33

421 20 5
                                    

Aera

friday ; 6:00 am

"Ma, aalis na po ako."

Sabi ko kila Mama ng matapos na akong kumain. Ng maisukbit ko na bag ko ay dumiretso na ako sa pinto at bago ako makalabas ay narinig kong nagsalita si Mama.

"Kanina pa sya naghihintay sayo."

Sabi ni Mama na ikinataka ko naman. Sino daw? Binuksan ko na yung pinto at natigilan ako ng makita kong may nakatayo dun na isang pamilyar na lalaki. Napalingon sya at nagulat ako ng makita na si Hoshi pala iyon.

"Hoshi?"

Nagtataka kong sabi at naglakad papalapit sa kanya. Di ko akalain na andito si Hoshi. O baka nananaginip lang ako? Dahan-dahan ko hinawakan pisngi nya at andito nga talaga sya sa harapan ko. Inilayo ko na kamay ko.

"Bakit ka nandito?"

Tanong ko sa kanya. Napahinga naman sya ng malalim.

"Sabay na tayong pumasok."

Sabi nya at naramdaman ko nanaman muli ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Akala ko pa naman di nya ako papansin matapos yung nangyari kahapon. Pero di ko akalain na pumunta sya dito para lang sabihin na sabay na kaming pumunta sa school. Napangiti nalang ako at tsaka tumango sa kanya.

"Sige."

Sabi ko at sabay na namin tinahak ang daan papuntang school.

•·················•·················•

Ng makarating na kami sa school ay dumiretso na agad kami sa classroom namin. Napansin ko naman na pinagtitinginan kami nung mga nakakasalubong namin at wala na akong pake kung tignan nila kami.

"Aera."

Biglang sabi ni Hoshi dahilan para mapatigil kami sa paglalakad. Napatingin ako sa kanya.

"Bakit?"

Tanong ko. Nakatingin lang sa akin si Hoshi at maya-maya ay nagulat ako ng bigla syang ngumiti sa akin. Saglit akong natulala sa kanya dahil ngayon ko palang sya nakitang ngumiti. Palagi kasing seryoso mukha nya eh.

"Salamat."

Sabi nya at di naman ako makapagsalita agad. Nauna na syang naglakad at naiwan naman akong nakatulala dito. Ngumiti ba talaga sa akin si Hoshi? Kung isa man panaginip ito, ayoko ng magising pa!

Di ko akalain na masisilayan ko ang ngiti ni Hoshi. Bakit ang cute nyang tignan nung ngumiti sya sa akin? Namalayan ko nalang na nakangiti na rin ako ng dahil dun.

He should smile more often.

•·················•·················

Pinaalala sa amin ni Mr. Park na malapit na yung pasahan nung project na pinapagawa nya sa amin. So far, malapit naman na namin matapos yung sa amin. Ng maidismiss na kami ni Mr. Park ay iniligpit ko na mga gamit ko. Di ko namalayan na nilapitan ako ni Hoshi.

"Aera."

Agad ako napatingala sa kanya ng marinig kong tinawag nya ako. Once na magtama mga mata namin, bumilis nanaman tong tibok ng puso ko.

"Hmm?"

"May...gagawin ka ba bukas?"

Tanong nya at napakamot sa batok nya. Narinig ko naman ang mga asaran nung mga kaklase kong babae sa gilid. Di ko sila pinansin at ngumiti kay Hoshi.

"Gagawin ko yung project natin. Bakit?"

"Pwede ba ako pumunta sa inyo bukas?"

Tanong nya, na mas lalong ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"Para matulungan kita."

Dagdag nya. Nung last time kasi dun namin sa cafe ginawa yung project namin kasi ayoko isipin nila Mama na boyfriend ko tong si Hoshi. Hays. Sana naman di ganun isipin nila Mama.

"Sige."

•·················•·················•

7:00 pm

Sabay-sabay na kaming kumakain sa hapag kainan. Naisipan kong sabihin na kila Mama na pupunta dito si Hoshi bukas kaya naman humarap ako sa kanila ni Papa.

"Ma, Pa..."

Tawag ko at sabay silang napatingin sa akin.

"Bakit?"

"Ano po kasi...pupunta po dito yung kaklase ko bukas. Gagawin lang po namin yung project namin."

Sabi ko at bigla naman umepal yung kuya kong si Mingyu.

"Kaklase nga lang ba?"

May halong asar na tanong nya sa akin. Tinignan ko sya ng masama. Kahit kelan talaga ang epal nitong kapatid ko.

"Oo nga!"

Depensa ko at tinawanan nya lang ako. Hay nako.

"Sige. Anong oras daw sya pupunta dito?"

Sabi naman ni Mama at napangiti naman ako.

"Magmemessage nalang po sya sa akin."

Sabi ko at tumango-tango nalang sila. Nagsalita nanaman ang epal kong kuya.

"Baka mamaya may tinatago ka sa amin ah."

"Wala kaya!"

Para kaming mga batang nag-aaway kaya naman agad kami sinaway ni Papa. Binelatan naman ako ni kuya at tinarayan ko nalang sya. Mahal ko kuya ko pero napaka-epal nya lang talaga.

Subukan nya lang guluhin kami ni Hoshi bukas







...

an: yes po kuya nyo si mingyu dito HAHAHA.

PARTNERS. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon