CHAPTER 20
NAGSUOT AKO ng pantulog pagkatapos kong maligo.
Kasalukuyan akong nagpupunas ng basang buhok ko nang mahagip ng mga mata ko ang anino sa labas. Malapit ako sa bintana kaya nakita ko iyon kahit isang kisap-mata lang.
Kaagad kong kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table at kinontak ang leader ng agents na in charge sa pagbabantay sa akin. Kinuha ko ang numero nito kaninang umalis ang asawa kong si Renz.
"Miss Amber." Kaagad nitong bungad nang sagutin ang tawag ko.
"I just saw someone.Ang lakas ng loob na pumasok sa teritoryo namin." Mariing usal ko.
"I know Miss Amber. My team is on guard now. He's not alone actually. Marami sila. Don't worry,we'll protect you at all cost. Itataya namin ang mga buhay namin kung sakaling kikilos sila ng masama. Hindi ka namin ipapahamak because if something bad will happen to you, Mr. Smith and your husband will kill us without mercy." Kaagad na sambit nito.
"I can handle myself. Kung hindi lang ako buntis,kanina ko pa pinatumba ang mga umaaligid sa pamamahay ko. Since Phyton and Renz wanted this,ikaw na ang bahala sa lahat." Usal ko at pinatay ang tawag.
Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. It was my husband.
"Babe!" Kaagad na bungad nito. He sounds worried.
Tila may pagmamadali sa boses nito.
"Renz." Bago pa man ako makapagsalita ay narinig ko ang sunud-sunod na putukan mula sa labas ng bahay.
Pinatay ko ang tawag at mabilis na nakaiwas nang marinig ang pagbasag ng salamin sa bintana.
The bullet was aiming at my head and if I was not fast enough to avoid that,maybe I'm already dead. And looks like that someone really want me dead,desperately.
Hindi tumigil ang putukan sa labas at naririnig ko na din ang pagbagsak ng mga gamit mula sa loob ng bahay. Mukhang nakapasok na ang mga ito.
Mahigpit kong hinawakan ang tiyan ko.
"Stay still baby,okay? Mommy Amber will just play." I said as I calmly walked at the closet.
Kinuha ko mula doon ang baril ko. Ikinasa ko iyon at lumabas ng kuwarto. Pagdating ko sa sala ay hindi na ako nagtaka nang makita ang ilang kalalakihang nakahandusay doon at naliligo ng sarili nilang mga dugo.
Humahangos na lumapit sa akin si Billy,ang leader ng agents na pinadala ni James.
"Miss Amber,hindi ka dapat lumabas sa-"
Hindi nito natapos ang sasabihin nang pinaputukan ko ang lalaking nasa likod nito. Kaagad itong bumagsak sa sahig. Ang bala ay diretsong tumama sa ulo nito.
"Help your team outside.Ako ng bahala dito."Seryosong utos ko.
"Miss Amber."
"Just go!"Sigaw ko.
Nag aalangang sumunod ito sa utos ko at lumabas. Muli kong kinasa ang baril ko at sunud-sunod na nagpaputok sa mga lalaking humaharang sa daraanan ko.
Napalingon ako sa kusina nang makarinig ng kaluskos doon. Dahan dahan akong naglakad papalapit doon at pinakirandaman ang paligid.
Nasa sink na ako nang may humila sa akin at naramdaman ko ang dulo ng baril nito sa ulo ko.
"Gotcha." He said and laughed.
Mariin akong napapikit. Inaamin ko na nakaramdam ako ng kaba pero mabilis na gumana ang utak ko.
Nagmulat ako ng mga mata.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #4: My Sweetest Enemy(COMPLETED)
Любовные романыMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#4: Renz Anderson "I love you until my last breathe." - Renz Anderson Date started: May 2019 Date ended: August 2019