Chapter 40

115 5 28
                                    


Akisha's POV

Wala naman magawa ditto sa bahay, sana gumaling na ko ng makapag gala naaaa!!

"Hoy! Mag usap nga tayo, bumangon ka jan panay ka oppa. Ako lang dapat oppa mo, ako kuya mo e!" pag utos naman ni kuya. Kapal niya, di naman siya gwapo para maging oppa.

Tumayo naman ako at sinundan siya sa palikuran yung tambayan namin noon pa nung mga bata kami. Malawak kase doon, may manukan. Meron din kami duyan na net doon, at dun ko siya nakitang nakaupo kaya umupo na din ako sa tabi niya.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Ayoko na makikita ulit si Gabe sa kwarto mo ha" sabi niya literal na kuyang nanenermon.

"Hahaha patawa ka kuya di ko naman alamna nandon pala siya as if naman." Humiga naman ako bigla sa lap ni kuya at siyempre dahil diyosa ang bunso niya wala siyang nagawa.

"mmm. Okay ka na ba?" dinig ko ang pag aalala sa tono niya.

"hihihi nag aalala ka lang pala dami mo pang dama, yup okay na po ko kuya." Kahit pangit tong kuya ko sweet padin. Haha

"kuya?"

"Mmm?"

"Thank you!"

"Hahaha, anong drama to? Para saan?"

"Para sa lahat,napakabait mo. Kahit na hindi mo ako totoong kapatid itinuring mo pa din ako na totoong kapatid. Kahit na nung una akong dumating ditto galit ka sakin, mas pinili mo pa din na bigyan ako ng pagmamahal mo at ng magulang natin. Kahit na ba pwedeng pwede mon a yon solohin."

Nakita ko naman ang pagkabigla sakanya na, nanigas din....

Ang kanyang katawan at napatulala.

"Naalala mo yon? Ano pa ang naalala mo?" Tanong niya pagkabaling niya ng mataniya sakin.

"Mmm, opo naalala ko yun, maraming maraming salamat. Wala na akong natatandaan pa. Yun lang at lahat nang msasaya nating ala-ala. Kapag umiiyak ako lagi kang nandiyan, sa school kapag may umaaway saakin ikaw din ang nakikipag away. Salamat, I love you kuya"

Umupo naman ako ulit galling sa pagkakahiga sa nap niya para yakapin siya.

"I love you too bunso, you will always be my baby bunso" Sabi naman ni kuya na nagpangiti sakin. Ang swerte swerte ko na siya nagging kuya ko kahit hindi biological.

"Kuya? Oo nga pala, sinasaktan ba tayo nila lolo dati? Tsaka farmba yung probinsya natin? Lagi ko kase yun napapaniginipan e" Curious na talaga ako e.

"Huh? Hindi ah ang baoit bait kaya nila satin. Siguro may nangyari na hindi maganda sayo no? Kaya ganyan interpretation ng panaginip mo? May kinatatakutan kaba?" Tanong ni kuya.

"Wala naman po kuya, bangungot lang siguro, lagi kase ko pagod kakagala e hehehe"

pagpapalusot ko naman alam ko naman na wala siyang ikwekwento kahit nung mga bata pa kami kapag may panaginip ako na panget ugali niya nan a i-interpret lahat yun para wala akong ika bahala.

"Teka nga, wala ka pa din bang girlfriend? Para naman di mon a ko lagging inaasar ano ba naman yan, gusto ko nga anak ko ang bunso pa din mauunahan pa kita" Nakita ko naman na nanlaki mata niya hahah oops yari na ko neto hehehe

"Anong sinabi mo Aki? Oo wala akong GF pero may dine-date ako, at anong anak? Bata ka pa ah? Buntis kaba?! Tara nga ditto?!!"

Hahaha sabi na ng aba e..

"Dami mo naman tanong, isa isa lang ant hindi ako buntis nag wabi lang ako ng possibilidaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaad!!" Napatili na talaga ako bigla niya kase ko hinabol alam ko na mangyayari pag nahuli niya ko e, salbahe to e lagi akong kinukutusan at pinipingot huhuhuh

"Sige, takbo pa pag ikaw nahuli ko humanda ka sakin" Huhuhuhuh kung bakit ko ba naman kase naisipan sabihin yun, champion pa naman to Milo race hahahahah

"Ayoko nap o kuya lalagnatin ulit ako neto e" Pagmamakaawa ko pero di siya tumigil ayoko na..

"Mamaaaaaaaa, Papaaaaaaa si kuyaaaaaaaaaaaa!!" Sumigaw na ko para magsumbong habang tumatakbo paikot ikot ng bahay pero di siya tumigil. Sa halip pinagtawanan lang kami nila mama kasar!

1 hr. later

Pareho kaming hingal na hingal, para kaseng tanga. Bigla naman maykumatok sa pito,

"Sakuragi , yung pinto. Wag mo asahan si Aki. Aba pagtapos mo kutus kutusan uutusan mo?!" Sigaw ni papa. Hahaha wonder papa.

"Bleeh!" Buti nga sakanya. Agad naman niya tinignan sino yung kumakatok.

"Pinapatawag po kayo ni sir Gabe" Huh? Bakit kaya?

Tinignan naman nila kuya ,mama at papa na para bang tinatanong ano nanaman ang ginawa mo Aki?

"Oh bat ganiyan kayo makatingin? Sige magbibihis lang ako." Bakit kaya? Samantalang sabi niya kanina wag na ko sasama?

Pagdating namin sa harap ng kotse.. "Kuyaaaaaaaaaaaa!!"

Napasigaw talaga ako kase ang dami nila, tas bigla nilang sinuntok si kuya habang yung iba hinawakan nila ko at ipinilit isakay sa van na puti. Huhuhuhu, van na puti shutang ina kidnapper talagaaa!!

"San niyo ba ako dadalhin?! Bat niyo sinuntok si kuya?!" Naiiyak na ako,.

"MANAHIMIK KA JAN!!" sigaw nung isang mamaw.

"E bakit ka naninigaw kuya nag tatanong lang naman ako?" Letse nagtanong lang naman ako.

"Pilosopa ka pa!" At sinampal na nga ko ng mamaw. Ang sama ng ugali nila! Nilagyan nila ko ng busal sa bunganga at tinalian ako. As if naman na pipiglas pa ako ayoko naman mamatay sa bugbog ng mamaw no!

Dumating na kami sa parang hacienda, pagkita ko palang naiyak na ko. Di ko alam pero bigla akong naiyak may kung anonng sakit ako naramdaman.

"Baba!" Tinignan ko lang siya ng masama, letseng to kung makahila wagas?!

Sabay nakita ko kung san ako dadalhin. Bigla akong nataranta, ewan ko pero ayoko talaga dun.

Nag pumiglas ako pero sinuntok ko ng isa, kaya napaluhod ako. Nakakapanghina na. Sumama nalang ako sa parang barn ng hacienda. Ang daming tambak. Tsaka nila ako itinulak na akala mo basura lang, natanggal ang busal ng bunganga ko inikot ko ang mata ko tinanggal din nila ang pagkakartali ko at bago pa nila isara ang pinto sumigaw na ako..

"Pahingi po nang kutchon pano ako matutulog!!!!" Ano sa dayami ako matutulog? Tanggap ko na ano nangyayari di naman ako tanga para di malaman na ako'y kinidnap though di ko alam bakit pero ayoko naman matulog sa dayami no?

"ULOL!" Sigaw nang isang mamaw. Kala mo gwapo e. Bwisit!

Nag isip isip ako pano ako lalabas dito. Kahit masakit katawan ko at naiiyak ako kelangan ko makalabas.

Tama Cellphone! Kinapa ko yung bulsa ko. Nice, di lang sila mga mamaw kinuha pa nila pati cellphone ko. Napa halukipkip nalang ako. Bakit baa no ba kase nangyayari?

"Hoy gising! Hoy!" Naramdaman ko na may sumisipa sipa sakin. aPagdilat ko yung sinumpang mamaw nanaman. Di ko napansin na nakatulog na pala ako. Napa upo naman ako.

"Anjan na ang pagkain mo, baka mag inarte ka pa." Tinignan ko ok naman yung pagkain may kanin ulam may tubi. Ok na din

"Binigyan ka din nila boss ng hinihingi mona, kutson."

"Salamat" Mahina kong sinasabi.

Bigla naman siya lumapit sakin, nakatingin lang ako sakanya pero nanginginig na ako sa takot.

"Maganda ka naman pala kahit mugto mata mo, bakit ka kaya pina kidnap" Hinawakan nya kamay ko at ang mukha ko.

Sige naman ang iwas ko.

Pasalamat nalang ako biglang pumasok mga kasamahan niya.

"Roberto matagal pa ba magising yang bata?!"

"hehe, may araw ka din. GISING NA BOSS!"

Boss? So ibig sabihin nandito nag pakidnap sakin?

Pag pasok niya ng pinto bigla nalang ako naiyak sa sobrang gulat. Bakit?

"Kamusta ka na Aki?" 

Dear Diary [COMPLETED][WATTY'S 2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon