CHAPTER 21
"AMBER, alam ba ni Renz 'to? Hindi ba siya magagalit sa gagawin mo? Ayaw mo bang samahan kita? Buntis ka, Amber. Baka kung mapaano ang nasa sinapupunan mo at-"
"Sharmaine, I'm okay. You know me. You know what I'm capable of." Kalmadong usal ko habang tinitignang mabuti ang mga bulaklak na inorder ko.
Nasa loob kami ng flower shop. Sinadya kong isama si Sharmaine dito sa flower shop para payagan ako ni Renz na makalabas.
Napatingin ako sa labas. Wala ang mga nagbabantay sa akin na ikinangiti ko. Inutusan ko ang mga ito na umalis sandali at dahil kasama ko si Sharmaime ay naging kampante ang mga ito na iwan ako.
"Sharm, I owe you this one. Thank you." Usal ko at kinuha ang susi ng kotse nito.
Nag-aalangan nito iyong bitawan pero sa huli ay napabuntong-hininga ito.
"Just promise me to keep safe. Ako ang malalagot kay Renz kapag may nangyaring masama sa'yo." Anito.
Tumango ako at ngumiti. Lumabas ako ng flower shop. Tinungo ko ang kotse ni Sharmaine at nagmaneho.
Nang marating ko ang pakay ay naikuyom ko ang mga kamao ko. Pumarada ako sa isang malaking bahay. Lumabas ako mula sa kotse.
Kumatok ako sa isang malaking pinto. Inihanda ko ang matamis na ngiti nang bumukas iyon. Katulad ng inaasahan ko ay si Addy ang bumukas niyon.
Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nito nang makita ako at bahagya pa itong napaatras.
"Can I come in?" Tanong ko.
Hindi ko na ito hinintay na makasagot at humakbang na ako papasok. Diretso akong naglakad patungo sa living room ng bahay nito. Naramdaman ko ang pagsunod nito sa akin.
"You have a very nice home." Papuri ko.
Prente akong umupo sa isang napakalambot na sofa.
"Anong ginagawa mo dito? Anong karapatan mong tumapak sa pamamahay ko?" Mariing tanong nito.
Tumawa ako.
"Pumasok ang mga binayaran mo sa pamamahay ko para patayin ako at ngayon ay tatanungin mo ako kung ano ang karapatan kong tumapak sa pamamahay mo?" Sarkastikong sambit ko.
Napalunok ito sa sinabi ko.
"W-Wala akong alam sa sinasabi mo." Tanggi nito.
Matamis akong ngumiti.
"Anong tingin mo sa akin hindi ko malalaman ang ginagawa mo? You're desperate to kill me. You want me dead. And do you really think you can have Renz after my death? You're pathetic." Naiiling na sambit ko.
"Lumabas ka sa pamamahay ko." Mariing utos nito.
Nanatili akong ngumiti at tumayo mula sa pagkakaupo.
"I will but after you received my precious gift from me." Usal ko at tumingin sa pinto ng bahay nito.
Pumasok ang ilang mga kalalakihan doon na dala-dala ang mga mga bulaklak na inorder ko kanina.
Nanlaki ang mga mata ni Addy nang makita kung anong klaseng mga bulaklak ang mga iyon.
It was a standee funeral flowers.
Napuno ang living room nito ng funeral flowers. Pagkatapos ilapag ng mga kalalakihan ang mga bulaklak ay umalis na ang mga ito.
Matalim akong tinignan ni Addy.
"You bitch!" Sigaw nito.
"Why? You don't like my gift? Ayaw mo ba? Dapat masaya ka dahil pinaglalamay kita." Natatawang usal ko.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #4: My Sweetest Enemy(COMPLETED)
RomansaMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#4: Renz Anderson "I love you until my last breathe." - Renz Anderson Date started: May 2019 Date ended: August 2019