20

462 27 1
                                    

Aera

Halos naikot ko na yung buong school at di ko pa rin makita si Hoshi. Bakit ba bigla-bigla nawala yung lalaking yun?? Umuwi na ba sya? Hay nako.

Didiretso na sana ako sa library pero napatigil ako ng biglang may naalala ako. Naalala ko yung sinabi ni Joshua sa akin nun. Yung madalas nya daw nakikita si Hoshi dun sa may billiardan katabi ng school na to. Teka, baka dun nagpunta si Hoshi?

Di ko alam kung dun talaga pumunta si Hoshi pero di na ako nagdalawang isip pang pumunta dun. Ng makalabas na ako ng school ay agad ako dumiretso dun sa billiardan na sinasabi ni Joshua.

Ng makarating na ako dun nakita kong ang daming mga nakatambay dun sa labas. Yung iba matatanda at yung iba ay siguro mga kasing-edad ko lang. Kinakabahan nalang ako ng bigla silang mapatingin sa akin. Pota.

Napalunok ako dahil sa kaba at nagsimulang maglakad papasok dun sa maliit na parang bahay yung tsura at ramdam ko naman na sinundan ako ng tingin nung mga nakatambay dun.

Pagpasok ko dun ay nakita kong maraming naglalaro ng billiard at marami rin mga billiard table ang nakapaligid dito sa lugar na to. Iginala ko ang tingin ko upang hanapin si Hoshi. Pero nagtaka ako ng di ko sya mamataan dito. Eh? Wala rin sya dito? San kaya nagpunta yun? Baka nga umuwi na talaga?

Natauhan nalang ako ng biglang may tumayo sa harapan ko. Akala ko si Hoshi iyon pero pagtingala ko ay isang lalaki na hindi ko naman kilala.

"Miss, naliligaw ka ata?"

Tanong nya at bigla nalang ngumisi sa akin. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Dahan-dahan ako umatras.

"M-may hinahanap lang po ako..."

Sabi ko. Tumalikod na ako at maglalakad na sana palabas pero nagulat ako ng makita kong nakaharang sa dadaanan ko yung mga lalaking nakatambay dun kanina sa labas. Pota nacornered ako! Hoshi, asan ka ba?!

"Hi, miss. Ngayon palang kita nakita dito ah."

Sabi nung isa at humakbang papalapit sa akin. Mas lalo akong kinabahan at napaatras muli pero bigla nalang ako hinawakan nung lalaking nasa likod sa aking balikat. Dahil dun, mas lalong bumilis tong tibok ng puso ko dahil na rin sa takot.

"B-bitawan nyo po ako!"

Pagmamakaawa ko pero bigla nalang nila ako tinawanan. Nakalapit na sa akin yung lalaki at tumayo malapit sa harapan ko. Napalunok naman ako dahil sa kaba ng bigla syang ngumisi sa akin.

"Gusto mo bang sumama sa amin, ha?"

"A-ayoko!"

Sigaw ko at pilit na kumakawala pero naramdaman kong hinigpitan nung lakaki yung pagkakahawak nya sa aking balikat. Tumawa nanaman muli sila sa akin. Nagulat ako ng biglang inilapit nung lalaki yung kamay nya sa akin. Nanlaki naman tong mga mata ko at akala ko mahahawakan nya na pisngi ko pero may bigla nalang humawak sa braso nya.

Sabay kaming napatingin sa gilid at nagulat ako ng makita ko na sa wakas si Hoshi. San sya nanggaling?!

"Huwag mong ilapit yang madumi mong kamay sa kanya."

Seryosong tugon ni Hoshi at buong pwersang inilayo yung kamay nung lalaki sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Gusto mo bang mamatay, ha?!"

Halos pasigaw na sabi nung lalaki na mukhang nairita ng dahil dun sa ginawa ni Hoshi. Napatingin naman ako kay Hoshi na seryoso lang nakatingin dun sa lalaki na nagtangkang hawakan tong pisngi ko. Nagulat nalang ako ng biglang sinapak nung lalaki si Hoshi pero bago pa dumampi yung kamao nya sa mukha ni Hoshi ay mabilis nakailag si Hoshi at diretso syang sinipa sa kanyang dibdib. Napatakip naman ako sa bibig ng matumba yung lalaki at tumama ang ulo dun sa lamesa.

Kaagad na lumapit sa akin si Hoshi at hinawakan tong kamay ko. Bago pa ako makapag-react ay mabilis nya akong hinila palabas ng billiardan na yun. Ng makalabas na kami sa lugar na yun ay napalingon naman ako at nanlaki mga mata ko ng makita kong hinahabol nila kami.

Naramdaman kong hinigpitan ni Hoshi yung pagkakahawak nya sa kamay ko at mabilis kaming tumakbo palayo. Sobrang bilis ng takbo namin at sinusubukan kong sumabay sa takbo ni Hoshi kahit na muntikan na akong madapa. Naririnig ko yung mga sigawan nung mga lalaki na hanggang ngayon hinahabol pa rin kami.

"Dito!"

Sigaw ni Hoshi at pumunta kami sa isang eskinita. Kaagad kami nagtago dun para di kami makita nung mga humahabol sa amin.

"Wag kang maingay."

Sabi ni Hoshi at agad ako napatakip sa bibig ko. Ngayon ko lang naramdaman na sobrang bilis at lakas na ng tibok ng aking puso. Ng malagpasan na kami nung mga lalaki ay nakahinga naman ako ng maluwag at napasandal sa pader habang hinahabol ang aking hininga.

Napahinga naman ng malalim si Hoshi at napatingin sa akin na medyo hingal na hingal na rin ng dahil sa bilis ng takbo namin.

"Sinaktan ka ba nila?"

Tanong nya at umiling naman agad ako. Di naman ako makapagsalita pa dahil sa gulat at dahil na rin hinihingal pa ako.

"Bakit ka ba nagpunta dun?"

Nagtataka nyang tanong sa akin. Napatingin ako sa kanya at huminga muna ng malalim bago magsalita.

"H-hinahanap kasi kita..."

Pagkasabi ko nun ay napansin ko na biglang nag-iba yung ekspresyon ng mukha ni Hoshi. Napaiwas naman sya ng tingin sa akin at saglit na nagkaroon ng katahimikan. Dahan-dahan naman ako napangiti sa kanya.

"Salamat, Hoshi. Dahil niligtas mo ako.."

Sabi ko at napatingin sya muli sa akin. Napatingin naman sya sa mga balikat ko at maging ako ay napatingin rin at nakitang medyo namantsahan na etong blouse ko. Literal na madumi talaga yung mga kamay nung lalaking yun. Hay nako.

Bigla naman hinubad ni Hoshi yung suot nyang black hoodie at nagulat ako ng bigla nyang iabot sa akin iyon.

"Suotin mo."

Walang kaemo-emosyon nyang sabi at saglit naman ako natulala sa mga mata nyang nakatingin sa akin. Bakit ganto ang nararamdaman ko? Naguguluhan na ako. Bago pa ako tuluyan mahulog sa mga mata nya ay napayuko nalang ako at dahan-dahan kinuha mula sa kamay nya yung black hoodie nya. Sinuot ko na iyon at medyo malaki sa akin yung hoodie nya pero sakto lang rin naman yung haba.

"Ihahatid na kita pauwi."

Sabi nya at naramdaman ko ang pagmula ng buong mukha ko ng muli nanaman hawakan ni Hoshi tong kamay ko.

•·················•·················•

Nakatitig lamang ako sa kisame ng aking kwarto habang inaalala yung mga nangyari kanina. Sobrang gulo at dapat pala hindi na ako nagpunta dun. Pero mabuti nalang dumating agad si Hoshi na di ko naman alam kung san nanggaling. Kung di sya dumating, baka mamaya napahamak na ako dun.

Naalala ko rin kung pano hawakan ni Hoshi yung kamay ko habang tumatakbo kami. Di ko alam pero parang may mga kuryente na dumaloy sa buong katawan ko nung mga oras na yun. Tsaka, ang warm ng palad nya.

When he held my hand, I somehow feel safe with him.

Dahan-dahan ako napatingin sa kamay ko. Hoshi, bakit ganto ang nararamdaman ko sayo?







...

an: yiee keleg

PARTNERS. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon