Chapter 15

2.9K 211 15
                                    


Soon? Sana nga Trevor, sana nga.


Nang bumulong saakin si Trevor ay ramdam na ramdam ko ang pagkakatitig saamin, Tulala lang ako sa upuan ko dahil sa sinabi nya saakin. At nang maramdaman kong umayos na ng upo si Trevor ay tsaka ko lang natingnan ulit si Matthew na nakatitig parin saakin.


Ngayon lang ako nakaramdam na may taong nakatitig saakin. Ganto ba talaga ang epekto nya saakin?


Iniiwas ko ulit ang paningin may Matthew at tiningnan ang katabi ko. Nginitian nya ako at sya na ang nag lagay ng kakainin ko sa pinggan ko.


Hindi ko maitatanggi na natuwa akong nakita ko sya. Nababaliw nanaman ako! Hindi ko dapat sya iniisip! Sising-sisi ako sa sarili ko dahil sa pinag-sasabi ko na hindi ko na sya iisipin ngunit heto ako ngayon natuwa pa na nakita ko sya! Hindi dapat ako natuwa! At mas lalong-lalo na ay hindi ko dapat sya iniisip!


Pasimple pa akong umiling-uling para kumbinsihin ang sarili kong wag na dapat isipin si Matthew.


Habang kumakain kami ay ramdam ko paring may tumititig saakin. Hanggang sa wala na akong maramdaman. Kaya doon lang ako nagkaroon ng chance na tingnan pa ulit ang pwesto nila Matthew ngunit wala na sila ng babaeng kasabay nya kung kumain. Tiningnan ko ulit sila Pam kung nakita ba nila si Matthew ngunit ganon parin ang pwesto sila, nagtatakang napatiningin pa saakin si Luis ng makitang nakatingin ako sakanya.


Sinamaan nya ako ng tingin at palihim pa nyang itinuro si Trevor at walang boses na sinabing, "May ka-date ka Sha, wag kang timer."


Inismiran ko nalang sya at nagpatuloy na sa pagkain. Napabuntong-hininga ulit ako dahil naalala ko nanaman si Matthew. Ilang beses pa ba akong magbubuntung-hininga?


"Do you have a problem? Ayaw mo ba ng pagkain?" Gulat na napatiningin ako sa katabi ko. Muntik ko ng makalimutan na katabi ko pala si Trevor.  Naiilang man ako ay sinulyapan ko sya at pilit ngiting inililangan ko sya. Dahil hanggang ngayon ay gulat parin ako sa sinabi nya kanina about sa soon kuno nya.


"Hindi ah, Ang sarap kaya ng mga pagkain nila dito," Sagot ko sa pangalawa nyang tanong.


"Okay." Tinunguan nya ako at kumuha ng hipon, binalatan nya muna bago nya saakin ibigay. "Try this one,"


Nginitian ko sya at kinain ang ibinigay nya. "Ang sarap. Kumain ka na jan, wag mo akong isipin."


Ayoko man pumasok sa isip ko si Matthew ay kusa ko syang naa-alala, lalo na ngayon nakita ko sya. May mga tanong rin sa isip ko na nagpapa-inis saakin. Anong ginagawa nya dito? Sino yung babaeng kasama? Bakit nandito sya? Napabuntung-hininga nalang ako at pinagpatuloy ang pag-kain habang inaaliw ang sarili ko para hindi ko na sya muling isipin.


Dahil kasama namin ang magpinsan ay hindi kami nawawalan ng topic at kung minsan ay nag-aasaran pa sila. Tahimik lang akong kumakain habang minsan ay natatawa kapag may isang nababara sa kanilang dalawa.

Anonymous Desire #1: Equivocate of Love [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon