Chapter 27

55K 1.7K 259
                                    

CHAPTER 27

"CONGRATULATIONS, Mr. and Mrs. Anderson. Lalaki ang magiging anak niyo." Masayang usal ng Ob-gyn habang kami ni Renz ay nakatutok sa malaking screen kung saan makikita namin ang anak namin.

Napangiti ako nang maramdaman ang paggalaw nito sa loob ng tiyan ko at pareho naming nakita ni Renz sa monitor kung gaano kalikot ang anak namin.

Pang seven months na ng tiyan ko at sa wakas ay napagdesisyunan namin ni Renz na magpa-ultrasound para malaman ang gender ng anak namin.

And here we are, both happy to see our baby kahit sa monitor lang.

Ginagap ni Renz ang kamay ko at buong pagmamahal nito iyong hinalikan.

"Just a little bit more. Lalabas na si baby in two months." Masayang usal nito.

Tumango ako at nginitian ito. Hinaplos ko ang pisngi nito.

"Are you excited to see him?" Masuyong tanong ko.

"Yes, babe. Sobrang excited. And I can't wait to hold him in my arms and kiss him." Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha nito.

Halata ang pagkasabik nitong mahawakan ang anak namin. And I'm happy to see him like this.

Tinitigan ko itong mabuti.

"Mahal na mahal kita, Renz." Buong suyong wika ko.

"Sobrang mahal na mahal din kita, babe." Tugon nito at dinampian ako ng halik sa mga labi.

"Okay, that's enough. Napaka-sweet niyong mag-asawa. Lumabas na kayo at baka langgamin ang kuwartong 'to." Natatawang pagtataboy ni doktora sa amin.

Natawa kaming mag-asawa. Ilang sandali lang ay lumabas na kami at hinintay ng ilang minuto ang paglabas ng ultrasound film.

Nang hawak na ni Renz ang film ay hindi maipuknat ang ngiti sa mga labi nito. Talagang sabik na sabik na itong maging ama. Habang tinitignan ko ito ay hinding-hindi ko pagsisisihan na ito ang minahal at pinakasalan ko. I will always be thankful that I have him in my life.

Nang nasa loob na kami ng kotse ni Renz ay walang tigil ito sa paghalik-halik sa malaki kong tiyan. Napasulyap ako sa driver pero parang wala naman itong pakialam. Marahil ay sanay na ito sa harap-harapan na pagiging clingy ni Renz.

"Stop it, Renz." Natatawang saway ko dito.

He looked up at me and he smiled. He mouthed I love you and he kissed my tummy again.

Napapailing na hinayaan ko na lang ito hanggang sa makarating kami sa bahay. Kaagad ko itong pinagpahinga sa kuwarto at nag-utos sa katulong na magluto ng hapunan.

Dahil buntis ako at dahil sa sakit ni Renz ay napagdesisyunan naming kumuha ng katulong para sa pag-aasikaso ng mga gawaing bahay.

Nang sabihin ni Aling Magda, ang pinagkakatiwalaan kong cook sa bahay namin, na handa na ang dinner ay kaagad akong nagpasalamat at nakangiting naglakad patungo sa kuwarto namin ni Renz.

Binuksan ko ang pinto.

"Babe, dinner is ready. Let's-" Natigilan ako.

Napahawak ko sa tiyan ko nang makaramdam ng matinding kirot. Naikagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman na parang hinahalukay ang tiyan ko at sobrang sakit niyon.

"Babe, are you okay?" May bahid ng pag-aalala sa boses ni Renz at kaagad akong nilapitan.

"A-Ang s-sakit ng t-tiyan ko." Pinagpapawisang usal ko at tumingin sa asawa ko.

"Dadalhin kita sa ospi-" Natigilan ito at napatingin sa mga hita ko.

Kahit ako ay napatingin doon. Maraming dugo ang dumadaloy sa mga hita ko.

"I-I think, the baby wants to come out early. M-Manganganak na ako." I said and looked at Renz.

Kaagad itong tumakbo at kinuha ang cellphone nito sa night stand table.

Mabilis nitong tinawagan ang Ob-gyn ko at kapagkuwan ay malakas nitong tinawag ang driver.

Maingat ako nitong binuhat. Halata ang pagkataranta sa mukha nito at ramdam ko ang panlalamig nito.

Hinawakan ko ang pisngi nito.

"I'm okay, babe." I assured him.

Mabilis ako nitong pinaupo ng maayos sa backseat ng kotse. Nang nasa biyahe na ay mahigpit ang pagkakahawak nito sa mga kamay ko.

"You'll gonna be okay, right?" He worriedly asked.

Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay nito.

"I'm a fighter, babe. Magiging okay kami ni baby." Usal ko at akmang nginginitian ito pero nauwi iyon sa pagngiwi.

Napasigaw ako sa sakit ng tiyan ko. Kaagad akong hinalikan ni Renz sa noo.

"Malapit na tayo, babe. Konting tiis lang, okay? Konting tiis pa. I love you. I love you." Anito na natataranta sa pagsigaw ko.

Bumaon ang mga kuko ko sa mga braso nito habang patuloy ako sa pagsigaw. Hanggang sa makarating kami sa ospital ay hindi na ako tumigil sa pagsigaw dahil sa sakit.

At kitang-kita ko ang kabadong mukha ng asawa ko bago ako ipasok sa delivery room ng ospital.

***

HINDI ako mapakali at pabalik-balik na naglalakad habang nasa waiting area. Napapasabunot ako sa buhok ko. Uupo ako sa upuan at muli ay tatayo at maglakad-lakad ulit.

"Renz, kalma ka lang." It was Edsel.

Tinignan ko ito at tumango.

"K-Kalma naman ako." Usal ko.

Tinaasan ako nito ng kilay.

"Kalma ka na sa lagay na 'yan?" Sarkastikong tanong nito.

Umupo ako sa tabi nito.

"Bakit ang tagal nila? Ilang oras na siyang nasa delivery room." Nag-aalalang sambit ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito.

"Amber will be okay. Her doctor assured you that." Anito at pilit ako nitong pinapakalma.

"Seven months pa lang ang tiyan niya pero bakit-"

"Madami ng nabububay na premature babies ngayon. And trust Amber. Mailalabas niyang malusog at malakas ang anak niyo. They will be both safe." He assured me and I just nodded.

Hinawakan ko ang nanginginig kong tuhod. Pero kahit anong hawak ko ay mas lalo iyong nanginginig.

"Such a pussy." Edsel murmured.

"Shut up." I said and glared at him.

He just smirked at me.

Ilang sandali lang ay lumabas na ang doktor ng asawa ko mula sa delivery room. Mabilis akong tumayo at ganoon din si Edsel.

"Kumusta na ang mag-ina ko, doc?" Kaagad na tanong ko.

Ngumiti ito sa akin.

"They are fine. Nakatulog na si Mrs. Anderson at ililipat na agad siya sa recovery room. And as for the baby, pansamantala muna natin siyang ilalagay sa incubator dahil premature. But well assured, the baby's healthy, Mr. Anderson. Your wife and baby are both safe. Congratulations for the both of you." Nakangiting usal nito.

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito. At nang makaalis na ang doctor ay mahigpit akong napahawak kay Edsel.

Palagay ko ay lumabas lahat ng nerbiyos at takot sa katawan ko. Seeing my Amber shouting in pain earlier was a hell for me.

"I think, I'm going to passed out." I said.

"Don't you dare you fucking-" Hindi ko na narinig ang susunod na sinabi ni Edsel dahil dumilim na ang buong paligid ko.

To be continued...

A/N: Langyaaaang, Renz. Hinimatay sa nerbiyos.🤭😂

Phoenix Series #4: My Sweetest Enemy(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon