54

380 23 22
                                    

Hoshi

friday ; 8:00 am

Di ako nakatulog ng maayos kagabi lalo na't naiisip ko si Aera. Ngayon na sya ooperahan at kagabi bago ako umuwi ay binigay ko ang number ko kay Mingyu at sinabi rin sa kanya na itext nya ako kung ano ng balita kay Aera.

Nananalangin ako na sana maging maayos ang operasyon nya. Dahil di ko na alam ang gagawin ko kung mawala man si Aera...

Napahinga ako ng malalim at sumandal sa inuupuan ko. Napahaplos ako sa aking noo at bigla naman ako nilapitan nung kaklase namin.

"Hoshi, totoo ba na nasa hospital si Aera ngayon?"

Tanong nya. Napatingala ako sa kanya at tinigan sya ng masama.

"Kanino mo nalaman yan?"

Seryoso kong tanong sa kanya. Napakamot naman sya sa batok nya at hindi makapagsalita. Muli akong napahinga ng malalim.

"Huwag nyo ng babanggitin ang tungkol kay Aera. Kundi ako ang makakaharap ninyo."

Sabi ko at tumango nalang sya at naglakad na paalis. Di ko na pinansin kung kanino man nya nalaman iyon. Napagdesisyunan ko na pumunta ulit sa hospital mamaya pagkatapos ng klase para puntahan si Aera.

•·················•·················•

Lunch break na namin at sa rooftop nalang ulit ako tumambay. Naupo ako dun sa sirang upuan na lagi kong inuupuan at sa mga oras na yun ay bigla ko nalang naalala yung araw na pinuntahan ako dito ni Aera.

Nung mga araw na yun, dun ko lang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng dahil sa kanya.

Mahal ko si Aera. At sobrang pasasalamat ko na dumating sya sa buhay ko.

Maya-maya ay narinig kong may nagsalita sa likod ko. Di ko alam bakit ang nasa isip ko si Aera pero paglingon ko ay nakita ko si Diane.

"Hi."

Bati nya at bahagyang ngumiti sa akin. Tumango nalang ako at ibinalik ang tingin sa kalangitan. Naupo naman sya dun sa isang sirang upuan sa tabi ko.

"Um, nalaman ko nga pala yung tungkol kay Aera. Kamusta na sya?"

Tanong nya at napatawa naman ako ng marahan.

"Wag kang umakto na parang may pake ka talaga sa kanya."

Sabi ko ng di tumitingin sa kanya. Narinig ko ang malalim nyang paghinga.

"Mahal na mahal mo ba si Aera?"

Tanong nya at napahinga naman ako ng malalim ng dahil dun. Humarap ako sa kanya.

"Oo. At di ko na kailangan ipaliwanag pa."

"S-sana mahalin ka rin nya ng mabuti. At sana hindi ka nya saktan, katulad ng ginawa ko. Sana rin punuin nya yung mga pagkukulang ko sayo nun..."

Malungkot nyang sabi at ngumiti muli sa akin. Tumayo na sya at nagpaalam na tsaka naglakad palayo. Ng makaalis na sya ay napabuntong hininga ako at maya-maya narinig kong tumunog cellphone ko. Kaagad ko iyon kinuha sa bulsa ng pantalon ko at nakitang may isa akong text galing kay Mingyu.

Binuksan at binasa ko iyon,

From: Mingyu
- pumunta ka dito, hoshi
sent 12:30 pm

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Dahil dun, isinukbit ko agad bag ko at patakbong bumaba sa rooftop. Dumiretso ako sa office at nagpaalam at mabuti nalang pinayagan nila ako. Lumabas na ako ng school at tumakbo papuntang hospital.

•·················•·················•

2:00 pm

Pagdating ko sa hospital ay agad ako dumiretso sa kwarto ni Aera at nakita ko sila Mingyu sa di kalayuan. Ng makalapit ako sa kanya ay saglit akong napahawak sa aking tuhod habang hinahabol ang aking hininga. Ng mahimasmasan na ako ay kumapit ako sa mga braso ni Mingyu.

"A-anong nangyari kay Aera?"

Tanong ko at may mga luha ng namumuo sa mga mata ko. Napahinga ng malalim si Mingyu.

"Si Aera..."

Sabi nya. Napapikit ako at di na napigilang mapaiyak. Bigla akong nanghina at dahan-dahan napaupo sa sahig.

Hindi pwede...hindi pwede mawala si Aera...

Agad naman ako hinawakan ni Mingyu sa aking balikat at inalalayan patayo.

"Nasubukan naman nila ang kanilang makakaya..."

Rinig kong sabi ni Mingyu. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko habang walang awat ang pagbuhos ng luha sa aking mata. Hindi ko kayang mawala si Aera! Mas lalo akong napaiyak at maya-maya narinig kong nagsalita si Mingyu.

















"Uy, joke lang. Naging maayos operasyon ni Aera. Ok na sya."


"P-PUTANG*NA KANG DEMONYO KA!"











...

an: yay HAHAHAH. sorry kung ang corny. i can't handle tragic endings so yea..

PARTNERS. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon