21

447 26 7
                                    

Aera

tuesday ; 12:00 pm

Tulala lamang ako buong klase at di ko na namalayan na lunch time na pala. Bago kami idismiss ni Mr. Park ay pinaalala nya na malapit na daw yung pasahan nung project. Mabuti naman kahit papaano may nasimulan na kami ni Hoshi.

Speaking of which, di ko alam bakit bigla akong napatingin kay Hoshi. Isinukbit nya na yung bag nya at naglakad na palabas ng room. Iniligpit ko na mga gamit ko at isinukbit na rin bag ko at naglakad na rin palabas.

Ng makalabas na ako ng room ay nakita kong dumiretso si Hoshi dun sa hagdan papuntang rooftop. Di ko alam bakit naisipan kong sundan sya dun.

Ng makaakyat na ako sa rooftop ay nakita ko syang nakaupo dun sa lumang armchair habang may binabasa na libro. Teka, mahilig rin pala sya magbasa ng libro? Nagsimula akong maglakad papalapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko at napamura naman sya dahil sa gulat. Di ko naman mapigilan tawanan sya. Napatingala sya sa akin.

"Shit. It's just you."

Sabi nya at napailing-iling. Tinawanan ko nalang ulit sya. First time ko lang sya makita na ganun magulat. Ang cute nya ba't ganun?

"Ba't ka nandito?"

Tanong nya sa akin. Iginala ko naman tingin ko sa paligid dahil ngayon palang ako nakaakyat dito sa rooftop.

"Hmm. Nakita lang kasi kita na papunta dito."

Sabi ko at muling napatingin sa kanya.

"Tsaka ngayon lang ako nakapunta dito sa rooftop no."

Sabi ko. Ang sarap sigurong tumambay dito. Bukod sa mahangin dito, ay medyo tahimik at payapa pa dito. At least dito walang manggugulo sa'yo.

"Dito ka ba laging tumatambay pag lunch?"

"Masama ba?"

Walang kaemosyon nyang tanong at nagbasa na ulit. Napabuntong hininga naman ako.

"Sus. Nagtatanong lang ako."

Sabi ko at naisipan ko na dito ko na kainin yung lunch ko. Naupo ako dun sa armchair sa tabi nya at nilabas na yung baunan ko.

"Bakit dito ka kakain?"

Tanong naman ni Hoshi ng mapatingin sya sa akin. Ngumisi naman ako sa kanya.

"Masama ba?"

Sabi ko at ginaya yung tono ng boses nya. He glared at me for mocking him and I just laughed. Napailing nalang ulit sya at nagbasa ng libro. Tinignan ko naman kung anong binabasa nya at isang manga lang pala. I just sighed and ate my lunch.

Tahimik lamang ang paligid habang kumakain ako at habang nagbabasa sya. Maya-maya ay di ko maiwasan magtanong sa kanya.

"Kumain ka na ba?"

"Wala akong gana."

Matipid nyang sabi ng hindi tumitingin sa akin. Saglit ko syang pinagmasdan. I just noticed how pale he looks and how fluffy his hair is. Sarap siguro paglaruan ng buhok nya.

"Hay nako, kaya ang tamlay ng tsura mo lagi eh."

Sabi ko at umiling-iling sa kanya. Ng matapos akong kumain ay niligpit ko na yung baunan ko sa bag. Bigla ko naman naalala yung black hoodie na pinahiram nya sa akin kahapon kaya kinuha ko iyon sa bag ko.

"Oo nga pala. Eto na yung hoodie na pinahiram mo sa akin kahapon. Wag ka mag-alala nilabhan ko na yan."

Sabi ko at inabot iyon sa kanya. Napatingin naman sya sa hoodie nya at sa akin. Bigla nyang hinawakan tong braso ko at nagulat ako ng hilahin nya ako papalapit sa kanya. Nanlaki naman tong mga mata ko ng makita ko kung gaano na kalapit yung mukha namin sa isa't isa. Pota.

"Why do you always look at me like that?"

Tanong nya habang nakatingin ng diretso sa aking mata. Napalunok naman ako dahil sa kaba.

"H-ha?"

"Wag mo akong tignan ng ganyan. You make me feel...weird."

Halos pabulong nyang sabi at di ko naman maintindihan pinagsasabi nya. Lumayo na sya sa akin at kinuha na yung hoodie nya. Isinukbit nya na bag nya at naglakad na paalis. Habang naiwan naman ako dito mag-isa.

Anong ibig nyang sabihin?


PARTNERS. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon