Chapter 6

72K 2.3K 694
                                    

CHAPTER 6

"HOY, AMBER! Naririnig mo ba ako?" Napakurap ako at napatingin kay Sharmaine.

"H-Ha? May sinasabi ka ba?"

Napailing ito at mataman akong tinitigan.

"Napapansin ko isang linggo ka ng tahimik. Hindi na rin kayo masyadong nagbabangayan ni Renz. Nag-away ba kayo?" Kumunot ang noo ko sa tanong nito.

"Bakit naman kami mag-aaway?" Balik tanong ko.

Napakamot ito sa sa sariling ulo.

"Sabagay, since the first day I met you all nag-aaway na talaga kayong dalawa." Nakangiwing usal nito.

"Kayo din naman ni Rein, ah?" Tinaasan ko ito ng kilay.

"Don't mention him. Gago 'yon. Walang pakiramdam." Kaagad itong sumimangot.

Mahina akong natawa. I still remember the first day that Sharmaine introduced herself as one of the Phoenix.

Isa ito sa tumulong sa amin noon para mahuli si Raymond Tan na mayroong pagnanasa sa asawa ni James na si Princess.

At nang araw na iyon ay nadagdagan kami ng tatlong miyembro. Si Sharmaine na akala namin ay first love ni James noon at pinagselosan ng sobra ni Princess. Si Prince, ang panganay na kapatid ni Princess at si Ethan na bodyguard ni Raymond Tan noon na akala namin ay kalaban pero isa palang kakampi at naging espiya lamang para mapakulong si Raymond Tan.

And there's Ryder na muling bumalik sa Phoenix after his operation. Noong unang araw na pinakilala ako sa lahat ng Phoenix ay wala si Ryder dahil iyon ang panahon na kamamatay lang ng asawa nito, mismong pagkatapos ng kasal ng mga ito.

And I wonder if Ryder had totally moved on. Napakatagal ng panahon na nawala ang asawa nito at inaamin ko na sa lahat ng Phoenix, ito 'yong taong mailap sa lahat at masungit din. Namana yata ang kasungitan sa leader naming si James na nagbago lang dahil kay Princess.

"So, ano na? May nangyari ba? Akala mo ba hindi ko napapansin na parang iniiwasan mo si Renz?" Taas ang kilay na tanong ni Sharmaine.

Nag-iwas ako ng tingin.

"Bakit ko naman siya iiwasan?"

"Kaya nga tinatanong kita, gaga. Ang astig mong babae pero slow ka." Muli akong tumingin kay Sharmaine at pinanlakihan ko ito ng mga mata.

"Sakit mong magsalita, ah? Suntukan na lang tayo, gusto mo?" Paghahamon ko.

Mahina itong natawa.

"Eh sa slow ka naman talaga. Sa sobrang slow mo hindi mo napapansin may gusto na pala 'yong tao sa'yo." Kinuotan ko ito ng noo.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kita mo? Napaka-slow talaga." Napailing ito.

"Sharmaine, I'm asking you." Pangungulit ko.

"Bahala ka nga. Magpaload ka muna para malakas data mo para naman hindi ka loading." Sarkastikong usal nito at naglakad papalayo sa akin.

Napailing na lang ako at malakas akong napasigaw nang pagpihit ko ay nakita ko si Renz. Sobrang lapit ng mukha nito sa akin.

Napahawak ako sa dibdib ko at bahagyang napaatras.

"Anong ginagawa mo diyan? Nakakagulat kang gago ka!" Kaagad na usal ko.

Namulsa ito at mataman akong tinitigan. Hindi ito nagsalita. Basta lang ako nitong tinitigan.

"Anong tinitingin-tingin mo?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

Phoenix Series #4: My Sweetest Enemy(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon