Kinabukasan, maaga akong gumising dahil unang araw kong mag-aral sa Manila. Sa isang sikat na eskwelahan at iyon ay ang Saigon Phantom Academy.
Ngayon ay nasa harap ako ng salamin habang tinitingnan ang kabuuhan ko. Nakapag-ayos naman na ako sa sarili. Naka sivilian lang ako. Itim na pantalon, plain white t-shirt at rubber shoes ang suot ko. At dahil nawawala ang contact lens ko ay gamit ko ang salamin ko.
Nagulat ako ng may biglang nag-ayos ng t-shirt ko. Si Pam. "Tak-in mo yan," Aniya.
"Kanina ka pa jan?"
"Nope. Kakarating ko palang, nakita kasi kitang mukhang tanga dito." Aniya.
Tinunguan ko nalang sya at katulad ng sabi nya ay tinak-in ko ang t-shirt ko.
"Good. Hindi ka na mukhang tomboy, medyo mukhang nerd nalang," Dagdag nya.
Tinawanan ko sya. "Nawala ko sa bahay yung contact lens ko e," Sagot ko.
Nang tingnan ko sya ay ngayon ko lang napansin ang kabuohan nya. Naka pantalon, white t-shirt na may tatak ng Nike at rubber shoes ang suot nya.
"Wag mo na akong purihin, kasi alam ko na ang sasabihin mo," Pangunguna nya sa sasabihin ko. Kahit hindi naman iyon ang sasabihin ko. "By the way, bakit kasi kinalimutan mo contact lens mo?" Aniya.
"Kahapon kasi hindi ko mahanap yung contact lens ko at sa dahil nasanay ako nung buong bakasyon ng naka-salamin ay hindi ko namalayan na suot ko ang salamin kasi, sa pakiramdam ko ay contact lens ang suot ko. Nalaman ko nalang na naka salamin pa ako ng nasa saakyan ako. Hindi ko nahanap ang contact lens ko sa bahay." Pagpapaliwanag ko.
"Ah.. So balik ka nanaman pala sa medyo nerd look? Guluhin mo unti yung buhok mo, para ka ng si betty la fea," Pang-aasar nya pa.
"Kain na tayo!" Biglang sigaw sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Boses palang alam na alam ko na. Si Luis.
"Narinig mo yung uggoy? Tara, kain na nga tayo," Yaya nya saakin.
Natatawang tumungo ako. "Tara na," Yaya ko rin sakanya.
Bago ako lumabas ay kinuha ko ang cellphone ko at kinamusta sila mama at papa.
Pagkadating namin sa hapag kainan ay naka handa na ang umagahan. Halatang kami nalang ang hinihintay.
"Good morning," Ani ni Trevor. Katulad ko ay nakasivilian rin sila ni Luis.
Isa lang ang masasabi ko ang gwapo ni Trevor sa suot nya. Para syang model sa suot nya. Naka polo syang damit, pantalon at nike na sapatos. Simple lang pero bagay sakanya. Si Luis naman ay katulad namin ay naka t-shirt din, pantalon at naka addidas na sapatos.
Ngumiti ako. "Good morning din,"
"Ang aga ng manliligaw mo e 'no?" Pangangasar ni Pam.
Tinawanan ko nalang sya para maibsan ang hiyang nararamdaman ko at umupo na sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Trevor.
"Maya na ang ligawan, kain muna." Singit ni Luis.
"Mamaya na pala yung ligawan edi wag kang kakain ng dinalang pagkain ni Trevor ah," Ani ni Pam.
Natigilan naman si Luis sa pagkain at ngumiti ng napakalaki saamin.
"Sige na magligawan na kayo jan," Aniya at nagsimula ng kumain.
"Basta pagkain talaga e, 'no?" Asar na ni Pam.
BINABASA MO ANG
Anonymous Desire #1: Equivocate of Love [UNDER REVISION]
Teen FictionShaina Judy Flores is a poor woman who grew up in a poor family in the province and through her hard work and perseverance, she become one of the scholars of a wealthy University in Manila. What if, she finds out that she is not the real child of hi...