CHAPTER 3
NAPASIMANGOT AKO nang marinig ang pag click ng camera.
"Will you please stop doing that?" Inis na pigil ko kay Renz.
Kanina pa ito kuha ng kuha ng litrato sa akin gamit ang camera nito.
Renz was a professional photographer and I don't know his reason why he stopped being a photographer.
Kung naglilitrato man ito ay para na lamang nito iyong ginagawang hobby. Marahil ay gusto na lang nitong mag focus sa pagiging agent nito.
He's really good on taking pictures. Minsan ko na ding nakita ang mga larawang kuha nito at napakaganda ng anggulo ng mga iyon.
At si Renz ang lalaking ayaw na ayaw na pinapakialaman ang mga personal na gamit nito. Lalo na ang personal camera nito. Minsan ay gusto kong isipin na may tinatago ito sa loob ng camera nito na ayaw ipakita sa amin.
Nginisihan lang ako ng binata at kapagkuwan ay tinutok nito ang camera sa bagong kasal na sina Christine at Edsel.
Kasalukuyan kaming nasa reception ng bagong kasal. Tiningnan ko ang bagong kasal at kapagkuwan ay napangiti.
Masaya ako para sa kaibigan naming si Edsel. Sa wakas ay natagpuan na nito ang makakasama nito sa habangbuhay kahit pa naging bulag ito noon sa katotohanan. Pinagsisihan nito iyon at hindi sinukuan ang mahal nito.
Sumunod ito sa yapak ni James at Princess na naunang nangako sa harap ng Diyos at ng altar. Masaya na ang mga ito sa isa't-isa.
And I can't believe that they are now married. Parang kailan lang ay single pa kaming lahat. Sino ba ang susunod sa amin?
Pinaikot ko ang paningin sa buong paligid. I saw Xander sitting there. Mukhang problemado ito dahil kanina pa ito nananahimik at malalim ang iniisip kahit pa ito na ang nakasalo ng bouquet ni Christine.
Sunod kong tinignan ang mag ex na sina Rein at Sharmaine. Wala ba silang balak magkaayos? Halata namang mahal pa nila ang isa't-isa. And same with Jastin and Krystal.
Jastin is really persistent and he keeps ignoring Krystal. Alam kong gustong-gusto ito ni Krystal pero para sa akin ay mas makakabubuti ng tigilan na ni Krystal ang pagkagusto kay Jastin dahil paulit-ulit lang itong nasasaktan lalo pa at kabilaan ang mga babae ni Jastin. He's a playboy, after all.
Pero hindi ko rin masisisi si Krystal, hindi naman kasi matuturuan ang puso natin kung sino ang taong mamahalin natin.
Wala sa sariling napatingin ako kay Renz at napabuntong-hininga. Kahit ano pa ang iniisip ko at kahit kanino pa ako nakatingin, sa huli ay ito pa rin ang hinahanap ng mga mata ko.
"Iniisip mo ba ako, babe?" Napakurap-kurap ako at hindi ko namalayang nakatingin na pala ito sa akin.
Nakatutok ang camera nito sa akin at may ngiti sa mga labi nito.
"Asa ka." Sambit ko at naglakad.
Nilampasan ko ito at nagpaalam sa bagong kasal na mauuna na akong uuwi. Hindi kasi ako komportable sa suot ko. Isa ako sa mga maid of honor ni Christine at naiinis na ako sa suot ko.
"Congratulations again and best wishes." Matamis kong nginitian ang mga ito. Umusal ng pasasalamat ang mag-asawa at halata ang kasiyahan sa kanilang mga mata.
"Uuwi ka na ba?" Tanong ni Renz.
Kumunot ang noo ko nang makita ko ito sa labas.
"Uuwi ka na din?" Balik tanong ko.
Tumango ito.
"Sabay ka na sa'kin. Nandito na ang driver ko. Alam kong wala kang dalang kotse." Anito at naunang naglakad patungo sa kotse nito.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #4: My Sweetest Enemy(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#4: Renz Anderson "I love you until my last breathe." - Renz Anderson Date started: May 2019 Date ended: August 2019