Angel's POV
"Thank you for driving me home." puno ng sensiridad kong sinabi at lumabas na ako sa kotse ko. "No problem, Winter. I'll bring your car back tomorrow morning." saad naman niya na tango lang ang isinagot ko at isinara ko na ang pinto.
Pinaharurot naman niya ang sasakyan ko paalis dito sa lugar namin.
Humarap naman ako sa bahay, tinanggal ko na rin ang salaming ginagamit ko sa pagpapanggap bilang si Angel Duke. Napabaling naman ang atensyon ko sa sasakyang ngayon ko lang nakita.
"Do we have visitors?" bulong ko sa aking sarili. Dahan-dahan naman ang paglalakad ko dahil masakit pa yung mga sugat ko. Putcha naman kasi eh! Bwisit talaga yung mga sumugod sa akin.
I opened the door and went in. I also heard noises coming from our living room, familiar voices.
Iika-ika akong pumasok at tinignan ko muna kung sino ang nasa sala. Nagulat ako dahil sina Russel, Garry at Andrew ang nandoon. Agad kong pinalitan ang gulat na nasa mukha ko.
Huminga muna ako ng malalim, hindi naman nila siguro ako mamumukhaan. Nang marinig nila ang yabag ko patungo sa sala, nakatitig lang sila sa akin na nagulat.
"Ate!!" sigaw ng mga triplets at lumapit sa akin. "What happened to you? Bakit madami kang mga sugat?" pangunguna ni Jio. "Look at your dress din, sira na." segunda ni Zaf.
"Let's go to your room, ate. You need to rest. Pinag-aalala mo na naman kami." sabat naman ni Achy. "Angel." boses iyon ni papa, kaya lumingon ako sa kanya. "What happened to you? Bakit ang dami mo na namang sugat?" puno ng pag-aalala sa mukha niya.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at niyakap ko siya saka napahagugol nalang, binabalewala ko ang hapdi ng mga sugat ko nang magkadikit ang katawan namin ni papa.
"I was so scared, papa. I hate this feeling I have right now." saad ko habang patuloy pa rin sa paghagulgol.
"Bud, mauna na muna kami. Mukhang kailangan ka ng panganay mo." paalam nila at naramdaman ko naman ang paggalaw ni papa tsaka nagsialisan na sila.
"Ate, ano po bang nangyare? Bakit ba ang dami mong sugat?" tanong ni Zaf sa malungkot na boses. "Remember what happened to me back then?" iyon lang ang nasabi ko.
Inalalayan naman ako ni papa paakyat ng hagdanan dahil patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Napupuno na kasi ng takot ang buo kong katawan sa di ko malamang kadahilanan.
"Oh my god, baby!" tili ni mama nang makapasok sa sala at linapitan kami paakyat ng hagdanan. "Paano ito nangyari sayo?!" sinapo ni mama ang aking mukha at pinunasan ang mga luhang patuloy pa rin ang pag-agos.
Hindi na muna ako sumagot, nagulat ako ng parang lumilipad ako sa ere pero agad ko rin nabawi ang pagkabigla dahil sa sakit ng mga sugat ko. "Pa-papa! Masakit po!!"
"Sorry, baby." paumanhin ni papa at dahan dahan siyang naglakad papunta sa kwarto ko. "Tiis-tiis lang, baby.." singit naman ni mama.
Nang tuluyan na kaming makarating sa aking kwarto at dahan dahan naman akong ibinaba ni papa sa malambot kong kama habang napapadaing ako sa sakit.
"Now, baby, tell us what happened." ani mama nang tumabi siya sa akin at pinupunasan pa rin ang aking mga luha.
Suminghot-singhot muna ako bago sumagot, "Ma, remember the old man three years ago" pumiyok ako at napaluha ulit, "kaya nadisgrasya ulit ako at kasama pa kita noon.. pa-pati si Z-zaf mu..ntik nang na-nawa...la sa at-atin."
"Tahan na, baby.." niyakap ako ni mama, "ang importante ay buhay pa rin tayo hanggang ngayon."
"But I don't want that to happen again kaya ako muna ang magda-drive papunta at pauwi." singit ni papa na ikinailing ko. "Hindi po, papa! Let me be, ka-kaya ko pa naman po." ani ko.
YOU ARE READING
Winter (Book 2) [ON-HOLD]
ActionBefore you read this story make sure na natapos niyo na yung book 1 nito na 'Married By Force Into A Mafia Boss'!! "I am back to make your lives complicated." -Read it for more informations but read the book 1 first- -MBFIAMB (WINTER - BOOK 1)- -WIN...