Chapter 18

2.8K 211 22
                                    


Nang malaman ni mama ang pagiging scholar ko sa Saigon Phantom Academy ay sobrang tuwa nila. Kahit naman ako ay sobrang tuwa pero iba ang saya kapag magulang.


Naging masaya ang celebration namin dahil sa madami kong parangal sa school at dahil narim sa kumpleto kami.


Hindi ko pa nas-search kung saan ang Saigon Phantom Academy at kung ano ang itsura ng school na pag-aaralan ko. Pero kahit saan naman ako mag-aral ay masaya na ako basta makapag-aral ako.


Katulad ng sinabi ni Pam ay pagkauwi ko palang ay tinadtad nya ako ng text na mag-online daw ako. Kaya nag-online ako para sakanya.


Buong bakasyon nasa bahay lang ako at kung minsan ay nasa palayan ako para tulungan sila mama at papa.


Minsan kapag nago-online ako ay kahit free data lang ang gamit ko ay nakakachat ko sila Pam, Luis at Trevor. Iniinform nila ako kung ano ng nangyari sa bakasyon nila. Minsan naman ay nagugulat nalang ako na may load na ako. Kaya minsan ay nakikita ako ang pinags-send nilang picture. Alam ko namang isa sakanilang tatlo ang nagpapaload saakin. Wala namang naamin kapag nagtatanong ako kaya isinawalang bahala ko nalang.


Isang linggo nalang bago magbalik aral. Kaya ito ako nasa bahay lang, kailangan ko daw kasi ipahinga ko ang sarili ko. Wala rin paramdam sila Pam saakin sa chat. First time.


Dahil nandito lang ako sa bahay, naka kulong lang ako dito sa kwarto ko at lalabas lang ako kapag kakain na. Ngayon ko lang naalala ang school na pag-aaralan ko kaya ngayon ko lang mas-search kung anong klase ang papasukan ko.


Ewan ko dahil iba ang pakiramdam ko. Kinakabahan na excited. Kakaiba.


Sinuot ko na ang salamin ko bago ako mag search. Buong bakasyon ay naka-salamin lang ulit ako dahil nasa bahay lang naman ako.


Pagkasearch ko palang ay ang dami ng lumabas na picture kung ano ang itsura at kung ano ang mga nasa loob ng School. Katulad ng swimming pool, cafeteria, basketball court at iba pa.


"Grabe dito ako papasok?" Manghang ani ko. Tumungo-tungo pa ako. "Ang swerte ko naman,"


"True," Gulat akong napalingon sa gilid ko. Nandito si Pam?!


"Wala bang welcome back Pam ganda?" Nakangiting aniya at inaabangan nalang na yakapin ko sya. "Aba! Namiss din kita kahit lagi tayong magkachat,"


Nang matauhan na ako ay natawang niyakap ko sya. "I miss you too,"


Napabitaw naman ako kay Pam ng may biglang sumigaw mula sa pintuan.


"Ako?! Wala bang nakakamiss sakin jan?" Biglang silip ni Luis mula sa pintuan.


"Hi Sha! Namiss din kita," Biglang singit ni Trevor kay Luis.


Anonymous Desire #1: Equivocate of Love [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon