Chapter 16

63.5K 1.7K 415
                                    

CHAPTER 16

NASILAW AKO nang sumalubong sa akin ang liwanag pagkamulat ko ng mga mata.

Napakunot ang noo ko nang makitang puti lahat ang nasa paligid ko. At doon ko napagtanto na nasa ospital ako.

Ginalaw ko ang kamay ko at natigilan nang maramdamang may nakahawak doon.

Nang lumingon ako ay nakita ko si Renz na nakaupo sa upuan. Nakatalungko ito habang nakahiga ang ulo sa hospital bed na kinakahigaan ko.

Mahigpit nitong hawak ang kamay ko habang natutulog ito.

"B-Babe." Mahinang tawag ko dito.

Kaagad itong nagising at pupungas-pungas na tinignan ako. Kaagad itong tumayo dahilan para lumikha ng nakakabinging ingay ang upuan nito.

Sinapo nito ang mukha ko

"Are you okay, babe? May masakit ba sa'yo? Nahihilo ka ba? Nasusuka ka? Nanghihina ka ba? Ahm, may gusto ka bang kainin?" Sunod-sunod ang tanong nito na ikinangiwi ko.

"Renz, isa-isa lang. Mahina kalaban. What happened?" Tanong ko.

Kitang-kita ko ang pagningning ng mga mata nito. Malapad itong ngumiti sa akin at kapagkuwan ay nanggigigil na siniil ako ng halik sa mga labi na kaagad kong tinugon.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay titig na titig ito sa akin. Sinalubong ko ang mga tingin nito. Sobrang lapit ng mukha nito sa akin na halos maduling ako.

"Thank you for carrying my child, babe." Mahinang usal nito.

Gumapang ang kamay nito sa tiyan ko at ipinasok ang kamay nito doon. Dinama nito ang tiyan ko.

Samantalang ako ay napaawang ang mga labi.

"I-I'm pregnant?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Ngumiti ito at tumango.

"You're pregnant. We're going to have a baby. And God, no one can explain how happy I am when the doctor told me that you were pregnant. I am the happiest man alive, Amber. Thank you. Thank you so much, babe. Thank you for giving me such a precious gift. You and the baby, you two will be my greatest treasure." Naluluhang usal nito.

Pinunasan ko ang mga luhang dumadaloy sa pisngi nito gamit ang mga daliri ko. Kahit ako ay naluluha na rin. I am expecting this. Kahit noong mga nakaraang linggo na madalas sumasama ang pakiramdam ko ay may ideya na akong buntis ako.

But I can't still believe it. Parang kailan lang ay palagi kaming nag-aaway ng lalaking ito. At ngayon ay nasa sinapupunan ko ang anak nito. Ang anak naming dalawa.

"Thank you din, Renz. Ang saya ko ngayon." Usal ko at dinampian ko ito ng halik sa mga labi.

"Alagaan mo na ang sarili mo, okay? I won't allow you to go to work. Ako lang ang magtatrabaho sa ating dalawa, naiintindihan mo ba? Ayokong mapagod ka. At sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mong kainin." Litanya nito na ikinangiti ko.

"Habang maliit pa ang tiyan ko, allow me to work, babe. Maiinip ako kapag nasa bahay lang." Pakiusap ko.

Napabuntong-hininga ito.

"Okay. Pero hindi ako makakapayag na sumama ka if there's any mission involved. No adventuruous activities. I will talk to Phyton regarding your situation. Actually, alam na nila. Kanina lang ay nandito sila para dalawin ka." Anito at hinalikan ako sa noo.

Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko at paulit-ulit itong nagpapasalamat. Masayang-masaya ito. Pareho kaming masaya sa napakagandang balita na ito.

Phoenix Series #4: My Sweetest Enemy(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon