CHAPTER 32
"AMBER!" Narinig ko ang malakas na pagtawag na iyon sa pangalan ko.
Alam ko na ang mga Phoenix iyon. Hindi ko sila pinansin at tila wala sa sarili na naglakad ako ng naglakad papalayo sa hotel.
I walked out.
"Hindi ito totoo. Panaginip ang lahat ng ito. Gumising ka, Amber. Please, gumising ka. Masasaktan ka na naman. Gumising ka. Tama na. Please, tama na." Tila nababaliw na kinukumbinse ko ang sarili.
"Wala na si Renz. Patay na siya. Imposibleng bumalik siya. Gising na, Amber. Maawa ka sa sarili mo. Hindi totoo ang laha-"
Natigil ako sa pagsasalita nang may matigas na kamay na humila sa braso ko at sa pagharap ko ay nagsalubong ang mga mata namin ng lalaking sa panaginip ko lang nakikita.
"Babe..." Nanayo ang mga balahibo ko sa klase ng pagtawag nito sa akin.
Puno ng kalungkutan ang boses at ang mga mata nito.
Babe. Ilang taon ko na bang kinakasabikan ang endearment na iyon? Ilang taon ko nga bang kinakasabikan ang lalaking tumatawag sa akin ng ganoon?
Napakurap ako at kapagkuwan ay inalis ko ang kamay nitong nakahawak sa akin nang maramdaman ko ang pagdaloy ng kuryente sa buong katawan ko.
Bahagya akong umatras at umiling.
"H-Hindi ka totoo." Mahinang usal ko.
"Panaginip ka lang, hindi ba? Imposibleng nandito ka ngayon sa hara-" Hindi ko napaghandaan ang sunod na ginawa nito.
Inisang hakbang nito ang pagitan naming dalawa, ikinulong ang mukha ko sa mga palad nito at kapagkuwan ay siniil ako nito ng halik sa mga labi.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ang mga labi nito ay pilit na naghahanap ng paraan para maibuka ko ang bibig ko. At nang mapaawang ang mga labi ko ay nagkaroon ito ng pagkakataon para mas maging malalim ang halik nito.
And I can't believe that this is happening right now. His touch and his kiss, it's still the same.
This feeling, it was really familiar. At alam ko na ito lang ang may kakayahang iparamdam sa akin ang ganitong klaseng pakiramdam.
Paunti-unti ay tinugon ko ang halik nito. At sa bawat segundong dumaraan ay mas naging malalim ang halik na pinagsaluhan naming dalawa. Punong-puno iyon ng pananabik para sa isa't-isa.
At nang maghiwalay ang mga labi namin ay pinagdikit nito ang noo naming dalawa. At halos sabay kaming nagdilat ng mga mata habang ang mukha ko ay nakakulong pa rin sa mga palad nito.
"Ngayon mo sabihin sa akin na panaginip lang lahat ng 'to." Mahinang usal nito habang malamlam ang mga matang nakatitig sa akin.
Napalunok ako. Hindi ako makapagsalita at ang tanging ginawa ko lang ay tinitigan ko ang mukha nito.
Wala sa sariling umangat ang isang kamay ko at hinaplos ko ang pisngi nito. Sinuyod ko ng tingin ang buong mukha nito at minememorya ko iyon sa isip ko.
"M-My Renz." Nanginginig ang mga labing sambit ko sa pangalan nito. "I-Is that really you?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Masuyo itong tumango at bahagya akong nginitian.
"Yes, babe. This is me. This is Renz." Tugon nito at niyakap ako ng mahigpit.
Mariin akong napapikit dahilan para sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Ang nararamdaman ko ngayon ay halo-halo. Napakalakas ng tibok ng puso ko na tila sasabog iyon sa sobrang lakas.
![](https://img.wattpad.com/cover/187333886-288-k766879.jpg)
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #4: My Sweetest Enemy(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#4: Renz Anderson "I love you until my last breathe." - Renz Anderson Date started: May 2019 Date ended: August 2019