Epilogue

123K 3.3K 1K
                                    

EPILOGUE

NAGISING AKO MULA sa isang napakagandang panaginip.

Ang mukha at mga ngiti nito ay napakaganda. Ang mga yakap, haplos at bawat halik na pinagsasaluhan namin sa panaginip ko ay napaka-pamilyar sa akin.

"Can you hear me?" Napalingon ako mula sa nagsalitang iyon.

And I saw a man standing right beside me. He was wearing a doctor'r robe. He was half-smiling and at the same time, he look relief. But I can see sadness in his eyes.

He felt familiar but I don't know him. Or should I say, I don't remember him. Because I know to myself that I've seen him before. I just don't remember when.

"Naririnig mo ba ako?" Ulit nito sa unang tanong nito.

Bilang tugon ay tumango ako.

Kumilos ito at inalis ang oxygen mask na nasa bibig ko.

"Now, tell me. Do you remember your name?" He asked.

Sa tanong nito ay napaisip ako. My name? Ano ang pangalan ko? Sino ako? Bakit wala akong maalala?

Mariin akong napapikit at pilit na inaalala kung ano ang pangalan ko. Pero wala. Wala akong maalala.

What's happening?

Napamulat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang paghawak ng doctor sa balikat ko.

"It's okay. I've been expecting that. At higit sa lahat, ikaw mismo ay inaasahan na mangyayari ito. You have plans before this happened." Anito.

Napakunot ang noo ako sa sinabi nito.

"A-Anong nangyayari? Bakit wala akong maalala? Kilala mo ba ako?" Mahinang tanong ko.

Sa halip na sagutin ako ay inilahad nito ang kamay sa akin.

"I am your doctor, Dr. James Karl Smith." Napatitig ako sa kamay nitong nakalahad sa harapan ko.

Sandali akong nag-isip. Pamilyar ang pangalan nito pero hindi ko maalala. Tinanggap ko iyon at nakipagkamay.

"Inoperahan kita sa Pilipinas three months ago." Napakunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Ang ibig mong sabihin..." Napatitig ako dito.

Tumango ito na tila nakuha ang gusto kong itanong.

"Yes. You've been sleeping for three months now. At wala ka sa Pilipinas. I transfered you here in Korea days after I operated on you as per your request. You have an amnesia kaya wala kang maaala." Anito at tinapik ang balikat ko.

"At katulad ng napag-usapan natin noon ay hindi kita papabayaan. Malaki ang tiwala mo sa akin kaya sa akin mo sinabi lahat. Hinayaan kita at sinuportahan sa kagustuhan mo. Itatago kita ayon sa gusto mo." Matiim itong nakatingin sa akin.

"Pero ipangangako mo na magpagaling ka at balikan mo ang pamilyang iniwan mo. Ipangako mo." Bawat katagang lumalabas sa bibig nito ay bumaon sa puso ko.

Alam ko at ramdam ko sa sarili ko na mapagkakatiwalaan ko ito. He seems a good friend of mine. Ramdam na ramdan ko iyon kahit wala akong maalala.

Sa sinabi nito ay tumango ako. Napangiti ito at pinisil ng bahagya ang balikat ko.

"Don't force yourself to remember, Renz. Makakasama iyon sa'yo. Huwag kang mag-isip masiyado dahil makakaapekto iyon sa ulo mo at baka hindi mo kayanin ang sakit kapag inatake ka nito. Basta't nandito lang ako para sa'yo. Magpagaling ka at ayusin mo ang pamilya mo pagkatapos ng lahat ng ito." Iyon ang sinabi nito bago ito lumabas ng kuwartong kinaroroonan ko.

Phoenix Series #4: My Sweetest Enemy(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon