39

415 22 1
                                    

Aera

tuesday ; 5:15 pm

Nauna na akong dumiretso sa library dahil kinausap pa saglit ni Mr. Park si Hoshi. Habang papunta ako dun ay nakasalubong ko naman si Joshua. Ngumiti ako sa kanya at agad syang nilapitan.

"Hey!"

Bati ko. Napangiti nalang sya tsaka ginulo-gulo tong buhok ko.

"San ka punta?"

"Sa library gagawin yung project."

Sabi ko at tinanong naman ni Joshua kung pwede na sa amin daw muna sya sumama at pumayag nalang rin ako. Sabay na kaming nagpunta sa library at di ko naman maiwasan magtanong sa kanya.

"Kamusta na kayo ni Diane?"

Tanong ko. Napabuntong hininga naman sya.

"Ok lang naman. Eh kayo ni Hoshi?"

May halong asar na tanong nya sa akin. Bahagya ko syang hinampas sa braso nya.

"Ok lang no."

"Diba nagugustuhan mo na sya?"

Tanong nya at sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Sige subukan mo lang ipagkalat."

"Sinabi ko bang ipagkakalat ko?"

Sabi nya at napabuntong hininga nalang ako sa kaibigan ko.

•·················•·················•

Maya-maya ay nakadating na si Hoshi at nagtaka naman sya ng makita nyang kasama ko si Joshua. Pinaliwanag ko naman sa kanya na gusto munang sumama ni Joshua sa amin at tumango-tango nalang sya at naupo sa gitna.

"Um, hey."

Awkward na bati ni Joshua kay Hoshi. Bahagyang ngumiti nalang si Hoshi sa kanya. Naaawkwardan rin ako sa dalawang to di ko alam kung bakit. Tahimik namin ginawa yung project habang nagbabasa lang ng libro si Joshua. Pero tinutulungan nya rin naman kami.

Ng matapos na kami ay itinaas ko yung braso ko tsaka nag-unat unat. Sa wakas natapos na rin namin tong project.

"Wow tapos nyo na?"

Di makapaniwalang tanong ni Joshua. Napangiti naman ako tsaka tumango-tango nalang. Niligpit na namin mga gamit namin at inilagay ko na sa bag na dala ko yung laptop. Pagtapos sabay-sabay na kaming lumabas ng library.

"Sige mauuna na ako sa inyo. Bye!"

Paalam ni Joshua at nauna ng umalis. Kaming dalawa nalang ulit ni Hoshi ang magkasama. Di ko alam bakit naawkwardan rin ako sa kanya.

"Um, tara na."

Sabi ko at tumango nalang sya. Sabay na namin tinahak ang daan papalabas ng school. Tahimik lang kami at wala naman ako maisip na sasabihin. Ng makarating na kami sa school gate ay biglang nagsalita si Hoshi.

"Hatid na kita."

Sabi nya at napakamot sa batok nya. Napansin ko na palagi nyang ginagawa yun sa tuwing nahihiya sya. Ang cute nga eh. Napangiti nalang ako tsaka tumango.

"Sige."

•·················•·················•

Ng makarating na kami sa bahay ay humarap na ako sa kanya at nagpasalamat.

"Um, salamat nga pala."

Sabi ko. Ngumiti naman si Hoshi sa akin.

"Walang anuman."

Sabi nya. Nagpaalam na ako sa kanya at tumalikod na. Maglalakad na sana ako papunta sa pinto ng bigla nya akong tawagin.

"Aera."

Agad ako napalingon sa kanya hanggang sa magtama ang mga mata namin.

"Hmm?"

Tanong ko. Mukhang may gustong sabihin sa akin si Hoshi sa tsura nya palang ngayon. Hinintay ko ang sasabihin nya pero bigla nalang sya napahinga ng malalim.

"Wala. Sige, mauuna na ako."

Sabi nya at tumalikod na sa akin. Gusto ko pa sana sya tawagin at pilitin kung ano yung sasabihin nya pero di ko na nagawa pa. Napabuntong hininga nalang ako habang pinagmamasdan ko syang naglalakad na palayo sa akin.

Habang pinagmamasdan ko sya ay naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Tuluyan na ngang nahulog ako kay Hoshi. At di ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi.

Tumalikod na ako at maglalakad na sana pero natigilan ako ng makita kong nakatayo na sa may pintuan si Kuya habang nakapamewang pa. Tinignan ko suot nya at suot nanaman nya yung pink apron ni Mama.

"Hinatid ka ba ng boyfriend mo, hmm?"

May halong asar na tanong nya sa akin. Tinignan ko sya ng masama.

"Shut up."

Sabi ko at nilagpasan sya tsaka pumasok na sa loob ng bahay.

"Magkwento ka naman uy!"

PARTNERS. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon