin mo sa akin, ano ang nangyari sa ka–"

"Sumakit ang dibdib ni Aera na halos himatayin na sya kanina kaya ko sya dinala dito!"

Paliwanag nya at may kung anong kumirot sa aking puso ng marinig iyon. Medyo pinagsisihan ko na iniwan ko lang sya kanina.

"Bakit?! Ano bang nangyayari–"

"Dahil may sakit sa puso si Aera!"

Sabi nya at natigilan naman ako. Ano? Tama ba yung narinig ko? Natawa naman ako at dahan-dahan binitawan yung kwelyo nya.

"Ano?"

Tanong ko. Napahinga naman sya ng malalim at inayos yung polo nya. Gusto kong sabihin nya na nagbibiro lang sya.

"Pinagloloko nyo ba ako?"

"Hindi, Hoshi. Totoo ang sinabi ko. Matagal ng may sakit sa puso si Aera."

Seryoso nyang tugon at sa mga oras na yun ay di ako makapagsalita. Matagal ng may sakit sa puso si Aera?

"Bakit hindi nya sinabi sa akin?"

Sabi ko at naramdaman kong may namumuo ng luha sa gilid ng mata ko.

"Ayaw ka na nyang mag-alala pa kaya hindi nya sinabi sayo."

Sabi ni Joshua. Di ko na alam ang sasabihin ko. Ng marinig ko lahat ng sinabi nya, parang bigla akong nanghina. Napahaplos ako sa aking noo at napaupo sa sahig.

Di ko kakayanin na mawala sya sa tabi ko...







...

an: awe :( . so yea school starts tomorrow :(

PARTNERS. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon