- Hoshi
thursday ; 7:00 pm
Ng makadating ako sa hospital ay nakita ko agad yung Kuya ni Aera na si Mingyu at tsaka si Joshua. Kaagad ako lumapit sa kanila.
"Si Aera?! Asan si Aera?!"
Halos pasigaw kong tanong ng makalapit ako sa kanila. Lumapit naman sa akin si Joshua at hinawakan tong magkabilaang balikat ko.
"Hoshi, kumalma ka m-"
"HINDI AKO KAKALMA HANGGA'T DI KO NAKIKITA SI AERA!"
Sigaw ko dahilan para mapatingin sa akin yung mga tao sa paligid pero wala na akong pake sa kanila. Sa mga oras na yun ay naramdaman kong may luhang namumuo sa gilid ng mata ko at ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot.
"Andun sya sa kwarto. Hanggang ngayon di pa rin nakakalabas yung doctor. At mas mabuti ng maghintay tayo at manalangin tayo para sa kapatid ko."
Paliwanag ni Mingyu. Parang unti-unting nawawasak tong puso ko. Di ko kakayanin pag may nangyaring masama kay Aera. Sya nalang ang natitira para sa akin. Lahat sila iniwan ako. At ayoko na pati si Aera ay iwan din akong mag-isa.
•·················•·················•
"Hoshi, kumain ka na muna."
Sabi sa akin ni Joshua. Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa sahig.
"Wala akong gana."
Matipid kong sagot sa kanya. Narinig ko ang malalim nyang paghinga at naupo sa tabi ko. Hanggang ngayon wala pa rin balita sa kalagayan ni Aera. At habang tumatagal-tagal mas lalong nawawasak tong puso ko sa naiisip ko.
"Hindi ka pa kumakain hanggang ngayon."
Seryosong tugon ni Joshua. Napangisi naman ako sa di malaman na dahilan.
"Ayokong kumain. Lalo na di ko pa alam kung ano na nangyari kay Aera..."
Sabi ko at muling napahinga ng malalim si Joshua. Maya-maya ay nakabalik na sila Mingyu kasama yung mga magulang nila ni Aera. Agad ako napatayo.
"A-ano na po nangyari kay Aera?"
Nauutal kong tanong sa kanila. Napansin kong medyo namumula yung mga mata ng Mama ni Aera. Di naman sya makapagsalita at si Mingyu na ang nagsalita.
"Sabi ng doctor, masyado na daw malala yung sakit nya sa puso. Kailangan na daw syang maoperahan.."
Paliwanag ni Mingyu at napansin ko naman na medyo nanluluha sya.
"Kailan maooperahan si Aera?"
Tanong naman ni Joshua at di ko alam bakit hindi ako makapagsalita. Parang may nabara nanaman sa lalamunan ko.
"Bukas."
•·················•·················•
Dahan-dahan ko hinawakan yung doorknob at pinihit ito. Ng mabuksan ko na yung pinto ay nakita ko na si Aera na mahimbing natutulog sa kama. Sabi ng doctor na kailangan nya daw magpahinga para sa kanyang operasyon bukas.
Pumasok na ako sa loob ng kwarto nya at sinara yung pinto. Naglakad na ako papalapit sa kanya at naupo dun sa upuan sa gilid ng kama nya. Ng makaupo ako ay saglit kong pinagmasdan ang mukha nya.
Napangiti nalang ako at hinawakan yung kamay nya.
"Aera, magpahinga ka lang ah? Bukas ka na daw ooperahan at alam kong natatakot ka ngayon. Wag kang mag-alala, andito lang kami. Andito lang ako, tandaan mo yan.."
Sabi ko at dahan-dahan hinalikan yung kamay nya. Di ko na napigilan pa ang luha sa aking mata at agad ito tumulo. Napayuko ako at di na napigilan mapaiyak.
"S-sana maging maayos ang operasyon mo. Alam kong mahirap para sayo,"
Sabi ko at hinawakan ng mahigpit yung kamay nya.
"Alam ko hindi ka papabayaan ng Diyos. At alam kong makakaya mo to,"
Napahinga ako ng malalim at napatingin sa mukha nya.
"W-wag mo akong iwan, Aera. Please...di ko kayang mawala ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita, Aera.."
...
an: hellooo sorry kung ang corny HAHAHA. ano na kaya mangyayari kay aera? hmmm.
BINABASA MO ANG
PARTNERS.
Random" hey, ikaw daw partner ko para sa project. " " so? " + svt series #1 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.