Chapter 25

56.3K 1.6K 253
                                    

CHAPTER 25

"AMBER. Kain ka muna, please. Hindi ka pa kumakain mula kahapon." Nag-aalalang sambit ni Krystal.

Hindi ko ito pinansin at patuloy kong tinitigan ang suot kong singsing. Ang singsing na naging simbolo ng sumpaan at pagmamahalan naming dalawa ni Renz.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Krystal. Naramdaman ko ang pagtabi nito sa akin.

"Alam kong mahirap tanggapin ang mga nangyayari ngayon, Amber. Alam kong nasasaktan ka at naiintindihan kita. Pero sana isipin mo ang anak mo. Paano kapag biglang nagising ang asawa mo? Sa tingin mo ba magiging masaya siya kapag nalaman niyang pinapabayaan mo ang sarili mo at ang baby na nasa sinapupunan mo?" Mahigpit nitong hinawakan ang mga kamay ko.

"Amber, in this situation you have to be strong. You have to be strong for your baby and for your husband. Kailangan ka ni Renz. Ngayon ka niya kailangan bilang asawa niya. Kailangan niya ang lakas mo. Sa relasyon, kapag mahina ang isa dapat malakas ang isa para makabangon kayo. Kailangang matatag ang isa sa inyo. At alam ko na kapag ikaw ang nasa sitwasyon ni Renz ay ganoon din ang gagawin niya. Gawin niyong lakas ang isa't-isa, Amber. " Dahan-dahan akong napatingin kay Krystal.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa akin at muli ay napahagulhol ako ng iyak.

Hinayaan ako ni Krystal na umiyak ng umiyak na tila binibigyan ako nito ng oras para ilabas lahat ng nararamdaman ko.

Pinakalma ko ang sarili ko at umusal ng pasasalamat kay Krystal. Napagdesisyunan kong kumain. Lahat ng pagkain na inalok nito ay kinain ko lahat.

Tama si Krystal. Dapat ay malakas ako. Hindi ako pwedeng manghina dahil kailangan ako ng asawa ko. Ako ang magiging lakas nito kahit anong mangyari.

Nang matapos akong kumain ay hinaplos ko ang tiyan ko.

"Sorry kung pinabayaan kita baby, ha? Pangako hindi na mauulit. Kapit ka lang, okay? Malalampasan din namin ng Daddy mo 'to. Mamumuhay tayong masaya. Makikita ni Daddy ang paglaki mo. Mahahatid-sundo ka pa niya kapag nag-aaral ka na at aawayin niya ang mga taong mananakit sa'yo." Sobrang sakit ng lalamunan ko sa pagpigil na umiyak.

"Amber!" Pareho kaming napatingin ni Krystal sa kakapasok lang na si Sharmaine.

"He's awake. Renz is awake!" Masayang sabi nito.

Kaagad akong napatayo mula sa kinauupuan ko at lumabas ng kuwartong kinaroonan ko.

"Amber, dahan-dahan ka lang. Baka madulas ka." Saway ni Krystal na nasa likod ko.

Binuksan ko ang pinto ng kuwartong kinaroroonan ni Renz.

And there he is. I saw him awake. Sa wakas ay gising na ang asawa ko.

Kausap nito si James. At nang makita ako ni Renz ay kaagad itong tumingin sa akin. Nanatili akong nakatayo at halos hindi makakilos sa kinatatayuan ako. Nakipagtitigan lang ako dito.

Si James ay kaagad na nagpaalam at sinara ang pinto. Marahil ay binibigyan kami nito ng pagkakataon para makapag-usap ni Renz.

"Babe." Tawag nito sa akin.

Isang araw. Isang araw na hindi ko narinig ang boses nito pero tila isang taon iyon. At ang mga mata nitong nakatingin sa akin, sobrang miss na miss ko iyon.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa asawa ko. At nang medyo malapit na ako ay mabilis nitong binunot ang suwero nito sa kamay at kapagkuwan ay bumangon.

Sinugod ako nito ng napakahigpit na yakap. Sobrang napakahigpit na tila ba sampung taon kaming nagkalayo sa isa't-isa. Tinugon ko ang yakap nito ng isang ding napakahigpit na yakap.

Phoenix Series #4: My Sweetest Enemy(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon