Umalis na si Luke, para bumili ng makakain. Binuksan din niya ang TV sa receiving area pero mahina lang sakto lang para madinig ko, nanuod ako ng Disney Films. Napatingin naman ako kay Gabe, na hanggang ngayon seryoso padin. Maya maya pa ay bumukas na ang pinto at pumasok ang isang matanda na terror ang mukha, napatingin siya sakin at tumayo't yumuko naman ako bilang pag galang tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. Sabay dumiretso kay Gabe, nagmano si Gbae at naupo na ang matanda sa hrap ng desk ni Gabe.
Nakita ko naman nanginginig si Gabe habang kausap ang lola niya,
"Malapit na ang annual share holder's meeting. Sana naman di ka tatamad tamad at inaasikaso mo na ang tungkol dun."
"o-opo patapos na po yung presentation." Habang nanginginig pa siya.
"Aalis na ako" At biglang tumayo yung lola niya at lumabas ng pinto.
Agad kong nilapitan si Gabe para tanungin kung ok lang siya. Pero nakahawak lang siya sa ulo niya umiiyak nakayuko ng tahimik. Bakit kaya? Dumating na din si Luke kasama si kuya Daniel, ang kuya ni Gabe.
"Uy Aki, andito ka pala? " palapit na si kuya sakin ng bigla kong naramdaman ang pag hila sakin ni Gabe, "Subukan mong lumapit sakanya tutuluyan na talaga kita." Nabigla ako sa sinabi ni Gabe.
Halata naman din ang pagkabigla ni kuya Daniel atni Luke.
"Gabe, ano ba sinasabi mo?" tinignan niya lang akoat nilagay sa likod niya.
Humarap ulit siya kila kuya at Luke.
"Aba, nagulat ka yata? Tsk tsk. Di bale, di kita nalilimutan. Sino ba naman makakalimot sa mga ginawa mo, Kuya?" Paglapit niya sa pinaka harap ni kuya.
"Hibler." Huh? Bakit di ko napansin?
"Wow! Kilala mo pa pala ko? Pasensya na ha, akala mo ba nagamot mo ko? Hahaha Ulol!"
At lalong nanlaki ang mata ko nung bigla niyang sinakal si Kuya Daniel.
"Masyado kayong sakim ng nanay mo. *evil grinned* Anong gagawin mo kung isang araw maalala lahat nang duwag mong kapatid ang lahat nang alaalang nasa akin? Ano? ANOOOO!?" Pagbanggit niya habang umiiyak pilit namin siiyang inaawat ni Luke pero masyadong kang malakas.
Si kuya Daniel naman walang isang sinabsabi. "S-so-sorry" ang tanging nasabi ni Kuya, pero lalo lang hinigpitan ni Hibler ang pagsakal.
"Hibler tama na please! Tama naaaa!!" baiiyak na din ako, di ko alam ang nangyayari pero may kumikirot din sa puso ko. Tinignan ako ni Hibler.
"Sigurado ka Aki?" Tumango naman ako.
"sinabi mo sa akin , nung nasa Baler tayo, sa ilalim ng balete tree. Na ang salita ko ang nag iisang batas para sayo diba? Kaya please, tama na" pag mamakaawa ko.
Tinitigan niya muna ako bago niya bitawan si Kuya Daniel , pero nung lalapitan ko si Kuya, pinigilan niya ko.
"Wag na wag kang lalapit sa sakin na demonyong yan" sabi niya sakin at paghatak niya papunta sa likuran niya.
"Tandaan mo to, ni piso wala kang matitikman. Dahil ibabalik ko ang Ross Group of company sa totoong may ari." Pahabol niya pa na sinabi kay kuya Daniel.
Tsaka niya ako hinatak palabas ng office at nang building. Ano nangyari? Bakit balik nanaman siya sa pagiging violent?
Napahinto siya sa paglalakad at hinarap ako,
"ok ka lang ba? Hindi ba masakit ang ulo mo?" Tanong niya na may halo halong pag aalala. Huh? Ano ba sinasabi niya?
Tumango ako "Oo, ok naman ako, bakit mo naman natanong?"
Hinawakan naman niya ang mukha ko inayos yung buhok ko.
"Masaya ako, sa lahat ng oras na nakasama kita. Pero hindi pa ko matatapos dun" Di ko na siya ma intindihan.
"Masaya ako, na buhay ka at masaya. Tulad nga ng sabi ko. Lalabas ako lagi para protektahan ka. Yung ang dahilan bakit ako naisabuhay, mahal na mahal kita. Pero wag mo na sana maalala kung ano man ang nangyari 15 years ago"
Naguguluhan na talaga ako, ano baa ng meron?
"Hibler, ano bay un? Yung alaala ba ni Gabe na hindi niya maalala pero alam moa ng lahat, kasama ba ako dun? Bakit mob a sinasabi yan?"
Nakatingin lang siya sakin.
"May mga napapanaginipan ako, sobrang strange and weird, like meron daw matanda, lalaki may gusto daw manakit sakin. May hindi magandang ginagawa. Pero lagi may dumadating na batang lalaki. Haha siguro si kuya ko yun, napapagalitan siguro kami" Di ko napigilan ang maluha kaya napayuko na lang ako. Gusto ko intindihin ang sitwasyon nila pero di ko naman din maintindihan ang sarili ko.
Iniangat naman ni Hibler ang mukha ko at pinunasan ang luha ko.
"Tama na, wag ka na umiyak. Malalamin mo din lahat yan pero sana hanggang jan nalang. Ayokong Makita kang nasasaktan ulit." Ulit?
"Kaylan ba tayo unang nagkita? Sa school?" ngumit lang siya at sinabing.
"Matagal na tayong nagkita, matagal na panahon na."
Ano ba kase yun bakit di niya sakin sabihin?
Bigla niya ko binitawan at kunwari pagod na pagod.
"Pagod na ko, gala tayo, sama ka?" He never fails to make me smile, kahit na ba hindi natupad ni Gabe ang pangako niya alam ko na pinilit niya. Siguro hindi niya lang talaga kaya yung sakit na pinagdadaanan niya.
"Yup, sama ako! San tayo? Kaso, office hours pa" baka naman yung trabaho ma apektuhan neto.
"tsk tsk, napapagod din ako, mag eenjoy lang tayo babalik din tayo agad promise!" Ngumiti nalang ako at tumango.
Siyempre since need namin bumalik agad, kelangan sa malapit lang. SM! Hahaha
Naglaro kami sa queantum, yung hulihan ng isda, dance dance revolution basketball, kumanta sa live stage. Para sakin yun na yung pinaka masayang oras. Para samin. I kung ttignan mo siya ng mabuti para siyang bata na nag eenjoy sa buuhay niya. Di ko maikakaila na kapag siya ang kasama ko parang sabik ako lagi parang bata na lagi siyang hinahanap para makasubok ng bagong masayang activity.
"Ayoko na pagod na ko" hingal hingal na ko naglalakad. Pero parang di siya napapagod. Kaya yumuko na muna ako maya maya pa may nakita akong paa na nsa harap ko.
Pag tingala ko si Hibler na pala, may hawak hawak na ice cream.
"Kunin mo na bago pa matunaw." Napangiti nalang ako nung kinuha yun.
Habang hawak niya pa din ang kamay ko hinila niya ko at natapos na namin yung mga ice cream namin, nanlaki mata ko kung nung mapag tanto ko kung saan kami papunta. SA WATSONS!
"Ms.!" Pagtawag niya sa isang staff paglapit nung sle.
"Alam kong mahirap pero I make-over mo siya" watda!?
"Opo sir" Tumingin siya sa orasan.
"Aki, kelangan pa ba natin bumalik ng office?" tumingin ako sa oras patapos na ang breaktime, kaya tumango ako.
"Teka lang miss, eto, eto, eto, eto, eto, eto, eto," pagturo niya sa kung ano anong nakadisplay na pang ek-ek sa mukha. "lahat yan I punch mon a bibilhin ko na" lalong nanlaki mata ko mas Malaki pa sa mata ng mga tao sa paligid! Seryoso ba siya, aware ba siyang di niya pera yun!?
Pagbalik naman sa office,
"Hindi ko hahayaan na masaaktan ka ulit" At sumakit na ang ulo niya,
Alam ko na next nero kaya "Hibler, please ishare mo naman kay Gabe yung alaala omo oh, para sumaya din siya gaya mo"
"Hindi niya kakayanin, Aki" bago pa ko magsalita ulit, nagging unconscious na siya at alam ko pag gising niya si Gabe na siya. Kung asana naaalala din niya ang kung anong alam ni hibler sana di na siya nag su-suffer.
BINABASA MO ANG
Dear Diary [COMPLETED][WATTY'S 2019]
Fiksi Remaja#30 Threesome # 2 dramaromance # 18 romancestories # 69 diary # 95 lovetriangle Dear Diary, Mahal na mahal ko siya pero ang sakit din pala pag nawala ang isa .. ------- Meet Akisha and Gabe woth a DID(Dissociative Identity Disorder) with his only...