Chapter 43

140 6 6
                                    


Gabe's POV

3 months na ang nakakalipas magmula nang matapos ang paghaharap namin kila Marieta at Daniel. Di ko ma atim na tawagin silang mama at kuya dahil sa lahat ng ginawa nila hindi lang sakin pero lalong lalo na kay Aki. Ok ok naman na ako wala nadin ang mga sugat ko.

Inilapag ko ang bulaklak at nag tirik ako sa lapida na nasa harapan ko. Hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala sa lahat ng nangyari. Habang tinitignan ko ang pangalan na nasa lapida hindi ko mapigilang umiyak. Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nangyari. Kung hindi dahil sa kasakiman nila Marieta hindi sana nangyari to. Sana masaya pa din siyang nabubuhay.

Nawala lahat ng iniisip ko ng may tumawag sa akin.

"Ok sige po, papunta na po ako salamat po." Tsaka ko ini-end call.

Tinignan ko muli ang pangalan na nasa lapida.

AKIKO SUZUKI ROSS

"Madam, maraming salamat po sa pagsilang niyo kay Akisha, sorry din po sa lahat ng trahedya na nangyari sa inyo. Ipinapangako kop o na mamahalin at ililigtas ko ng paulit ulit si Aki para sainyo."

Tsaka ko nilisan ang sementeryo at diretsong pumunta sa hospital, sabi kase ni lola na nagising na daw si Aki. 3 buwan magmula ang insidente na binaril siya ni Marieta,

Nag flat line si Aki noon pagsaksak nap ag saksak ng aparato sakanya. Kahit nanghihina ako noon sobra pa din ang takot ko na mawawala siya sa akin. Mabuti na nga lang at palaban talaga si Aki.

Sabi nga nila milagro daw na bigla nalang bumalik ang heartbeat ni Aki. Matapos nun ay inoperahan siya para tanggalin ang bala malapit daw kase sa puso. Mabuti hindi siya napuruhan.

Na comatose din siya, napakasakit makita na habang ako ay nagpapagaling siya naman tong nakahandusay sa kama ng hospital na akala mo walang buhay.

Salamat talaga at nagising na si Aki, sobrang namimiss ko na siya. 3 buwan na din ang nakakalipas simula nang huling lumabas si Hibler. Kung lalabas man siya mamaya ok lang hahayaan ko siya dahil sakanya ay buhay kaming dalawa hindi lang sa insidente na yon pero noon pa man.

Pagdating ko ng hospital agad na sumalubong sa akin si Chairwoman.

"Gising na si Aki!" Niyakap niya ako.

"Saan ka ba galling kanina ka pa hinahanap ni Aki?" Sabi ni kuya Sakuragi sakin. Nagkaayos din naman kami, sobra akong humingi ng tawad at naintindihan naman ng pamilya nila. Inalok sila ni lola na bibigyan sila ng bahay sa loob ng mansion para lagi padin nilang kasama si Aki.

"Binisita ko lang po ang puntod ng yumaong nanay ni Aki kuya."

"Ah, o siya sige na. Pu,asok ka na kanina ka pa hinahantay ni Aki."

Wala naman si sir Simon ditto ngayon. Siya na din kase ang nag asikaso ng annual share hold meeting sa America.

Pagpasok ko palang sa kwarto ni Aki nakatingin na siya sa akin ng may ngiti. God! How I miss her smiles. Umupo ako sa tabi niya.

"Kamusta ka na?" While I am caressing her cheeks.

Nginitian naman niya ako. Nakita ko din na bigla siyang lumuha, kaya agad kong pinahid ang mga luha sa mata niya.

"Ssshh, wag ka na umiyak."

"Masaya lang ako na ok na ulit yung itsura mo. Ayoko na ulit makita nag anon kasama ang itsura mo, hindi ko kaya e." Sabay tawa, kaya natawa na din ako.

:Promise, hindi ko na hahayaan na maulit yun."

"Talagang dapat hindi na. Palagi ko pinapagalitan si Hibler kase lagi nalang siyyang nag iiwan ng gulo para linisin mo. But this time palaginalang siyang nasasaktan nang dahil satin lahat ng sakit siya ang sumasalo. Alam mob a na humingi pa siya ng pasensiya sa akin nun dahil inagaw niya ang oras mo para iligtas tayo?"

Dear Diary [COMPLETED][WATTY'S 2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon