Chapter 19

60.4K 1.7K 279
                                    

CHAPTER 19

"THE BABY'S FINE."

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang sinabi ng OB ng asawa ko.

Nadako ang tingin ko kay Amber na mahimbing na natutulog sa hospital bed ng VIP room na kinuha ko.

"Just let her rest. She was just in shock. Hindi basta-basta ang nakita niya at hindi iyon makakabuti sa buntis. Sa susunod mag-iingat kayo. Mukhang may naiinggit sa asawa mo." May concern sa boses na sabi nito.

Naikuwento ko kanina ang nangyari sa bahay. Kailangan nito iyong malaman para alam nito ang puno't-dulo ng pagsakit ng tiyan ng asawa ko.

"And one more thing, huwag mong papagurin ang asawa mo. It's okay to have sex with her on her pregnancy but know your limitations." Matiim itong tumitig sa akin.

Napakamot ako sa ulo.

"Yes, doc. Maraming salamat." Usal ko.

Nagpaalam ito at lumabas. Lumapit ako sa asawa ko at kapagkuwan ay hinalikan ko ito sa noo.

Hinaplos ko ang buhok nito. Nagtagis ang mga bagang ko nang maalala ang nakita kong takot sa hitsura nito kanina. I've never seen her like that before. I knew her as a strong and brave woman.

But things isn't the same anymore. May buhay sa sinapupunan nito na konektado sa emosyon nito. At hinding-hindi ko mapapatawad ang sinumang nagpadala ng litratong iyon.

Kung sana ay ako ang nagbukas ng pinto kanina, hindi sana nito iyon makikita. Hindi sana ito mangyayari sa asawa ko. I am just thankful that our baby is safe.

Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ko at tinawagan si James.

"Kumusta si Amber?" Si Princess ang sumagot niyon.

I sighed.

"She's doing fine. But I don't want this to happen again. I need Xander's help but he's not in a good state now. I want to know who sent that picture. There's no trace from the sender. Looks like the sender planned this thoroughly." I said with a gritted teeth.

"Ryder can help us. He was a hacker too, remember? He just don't want to be a hacker again after his wife's death. But I think he wouldn't reject the request if it's coming from his nurse. I'll contact Destinee Kim. She can help us." Tugon ni Princess mula sa kabilang linya.

"Yes, please. Thank you, Princess." I thankfully said.

"No problem. We are all friends, tayo din ang magtutulungan. Anyways, do you have any idea who sent that? May galit ba sa'yo o kay Amber?"

Sandali akong napaisip sa tanong nito. I have someone on my mind but I have to make sure.

"Just give me the details as soon as possible about the sender. Thank you again, Mrs. Smith." I said and ended the call.

I saw Edsel's message and he told me that he have already sent some of SPIC's agents to guard my Amber. I know that she wouldn't like it but I have to do this for her safety.

Masyado akong naging kampante. And it was a lesson learned. Ayoko na dumating ang araw na may magtatangka sa buhay ng asawa ko at magiging anak namin.

"B-Babe." Napatingin ako sa asawa ko at napangiti nang makitang gising na ito.

Kaagad ko itong hinalikan sa mga labi.

"Is our baby oka-"

"Okay lang si baby, so don't worry." Gagap ko sa sasabihin nito.

Nakita ko ang pag-aliwalas ng magandang mukha nito.

"I was so scared earlier. Akala ko mawawala na ang anak natin." Mangiyak-ngiyak na sambit nito.

Phoenix Series #4: My Sweetest Enemy(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon