Chapter 10

68.5K 2K 389
                                    

CHAPTER 10

PUNO NG PAGNANASA ang nababanaag ko sa mga mata ni Renz habang titig na titig ito sa akin. Bumaba ang tingin nito sa dibdib ko.

Awtomatikong tinakpan ko ang mga iyon gamit ang mga kamay ko kahit may suot pa akong bra. Bukod sa nag-iinit ang buong katawan ko ay mainit na din ang buong mukha ko dahil sa klase ng pagtitig nito.

Tila anumang sandali ay kakainin ako nito.

Nag-iwas ako ng tingin at narinig ko ang mahinang pagtawa nito.

Muling bumalik ang tingin ko dito at sinamaan ko ito ng tingin.

"Don't look at me like that." Saway ko.

"Bawal bang titigan ang asawa ko?" May lambing sa tonong tanong nito at hinaplos ang pisngi ko.

Bahagya akong nabigla nang pinabangon ako nito at walang imik na isinuot sa akin ang hinubad nitong pang-itaas ko.

"R-Renz-"

"Ssshhh." Dumukwang ito at hinalikan ako sa noo. "I know that I am your husband pero ayokong biglain ka." Masuyong usal nito at tinitigan ako sa mga mata.

Sinalubong ko ang titig nito at kapagkuwan ay napangiti. Sa sinabi nito ay tila napanatag ako. Nakikita ko ang respeto sa mga mata nito.

"I don't know what to say." Usal ko.

He chuckled.

Kinabig ako nito at ikinulong sa mga bisig nito.

"Sabihin mo lang sa akin na mahal ko ako ay sapat na, Amber." Anito.

Naikagat ko ang ibabang labi ko at napangiti.

"Mahal kita, Renz." Usal ko.

Inilayo ko ang katawan dito nang maramdaman ang paninigas ng katawan nito.

"Okay ka lang ba?" Natatawang tanong ko.

"Fuck! Your I love you was enough to make me cum, babe." Diretsong usal nito.

Mahina kong tinampal ang walang prenong bibig nito.

"Ang bastos mo talagang magsalita." Napapailing na sambit ko.

Muli itong tumawa ng mahina at kapagkuwan ay inabot ang cellphone nito. May kung anong pinindot ito doon at nang matapos ay muli akong tinignan.

Hinawakan ako nito sa bewang at walang kahirap-hirap na pinaupo ako sa hita nito. Nakaharap ako dito.

"There." Anito at dinampian ako ng magaang halik sa mga labi.

Akmang magsasalita ako nang maramdaman ang namumukol sa pagitan ng mga hita nito.

Tinignan ko ito at ngumiti lang ito.

"Don't mind my junior. Kanina pa naninigas, nagpipigil lang." Anito at mahinang tumawa.

"Bakit kasi pinigilan mo?" Diretsong tanong ko.

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nito.

"Fuck, Amber. Don't say that. Dahan-dahan lang sa pananalita mo at baka hindi ako makapagpigil, babaunan kita. Sagad na sagad pa." Muli kong tinampal ng mahina ang bibig nito.

Akmang magsasalita pa ako nang tumunog ang door bell. Kaagad akong umalis sa hita nito.

"May bisita ka yata." Sambit ko.

Ngumiti ito at bumaba sa kama.

"Baka 'yong delivery boy. Nag order akong makakain natin." Anito at kumindat.

Phoenix Series #4: My Sweetest Enemy(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon