Chapter 31

72.1K 2.1K 642
                                        

CHAPTER 31

'MAHAL NA MAHAL kita, babe.'

Nagmulat ako ng mga mata. Panaginip. Panaginip ulit.

Ilang gabi pa ba ang titiisin ko? Ilang tulog pa ba ang haharapin ko? Sa bawat pagtulog ko ay ito ang laman ng mga panaginip ko.

"You never failed to remind me how much you loved me, Renz." Mahinang usal ko.

Hinawakan ko ang wedding ring ko at nilaro-laro iyon. Even in one second, I never tried to take off my wedding ring. Suot-suot ko pa rin iyon sa paglipas ng panahon.

Sunod na umangat ang kamay ko sa kuwentas na suot ko. It was Renz's wedding ring. Palagi ko ding suot iyon. Ginawa kong kuwentas ang wedding ring nito.

Bumaba ako mula sa kama at lumabas ng kuwarto. Tinungo ko ang kuwarto ng anak ko.

Nilapitan ko ito at pinagmasdan ang mahimbing na pagtulog nito. Dumukwang ako para dampian ito ng halik sa noo.

Sandali ko itong pinagmasdan at napabuntong-hininga. Inayos ko ang kumot nito at kapagkuwan ay muli akong bumalik sa kuwarto ko para magbihis.

Nang matapos ayusin ang sarili ko ay kinuha ko ang susi ng kotse ko. Naisipan kong lumabas muna kahit sandali.

Kahit malalim na ang gabi ay tinungo ko ang lugar kung saan ako dinala ng mga paa at puso ko.

Bumaba ako mula sa kotse at kapagkuwan ay pinagmasdan ang lugar kung saan ay una kaming pinagtagpo ni Renz.

Naglakad ako sa madilim na parteng iyon. Ito ang lugar na naramdaman ko noong may sumusunod sa akin. And it was Renz back then. Dito ang lugar na unang dumampi ang mga labi ni Renz sa akin.

Wala pa rin iyong pinagbago. Madilim na daan at masikip pa rin. At nakakatuwang isipin na dito kami unang nagkakilala. Dito nag-umpisa ang lahat.

Bahagya akong napapitlag nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. May unregistered number na tumatawag sa akin.

Hindi ko ugaling sagutin ang mga tawag na hindi ko kilala. Pero sa hindi ko malamang kadahilanan ay sinagot ko iyon.

"Hello?" Bungad ko.

Katahimikan. Tahimik ang nasa kabilang linya. Hindi ito sumagot. Wala akong naririnig na may nagsalita. Maybe the caller was just mistaken.

Pinatay ko ang tawag nang makarinig ng kaluskos mula sa tagiliran ko. Ibinulsa ko ang hawak na cellphone at naging alerto ako.

Pero walang nakita ang mga mata ko. Siguro ay nagiging paranoid lang ako. Gumagana ang talas ng pakiramdam ko lalo pa at madilim sa kinaroroonan ko.

Akmang babalik na ako sa kotse ko nang maaaninag ko ang isang malaking bulto hindi kalayuan sa akin. Sa bulto nito ay alam kong lalaki ito. At pakiramdam ko ay sa akin ito nakatingin.

Nakaramdam ako ng panganib. Pero ilang segundo lang ay nawala ang pangamba ko nang makitang namulsa ang lalaki habang hindi gumagalaw sa kinaroroonan nito. Palagay ko ay nanatili lang itong nakatingin sa akin. Wala akong nakikita na may balak itong gumawa ng masama.

Sa halip na pagmasdan ito ay itinuloy ko ang plano kong bumalik sa kotse ko.

Hanggang nasa loob ng ako ng kotse ay hindi tumitinag ang lalaki sa kinatatayuan nito.

"Anong trip ng lalaking 'yon?" Naiiling na tanong ko sa sarili at pinaandar na ang sasakyan.

At habang nagmamaneho ay parang may nagtulak sa akin na tumingin sa sideview mirror ng kotse ko. And there I saw the man moved from his place. Tila ba hinintay lang nitong makaalis ako sa lugar na iyon.

Phoenix Series #4: My Sweetest Enemy(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon