Chapter 26

57.3K 1.6K 223
                                    

CHAPTER 26

NAPATINGIN AKO sa asawa ko habang nakatingin ito sa malayo na tila napakalalim ng iniisip nito.

Nasa harap ito ng malaking sliding door ng kuwarto namin na nakakonekta sa nagsisilbing terrace.

Lihim akong napabuntong-hininga. Simula ng makalabas ito mula sa ospital isang linggo na ang nakalipas ay palagi kong nakikitang nakatulala si Renz.

At kapag nahuhuli naman ako nitong nakatingin ay kaagad itong ngingiti sa akin.

Dahan-dahan akong lumapit sa asawa ko at kaagad ko itong niyakap mula sa likod.

"What are you thinking?" I softly asked.

Hinawakan nito ang mga kamay kong nakapulupot sa katawan nito at kapagkuwan ay humarap ito sa akin.

Nakahanda ang ngiti sa mga labi nito nang tumingin sa akin. Ang ngiting hindi ko makita sa mga mata nito.

"Nothing." Nakangiting wika nito at hinalikan ako sa noo.

Hinawakan ko ang ulo nito.

"Wala bang masakit sa'yo?" Nag-aalalang tanong ko.

Nakangiti itong umiling.

"I'm okay. Malakas ang gamot na binigay ni James sa akin at tatlong beses na akong nagpacheck-up sa kanya this week, remember?" Masuyong usal nito.

Tumango ako at ngumiti.

Tatlong beses nga itong pabalik-balik sa ospital para magpatingin kay James. At ayaw ako nitong isama dahil buntis ako. Kaya naman daw nito kaya hinayaan ko na lang. Basta't ang importante ay malakas ito at walang anumang nararamdaman.

"That's good. Pero sabihin mo kaagad kapag may masakit sa'yo, ha?" Usal ko at hinawakan ko ang buhok nito.

May cancer ito pero nakakapagtaka na hindi man lang nalalagas ang buhok nito. Pero ayon kay James ay unti-unti iyong malalagas sa paglipas ng panahon.

"Yes, boss." Anito at idinikit ang katawan nito sa akin. "But babe..." Matiim itong tumitig sa akin.

"Hmm?" Tugon ko.

"Sa totoo niyan, may masakit talaga sa'kin." Anito at niyakap ako sa beywang.

Kaagad akong nilamon ng pag-aalala.

"Anong masakit sa'yo? Okay ka lang ba? Masakit ba ang ulo mo at-"

Napasinghap ako nang maramdaman ang naninigas na pagkalalaki nito sa bandang puson ko.

"Masakit ang ulo ko sa ibaba." Mahinang bulong nito.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at kapagkuwan ay piningot ko ito sa tenga.

"No sex for you. Hindi pwede. Bawal." Mariing usal ko.

Renz just smirked at me.

"As far as I remembered, hindi ipinagbawal ni James ang makipag-sex. Let's make love, please." Anitong nagmamakaawa.

Kung makahingi ito ng sex mula sa akin ay tila isa lamang iyong candy.

"Hindi nga sabi pwe- Ayyy!" Napatili ako nang bigla ako nitong buhatin, in bridal style.

"Renz, ano ba? Ibaba mo ako!" Pasigaw na wika ko at hinampas ko pa ito sa dibdib.

Hindi ako nito pinakinggan. Sa halip ay diretso itong naglakad sa bathroom. At nang umapak ang mga paa ko sa tile na sahig ay kaagad ko itong sinimangutan.

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Hindi nga pwed-"

"I agree with you, babe. Matigas talaga ang ulo ko. Lalo na sa ibaba, sobrang tigas." Nakangising pagpigil nito sa sasabihin ko.

Phoenix Series #4: My Sweetest Enemy(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon