CHAPTER 7
"WHAT?!" Halos tumalsik ang laway ko habang kaharap ko si Ranzall na pinsan ni Renz.
Nasa loob kami ng opisina nito. Dali-dali naming tinungo ang munisipyo para mapigilan ang registration ng marriage contract na pinirmahan namin kagabi.
"I'm sorry pero naka-process na. You two are legally married now. Nakarehistro na at walang magagawa ang pagiging mayor ko dahil nasa record na iyon ng NSO." Paliwanag nito.
Napasabunot ako sa buhok ko.
"Pero bakit ang bilis naman yata?" Nahahapong tanong ko.
Ayaw mag sink-in sa utak ko na sa isang gabi lang ay ikinasal na ako.
At kay Renz pa!
"One day process lang ang pagrehistro ng marriage contracts dito sa munisipyo ko." Anito at makahulugang tumingin kay Renz.
"Late na kayo nakapunta. Kung mas maaga lang sana kayong pumunta ay baka napigilan pa ang pagrehistro ng kasal niyo. I'm so sorry." Hinging paumanhin nito at muling tumingin sa akin.
"And you are both desperate to get married last night." May nakakalokong ngiti sa mga labi nito.
Napahilot ako sa sentido at tinignan ng masama si Renz na prenteng nakasandal sa pader at nakapamulsa. Blangko ang eskpresyon nito.
"This is your fault." Akusa ko.
Tinaasan ako nito ng kilay.
"As long as I remembered,we both agreed to that marriage." He said and walked towards me.
"Kung hindi mo ako niyayang magpakasal, hindi mangyayari iyon. For God's sake, Renz. I was drunk!" Mariing usal ko.
Lumapit ito at nakipagtitigan sa akin.
"I was drunk, too. Pareho tayong lasing at hindi alam ang mga pinaggagawa natin." Usal nito.
I sighed in frustration.
"I have to file an annul-"
"No, I won't allow you to do that." Putol nito sa sasabihin ko.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Anong sinabi mo?" Pakiramdam ko ay nabibingi ako sa narinig.
"I won't allow you to file an annulment." Kaswal na usal nito.
Narinig ko ang pagpalatak ni Ranzall.
"Pwede ba? Kagabi pa kayo mga aso't-pusa kahit pa noong kinasal ko kayo. Lumabas kayo dito sa opisina ko at sa bahay niyo ayusin iyang problema niyong mag-asa-"
"Hindi ko siya asawa!" Mabilis na putol ko sa sasabihin nito.
Napailing ito.
"As you can see, I am a mayor and I have full of responsibilities so please, get out of here." Pagtataboy nito sa amin at tinignan si Renz.
"Ilabas mo na dito ang asawa mo at ayusin niyo ang problema niyo." Utos nito sa pinsan.
"Hindi ko nga sabi siya asa-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang hinila ako ni Renz papalabas ng opisina ng pinsan nito.
Nakarating kami sa parking lot at kaagad kong inalis ang kamay nitong nakahawak sa braso ko.
"I will file an annulment. Hindi maaari ito. Aksidente ang nangyari at pareho nating hindi ginusto ang nangyari." Kaagad na paliwanag ko.
"I told you, I won't allow you to file an anullment." Mariing usal nito.
Napaawang ang mga labi ko.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #4: My Sweetest Enemy(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#4: Renz Anderson "I love you until my last breathe." - Renz Anderson Date started: May 2019 Date ended: August 2019