CHAPTER 30
"MOMMY." Nagising ako sa maliit na boses na iyon.
Nang magmulat ako ng mga mata ay nakita ko ang apat na taong gulang na si Reece na nakasampa sa kama habang nakatunghay sa akin.
Kaagad ko itong nginitian.
"Goodmorning, baby handsome." Masayang bati ko.
Ngumiti ito at kaagad akong hinalikan sa pisngi.
"Goodmorning too, Mommy beautiful." Tugon nito at niyakap ako.
"Ang aga nagising ng baby handsome ko." Usal ko at ginulo ko ang itim na itim na buhok nito.
"Siyempre, Mommy. We'll go to churh today, right? We'll gonna visit Papa God so I'm so excited." Masayang sabi nito na ikinangiti ko.
Ikinulong ko ang maliit na mukha nito sa mga palad ko at nanggigigil na pinugpog ko ito ng halik sa buong mukha.
"Ang cute talaga ng baby handsome ko." Buong lambing na wika ko at muling ginulo ang buhok nito.
"Go to the bathroom na and I'll wash you up so that we can visit Papa God na, okay?" Malumanay na wika ko.
Kaagad itong tumango at excited na bumaba ng kama.
"Careful, baby handsome. The bathroom is slippery." Pasigaw na paalala ko.
"Yes po, Mommy beautiful." Narinig kong tugon nito mula sa loob ng banyo.
Napangiti at napailing ako. Reece, my son is a smart one. Napakabibo nito at hindi sakit sa ulo. Mabilis itong matuto at napaka-masunurin. At higit sa lahat ay napakaguwapo ng anak ko. Manang-mana ito sa ama nito. Ni wala itong nakuha sa akin. Tila ito xerox copy ni Renz.
Maging sa ugali ay parang namana din nito sa ama nito. Reece is sometimes naughty.
Napatingin ako sa bedside table.
"Goodmorning, babe." Bati ko sa litrato namin na nakapatong doon sa bedside table.
Humugot ako ng napakalalim na hininga at marahas iyong pinakawalan.
"It's almost five years that you're not with me. Malapit na ding maglilimang taon ang anak natin. And my feelings, it's still the same, babe. Ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko." Mahinang usal ko at pilit na ngumiti.
Bumaba ako mula sa kama nang marinig ang pagtawag ng anak ko.
Nakita ko itong nagsasabon na sa loob ng banyo. Pinagmasdan ko ito.
Reece is my everything. Tanging ito na lang ang naging mundo at naging lakas ko sa bawat araw. Lahat ng pananabik ko kay Renz ay sa anak ko binubuhos. Masaya ako na kahit papaano ay may isang Reece sa buhay ko. At dagdagan pa ang mga Phoenix na hindi ako iniwan at palagi akong dinadamayan. Palaging pinapalakas ang loob ko.
Nilapitan ko ang anak ko at pinaliguan ito. Nang matapos ay kaagad ko itong binihisan.
"Wait me outside, okay? Mommy beautiful will just take a bath. Go to your lola and eat your breakfast muna." Nakangiting usal ko.
"Make it faster, Mommy. Para after visiting Papa God ay maka-play ko na si Kuya Prinx Kal." Bibong usal nito at patakbong lumabas ng kuwarto ko.
Napailing ako. Palagi nitong kalaro ang anak nina James at Princess.
Pumasok ako sa banyo at binilisang maligo. Nang matapos ay mabilis din akong nag-ayos.
Kinuha ko ang purse ko at natigilan nang makita ang USB na tinago ko sa loob ng cabinet ko. Mahigpit ko iyong hinawakan at nilagay sa loob ng purse ko.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #4: My Sweetest Enemy(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#4: Renz Anderson "I love you until my last breathe." - Renz Anderson Date started: May 2019 Date ended: August 2019