"Class, last week na natin 'to together, So dahil Homeroom naman natin, i want all of you to intruduce yourself, Who you want to be in the future. Example, Hello everyone i am Raven Luis Fuentezach your future barker." Nagtawanan naman kami lahat sa example ni maam.
Tama nga sya ilang months nalang ay tutungtong na kaming senior high. Pagkatapos naming mag moving up ay dama ko na ang katas ng paghihirap namin.
"Maam! Baka magkatotoo yan!" Sagot ni Luis. Mas lalo naman kaming nagtawanan.
"It's just example Mr. Fuentezach," Natatawang sabi ni maam kay Luis.
"Ang gwapo ko namang soon to be barker," Rinig kong bulong nya.
Nagkatinginan kami ni Pam at natawa sa bulong ng may sayad.
Nagsimula nang magpakilala sunod-sunod sa upuan namin. Hindi na alphabetical ang arrangement namin kasi nung first grading ay alphabetical para sa groupings, hindi na ngayong fourth grading. Para kada grading iba't-ibang groups.
Naalala ko pa noon na dinaya ni Luis yung number nya nang malaman nyang magka-group kami ni Pam. Kaysa maging number 1 sya, ginawa nyang 3 katulad saamin ni Pam. Tumayo sya nung tinawag yung number 3 para daw magka-group kami. Buti nalang hindi napansin ni maam. Ingitero kasi.
Wala namang tinatatong kung bakit yun ang gustong trabaho sa future. Kaya hindi ako masyadong kinakabahan. Hindi ko nga alam kung anong gusto kong course kahit nakapag NCAE ako at nakapasa sa maraming subject noong Grade nine ako.
Bahala na kung anong masabi ko sa harapan. Ngayon ko lang napansin na si Luis na pala yung next na magpapakilala kaya nagfocus na ako.
Pagkatapos magpakilala yung katabi ni Luis. Tumayo na si Luis at naglakad papunta sa harapan.
"Ang yabang maglakad oh," kalabit saakin ni Pam, Tinawanan ko naman sya.
"Hello everyone i am Raven Luis Fuentezach. Soon to be Engineer kung papalarin, kung hindi doon nalang ako sa example ni maam," Nagtawanan naman lahat. Baliw talaga. Bumalik na sya kaagad sa upuan nya at nagpatuloy parin ang pagpapakilala sa harapan.
"Buti hindi ka nahawa jan sa pinsan mo Pam," Natatawang sabi ko kay Pam.
"Hindi ko na pinsan yan, magbabarker daw? Wala atang pangarap sa buhay,"
"Soon to be Engineer nga daw e, ku--"
"Kung papalarin," Sya na ang nagtapos ng sasabihin ko kaya palihim kaming nagtatawan ni Pam sa pwesto namin, buti nalang at hindi kami napapansin ni maam.
"Kunyari hindi ko kayo naririnig," Lingon saamim ni Luis.
"Sige salamat sa pakikinig," Sabay na sagot namin ni Pam. Palihim pa kaming bumingisngis.
"Ang panget ng ugali nyo!"
"Sure na yan?" Natatawang tanong ko.
"Oo," Nakangusong Ani nya.
"Isip bata," Sabat ni Pam. Narinig ko pa na tapos na yung magpakilala yung nauna saakin at kasunod na ako. "Hoy Sha, Ikaw na," Kinalabit pa ako.
"Oo, narinig ko," Sagot ko sakanya at pumunta na sa harapan.
"Hi everyone i'm Shaina Judy Flores, soon to be.." Hindi ko alam!
"Soon to be what? Ms. Flores?" Nagtatakang ani ni maam.
Bahala na. "..Successful."
BINABASA MO ANG
Anonymous Desire #1: Equivocate of Love [UNDER REVISION]
Teen FictionShaina Judy Flores is a poor woman who grew up in a poor family in the province and through her hard work and perseverance, she become one of the scholars of a wealthy University in Manila. What if, she finds out that she is not the real child of hi...