"Sha! May assignment ka ba? Pakopya naman!" Sabi ng kaibigan kong si Pam, ang gulo pa ng buhok nya halatang tinakbo papasok ng school namin.
"Wow! As in wow! Grabe! Oh ito na!" Sagot ko sabay bato ng assignment ko. "Ang tamad mo kasi! Paano ka nakatungtong ng highschool ha?!"
"Syempre nag-aral ako ng mabuti, bobo naman."
"Wow aral pala yan!?" Pinitik ko pa ang tenga para maasar sya saakin dahil kahinaan nya ang tenga nya.
"Nag-aaral naman kasi ako ng mabuti, ang kapal ng mukha mo. Porket nangongopya ako sayo!" Tinawanan ko naman sya at kinuha na yung assignment ko kasi tapos nya na kopyahin.
Mayaman yung pamilya nila kaysa saamin na naasa lang sa palayan ni papa.
Kaibigan ko si Pam simula ng tumuntong akong highschool, kakalipat lang nila noon malapit saamin. Galing syang Manila. Noong una hindi sya nagsasalita nung pumasok sya, katabi ko sya noon, hindi sya pala kaibigan, ako ang naging una nyang naging kaibigan dito sa Bicol. Hindi marunong magbicol si Pam ng makarating sya dito.
Marunong akong magbicol at marunong rin akong makaintindi pero sinanay kasi ako ni mama at papa na tagalog yung pag-uusap at pagtuturo nila saakin sa loob ng bahay dahil hindi ako pala labas ng bahay, lumaki ako dito pero parang hindi ako taga rito. Kaya siguro ang dali lang namin naging magkaibigan ni Pam dahil narin siguro sa language.
Hindi nagmamayabang si Pam na mayaman siya kaya ako lang ang nakakaalam na mayaman yung pamilya nila. Mabait at hindi sya maarte hindi katulad ng ibang mayaman na halos pandirian kaming mahihirap. Alam ko rin namang meron din namang ibang mayaman na katulad ni Pam.
"Ang ingay nyo naman jan," Pang-sasaway sa aamin ni Luis, kaibigan ko na pinsan ni Pam. "May assignment ba kayo jan? Pakopya ako. Nawili ako kakalaro ng ps4 kagabi e."
"May naririnig ka ba Sha?" Pang-babalewala na sabi ni Pam sa nagsaway saamin.
"Wala naman. Umayos na tayo baka parating na si Maam Gueraz."
"Oo, Raven Luis Fuentezach slash pogi papakopyahin kita. I love you Raven, ang pogi mo talaga grabe!" Rinig ko pang pakikipag-usap sa sarili nya, natatawang binato ko naman sakanya yung assignment ko. "Shit! Hulog ng langit! Kahit masakit, pagpalain ka panginoon!"
Si Luis na pinsan ni Pam. Nung una parang hindi sila magpinsan pero nung nagtagal para na silang magkapatid. Grade 8 na kami nun nang lumipat si Luis galing Manila.
Hindi ko alam kung bakit ko naging kaibigan si Luis basta pagkatapos ipakilala saakin ni Pam si Luis friends na kaagad kami, feeling close kasi si Luis, ang laki ng tiwala sa sarili.
"Class! Pass your assignment in front!" Sigaw ni maam nagtinginan naman kaming tatlo.
"Baka mahuli tayo, kinopya nyo ba lahat ng sagot ko? Wala ba kayong iniba?" Kinakabahang sabi ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Anonymous Desire #1: Equivocate of Love [UNDER REVISION]
Teen FictionShaina Judy Flores is a poor woman who grew up in a poor family in the province and through her hard work and perseverance, she become one of the scholars of a wealthy University in Manila. What if, she finds out that she is not the real child of hi...