Gabe's POV
"Aalis na ako, baka kase may makakita sakin. Para din makatulog ka na." sabi ko sa batang babae na kaharap ko. Eto nanaman yung panaginip ko.
Hinawakan naman niya ang kamay ko at pinigilan ako. "Huwag ka umali, samahan mo ako, Natatakot ako." Sabi ng batang babae. Teka yun din ang sinabi ni Aki kanina ah?
"Hindi puwede sasaktan nila tayo lalo ka na kapag nakita nila tayo na magkasama" Sabi ulit nung batang ako.
Dahan dahan bumitaw yung batang babae sa pagkakahawak sakin at umiyak.
"Huwag ka nang umiyak, Tandaan mo to,eksaktong 7:30 pm, May 18 2004. I promise, pipilitin ko na magkita tayo. Basta kahit anong mangyari, matagalan man hintayin mo ko"
Sabi nung batang lalaki. Narinig ko nay un e. pinilit ko silipin kung sino ang batang babae. Nang biglang bumukas ang pinto. Natakot ang dalawang bata, nagmamakaawa ako na wag kaming saktan. Tumakbo yung babae sa sulok kaya sinilip ko at nung sumilip siya para tignan ang gawi ang batang lalaki. Nanlaki din ang mata ko.
Hindi.. hindi puwede.. Ang batang babae ay ang batang babae na nasa picture na kinuha ko kanina.. Hindi!
Si Aki.
Pumasok din lahat ng weird na alaala, pati rin ang alaala ni Hibler nung siba niya kay Aki na unang araw sa minahal niya ito.
Naluha nalang ako.. Aki..
*end of dream*
I gasped when I woke up. Nakita ko na tulog pa din si Aki, at may sinat padin. Di ko mapigilang maiyak. Kada gabi, eksaktong 7:30 pm, ang pangako na pipilitin nilang magkita kahit anong mangyari.
Tama, lahat ng yun naka connect sa iisang event, at aloam lahat yun ni Hibler, pero bakit bigla nalang niya shinare sakin ang alaala nay un? Hindi kaya dahil sa picture? Si Aki ang kasama ko sa parang barn na storage room? Pero paanong nalimutan din niya ang alaala niya?
"Ma? Kuya?" pag tawag niya at dumilat. Halata mo pa sa mukha niya na gulat siya.
"Good morning" pagbati ko sakanya.
--------------------------------------------------
Akisha's POV
"G-Good M-morning?" Bigla niya akong niyakap, habang umiiyak.
"B-ba-bakit? Hon? Ano nangyari."
Bigla naman pumasok si kuya,
"AAAhhh!! MAMAAA "
Napabitaw si Gabe mula sapaagkakayakap sakin at lumapit kay kuya.
"K-kuya mali ka po ng inaakala" Kunwari kunwari naman si kuya na naiiyak iyak.
"huhuhuh~ hindi pinagkatiwalaan kita!" Niyakap naman siya ni Gabe para pakalmahin.
Bigla naman pumasok sila mama na nag mamadali pa.
"Ano ba ang nangyayari? An gaga, aga ang ingay niyo?!" Nabigla din sila pareho nung nakita na magkayakap sila Gabe at Kuya.
"Mama, mali po kayo ng inaakala. MA!"
"Jusko maryosep! Umayos na kaya at mag almusal!" Napa sign of the cross pa si mama habang nag bubulongg "Santa partisima patinuin mop o ang mga utak ng mga batang ito."
Tinulak nalang ni kuya si Gabe palayo sakanya.
"Ehem, umayos ka na tulungan mo ko alalayan si Aki pa kusina." Para pa siyang bata na binabantaan si Gabe hahaha.
Pagdating namin sa kusina, sosyal nang almusal may pa Bacon. Yun pala nag abot daw si Gabe ng pamalengke kay mama. Nahihiya na talaga ko minsan e.
Di naman na tapos ni Gabe yung kinakain niya kase biglang tumawag si Luke yung secretary niya. Meron daw biglaang meeting. Di niya na ako pinasama spend ko daw muna yung time ko kila mama. Nagpaalam naman na siya at nag iwan ng allowance ko at allowance sa bahay.
Nahihiya nga kami dahil wala naman siyang obligasyon ditto sa bahay kaso mapilit siya..
Hay. Ano naman kaya pwede kong gawin sa dito?
3rd Person's POV
"Ano nak? Kamusta na si Gabe?" Tanong ng ina nila Gabe at Daniel
"Hindi maganda ma, nung nasa office niya ako si Hibler ang nakaharap ko at tinangka niya akong sakalin habang galit nag alit." Paliwanag ni Daniel.
"Hindi kaya ma, konti konti niya nang naaalala ang mga nangyari noon nung iniwan natin siya kila lolo? At yung batang babae na ginawa nilang slave?" Dagdag pa ni Daniel.
Hindi naman makapagsalita ang ina niya at nanginginig pa sa sobrang pag ka gulat. Hindi niya maisip na isang araw e maalala ng anak niyang si Gabe ang isang sekreto na tanging sila lang ang alam niyang nakaka alam.
"Hindi pwepwede to, Daniel anak mag utos ka sa mga tauhan natin na hanapin ang batang babae. Kung patay na mas maganda kung buhay pa dalhin niyo sa hacienda kung san siya dating nakakulong." Pag utos ng ina kay Daniel.
"Opo ma." Pag sang ayon naman ni Daniel at gumawa na siya ng phone calls para sa mga tauhan nila ng kaniyang ina.
Sa kabilang banda, ang hindi nila alam ay meron nag iispiya sa kanila, merong nakakarinig nang lahat ng plano nila.
"Ma'am, ipinahahanap po ni Marieta at Daniel ang batang babae 15 years ago. Ang sabi ni Sir Daniel ay konti konti na daw po naaalala ni Sir Gabe ang mga dapat na hindi maalala."
Sabi ng ispiya.
"Bantayan mong maigi sila Gabe, tandaan mo ako ang buuhay sa inyo ako ang susundin mo. Lalong lalo na ang kaligtasan ng batang babae. Ikaw na ang bahala Luke Bartolomeo"
Pahayag ng Chairwoman na lola ni Gabe sa secretary din mismo ni Gabe na si Luke.
Matagal na panahon na sinuportahan ni Chairwoman Amelia Ross ang pamilya ni Luke Bartolomeo, siya din ang nagpaaral sa kanilang lahat. Kaya nangako si Luke na habang buhay niya pag sisilbihan ang Chairwoman.
"Opo madam ako napo ang bahala" At natapos ang usapan nila.
Agad naman na umalis sa pwesto niya si Luke upang hindi siya makita ng mag ina, at sinimulan ang misyon.
A/N:
Sorry napatagal,mejo nagging busy din kase sa work ang lola niyo hehe. O siya hulaan niyo na ano mangyayri hehe
BINABASA MO ANG
Dear Diary [COMPLETED][WATTY'S 2019]
Novela Juvenil#30 Threesome # 2 dramaromance # 18 romancestories # 69 diary # 95 lovetriangle Dear Diary, Mahal na mahal ko siya pero ang sakit din pala pag nawala ang isa .. ------- Meet Akisha and Gabe woth a DID(Dissociative Identity Disorder) with his only...