Chapter 42

115 5 18
                                    


Akisha's POV

"Kamusta ka na Aki?"

Nagulat ako sa nakita ko, di ako makapaniwala.

"Tita Marieta? Kuya Daniel? T-tulong po!" Hindi ako makapaniwala na ang kuya ni Gabe at mama niya ang boss nang mga mamaw nayun. Pero di ako nawalan ng pag asabaka nagkamali lang sila. Pero tumawa lang sila.

Napapagod na ako kakaiyak bakit ba kase di pamatapos tapos to?!

Bigla naman akong sinampal ni tita Marieta, yung mala Gladys Reyes at Maricel Soriano na pagkalutong lutong na sampal.

"Kung bakit kase nabuhay kappa! Sana kasama ka na sa nasunog, at kung bakitkase nagkita pa kayo ni Gabe?!"

At sinabunutan niya na kop with combo ng sapak at sampal. Di ko naman maintindihan kung ano ang pinagsasabi niya.

Nakita ko naman si kuya Daniel na may hawak na latigo, sa hindi ko malaman na dahilan bigla naman ako nag panic.

"Oh? Bakit bigla kang nag panic? Naalala mo to?" At inihampas sa sahig narinig ko mismo ang tunog niya na nagpanginig sakin. Meron din siya pinakitang picture nang pamilya nila, mumng mabaling ko ang paningin ko sa isang batang lalaki, naiyak ako ng husto.

"Naalala mo si Gabe?'

Si Gabe yung batang lalaki na nakikita ko sa mga panaginip ko noon.

Nang makita ko naman ang papa nila ang tito at lolo lalo akong nanginig. Nagkaroon ako bigla ng vision o hallucination nakita ko ang sarili ko na minomolestya at binubugbog ng mga lalaking nasa picture. Hindi! Ano to!

"Waaaaaaaaag!! Tamaaaa na pooo!" Sigaw ko habang umiiyak ako.

"Yan ganyan nga mag dusa k asana mamatay ka na din" Habang sinasabi yon sakin ni tita Marieta sige din naman ang bugbog niya sakin hinahagis din nila ko kung saan.

Sobrang sakit na ng katawan ko, alam ko na meron na din akong mga sugat.

Tumigil lang sila nung narinig pumasok ang isang mamaw na tauhan nila.

"Boss may tao po sa labas, nagpupumiglas kami nap o ang bahala dito"

Agad naman sila nagtago dahil siyempre iisa lang ang daan sa labas. Di ko na nagawa pang kumilos, kaya humalukipkip nalang ako kung saaan ako nakapwesto. Kung sino man ang nasal abas ,, Please. Iligtas mo ako.

Hindi pa din matapos ang visions ko sa past di ko na kaya to. Nakita ko naman ang batang ako na nag hahantay.

**FLASHBACK VISION**

"Asan naba siya? 8:30 na wala pa din siya. Natatakot na ako" humalukipkip ako ng nakita kong bumukas ang pinto, natatakot ako baka yung masasamang lalaki nanaman pero na lampante ako nung makita ko kung sino ang nasa pinto..

"I'm sorry, na late ako" Sabi ni Kuya Gabe. Mabuti nalng hindi siya katulad ng mga masamang mga lalakiat yung isa pang bata siya lang ang kaibigan ko"

**end**

Habang nakahalukipkip ako narinig kong bumukas ang pinto pag silip ko.

"I-I'm sorry, na l-late a-ako" Tama, si Gabe nga. Noon pa man si Gabe na. Naiyak ulit ako , nakita ko siyang nanghihina at bugbog sarado pero kahit ganon, pinilit pa din niya makapunta sa akin.

Nang makalapit siya sakin agad ko naman siyag sinalo, kahit na pati ako ay nang hihina.

"Salamat" Sabi ko nang mahina habang umiiyak at tinitignan lahat ng sugat niya. Hinawakan naman niya ang mukha ko habang nakatingin lang saakin.

"Ok kalang ba? Sorry na late ako" Yah, naalala ko na yan din mismo ang sinabi ng batang si Gabe paglapit niya saakin.

"Bakit ka nagpa bugog? Asan si Hibler? Sana napadali atmalamang di ka mabugbog." Di naman sa mas hinahanap ko si Hibler pero sa totoo lang, mas di siya mabubugbog kung ganon nga.

"N-nangako ako sayo, na hindi na ko magiging duwag atpipilitin kong lumabgan para sayo" At isinandal niya na an noo niya sa akin.

Narinig naman namin na biglang may pumalakpak, pagtingin namin oo nga pala. Anodito pa din sila tita Marieta at kuya Daniel.

"Wow naman anak, ang sweet. Wala ka din utang na loob e no?" sabi ni tita.

"Wala naman ako dapat ika- utang na loob sayo e kung binili mo lang naman ako sa ibang babae para lang hindi ka hiwalayan ng tatay Akisha, kayo ni kuya masyado kayong mga sakim sa pera!"

Sinuntok naman siya ni kuya Daniel na nagpabagsak sakanya.

"WAAAAAAAG!" sigaw ko naman.

"Oo, binili lang kita sa ibang babae. Para di ako hiwalayan ni Simon. At oo,ako ang pumatay kay Akiko na nanay ni Akisha. Oh? Bakit kung hindi dahil saakin wala ka ngayon. Hindi k asana president ng kumpanya malamang namamasura ka lang kasama ng totoo mong nanay na nag popokpok sa mga amerikano!"

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko kay tita Marieta. Tinignan ko si Gabe kaya pala kahit papano di nalalayo ang mukha niya kay Chairwoman. Kase may lahi pa din siya, Pero mas di ako makapaniwala na kilala nila ang tunay kong magulang. At si tita mismo ang pumatay sa tunay kong nanay?!

"Bakit ako magpapasalamat sayo? Kung dahil din naman sainyo kung bakit ako nagkaroon ng D.I.D? Naging halimaw ako ng dahil sainyo!"

Hinarap naman siya ni kuya Daniel. "Oh e kaya nga ginagamot kita diba? E tang ina malay ko ban a kasama mo na pala ang bata nagging dahilan ng lahat ng gulo." Sabay baling ng tingin niya sakin.

Kinuha niya ang latigo at dahan dahan na pumunta sa akin. Itinaas niya ang kamay niya na may hawak na latigo alam ko na ihahampas niya sakin yun kaya humalukipkip ako. Naramdaman ko naman na may yumakap sakin habang ako naka halukipkip.

"Pasensiya na, pero kelangan ko nang agawin ang oras ni Gabe, para mailigtas kayo. Lalong lalo kana. " Rinig kong sabi niya. Kaya tinignan ko kaagad siya.

"Hi-Hibler?" tanong ko. Nginitian niya lang ako habang may luha na pumatak sa mga mata niya.

Kasabay non ay ang paghampas ng latigo. Alam kong masakit dahil nakita ko ang reaction sa mukha niya at katawan niya. Napayuko lang siya pero sinikap niya na hindi bumitaw sa akin.

"Ayos, parang dati lang ah!" Sabi pa ni kuya Daniel. Grabe ang sama sama niya.

Pinipilit ko na alisin ang pagkakakapit ni Hibler sakin dahil nakita ko na hahapasin ulit kami. Pero hindi siya bumitaw. Sa halip, inalalayan pa niya ang ulo ko na yumuko at hinalikan ako sa bunbunan? Tsaka ko siya narasmdaman na bumitaw at tumayo. Narinig ko din na may bumagsak.
Natakot ako nab aka may kung anong hindi maganda ang nangyari sakanya kaya agad akong tumingala para tingnan kung ano ang nangyari.

Nakita ko naman si Tita Marieta na natataranta, si kuya Daniel na nakahigaat may iniindang sakit sa panga, sinuntok ba siya ni Hibler?

Nakita ko naman si Hibler na nakahandusay lang din. Agad ko siyang nilapitan, di ko mapigilan ang iyak ko habang tinitignan siya. Nagpapasalamat ako kay Gabe dahil kahit papano tinupad niya ang pangako niya, pero nagpapasalamat din ako kay Hibler dahil lagi siyang nandon.

Dumilat siya nang bahagya at ngumit sakin. "T-tapos na, i-i- isang tao n-nalang ang k-kelangan nating h-harapin pero m-madali nalang yon." Sabi niya habang nanghihina. Tumango tango naman ako bilang pag sang ayon sakanya.

Maya-maya ay nakita ko na may mga taong nagpasukan. Nakita ko sila kuya, sila tito Simon, si Chairwoman at mga pulis. Alam ko sa mga oras na yon na tapos na ang labn kila tita Marieta. Bago ko ipikit ang mga mata ko para humiga at tabihan na din si Gabe dahil pagod na pagod na ako. Isang putok nang baril ang narinig ko.

Nakita ko din na nataranta ang mga pulis at narinig ko silang lahat.

"Hindiiiiiiiiiiiii!"

Dear Diary [COMPLETED][WATTY'S 2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon