CHAPTER 17
"HEY! ARE YOU OKAY?"
Napakurap ako nang marinig ang tanong na iyon ni Christine.
"H-Ha?" Tanong ko.
Napapailing na umupo ito sa harapan ko habang tinutulak ang isang basong mango juice papunta sa akin.
"Drink that." Anito.
Nginitian ko ito at umusal ng pasasalamat. Kasalukuyan akong nasa cafe nito habang hinihintay si Renz.
May inasikaso itong importante kaya sa cafe ni Christine ko napagdesisyunang hintayin ito.
"Malapit na ang kasal niyo ni Renz. How was the preparation?" Christine asked as she drink her own mango juice.
"Maayos naman. Medyo pina-adjust lang ng konti 'yong wedding gown ko. Alam mo na, buntis kaya medyo lumalaki na tiyan ko." Natatawang usal ko.
Christine smiled at me.
"Masaya ako para sa inyong dalawa ni Renz. Parang kailan lang madalas kayong nagbabangayan pero tignan mo ngayon, sa simbahan din pala ang ending niyo." Napapangiti ngunit naiiling na usal nito.
Ngumiti na lang ako at inubos ang juice na binigay nito.
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon. Binuksan ko iyon sa pag-aakalang si Renz na ang nagtext pero natigilan ako nang makitang video iyon.
Pang-ilang video na ba ito sa loob ng dalawang linggo? It really started to pissed me off. Nagpipigil lang ako.
And this is one of the reason why Renz can't have sex on me. Hindi ko ito pinagbibigyan. Alam kong nagtataka ito pero hindi ito nagtatanong. Hinahayaan ako nito kahit paminsan-minsan ay nagiging cold ang pagtrato ko dito.
At alam ko din na ilang beses itong nagtangkang kausapin ako pero sa huli ay umuurong ito. Tila ba takot itong gumawa ng hakbang na ikakagalit ko. At aaminin ko na nakokonsensya din ako dahil sa pagtrato ko sa asawa ko.
Bilang babae, masakit para sa akin na nakikita ko ang mga pinaggagawa nito kasama ang babae nito noon. Oo, noon.
Dahil naniniwala ako na ang mga video na iyon ay noon pa at alam ko na hindi magagawa ng asawa ko na magloko ngayon kasama ang desperada na yatang Addy na iyon.
May tiwala ako sa pagmamahal ng asawa ko. Wala lang akong tiwala sa babaeng kung makaungol sa video ay parang asong ulol. Atat na atat itong sirain ang tingin ko kay Renz. Well, nagtagumpay ito. Pero sa ngayon ay pinagbibigyan ko ito.
Hinding-hindi nito makukuha si Renz mula sa akin kung may binabalak man ito.
"What's that?" Christine asked and leaned in towards me.
I immediately turn off my phone and smiled at her.
"Wala 'yon." Usal ko.
"Salubong kasi mga kilay mo kaya nagtataka ako kung ano ang tinitignan mo sa phone mo. Huwag papa-stress, okay? Bawal ma-stress ang buntis." Bilin nito.
Nginitian ko lang ito. Sandali itong nagpaalam dahil tumatawag si Edsel.
Napabuntong-hininga ako at akmang tatayo nang may umupo sa puwesto ni Christine kanina.
Tumaas ang kilay ko.
"Nice to see you here." Nakangiting usal nito.
Si Addy.
I didn't speak and I just keep looking at her. Nawala ang ngiti sa mga labi nito at kapagkuwan ay sumeryoso.
"Did you enjoy the videos?" She suddenly asked.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #4: My Sweetest Enemy(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#4: Renz Anderson "I love you until my last breathe." - Renz Anderson Date started: May 2019 Date ended: August 2019