Tatlong araw na ang nakalipas at ito ako hindi makalimutan si Matthew. It's already saturday nandito lang ako sa kwarto, hanggang ngayon ay hindi ko naintindihan yung naramdaman ko kay Matthew nung gabing yun.
Kinabukas kasi nun ay wala na sila. Hindi na nila ako ginising dahil ang himbing daw ng tulog ko kaya sinabi nalang saakin ni mama na umalis na sila at nakita ko nalang yung chat nila pagkaopen ko ng facebook ko.
"Sha! Gumising kana jan!" Sigaw ni mama sa labas ng kawarto ko, kinakatok nya pa ang pinto ng kwarto ko.
"Gising na po ako! kanina pa!"
"Lumabas ka na jan! Tulungan mo akong magdilig ng mga halaman natin," Pasok pa ni mama sa kwarto ko.
"Opo," Sagot ko at nag-ayos na ng higaan.
Lumabas ako ng kwarto ng naka maiksing short at sando lang, nagpunta kaagad ako sa cr para makapag sipilyo na, dahil sabado naman ay tuwing hapon na ako naliligo.
"Daliaan mo! Para maarawan ka naman!" Sigaw ni mama habang nagsisipilyo ako.
"Oo ito na.." Sagot ko, alam kong hindi nya iyon narinig, ayon tuloy nagra-rap na sya. "Ma! Ito na ako, nasa harap mo na ma, magdidilig na!"
Tumungo nalang si mama. Ako naman ay nagdiretso na sa harap ng bahay, mahilig kasi sila mama at papa sa mga halaman kaya hindi talaga maiiwasan na walang halaman sa bahay. Kinuha ko na yung timba at tabo para makapagdilig na ng mga halaman.
Patapos na akong magdilig ng halaman, hindi naman mahirap magdilig ang mahirap lang ay yung bubuhatin mo yung timba para makapagdilig sa dapat diligan, mahirap magdilig ng pabalik-balik.
"Wow! Shalalala~ Shalalala~ in the morning~" Gulat akong napatingin kay Luis na nasa harap ng gate namin, nasayaw pa ng parang yung nasayaw sa Hawai habang winawasik wasik yung daliri, inaassar ata ako nito. "Good Morning Sha!"
Sinimangutan ko sya at inayos muna yung ginamit ko kanina sa pagdilig ng mga halaman. Pagbalik ulit ng paningin ko sakanya at katabi nya na si Pam, nakaway pa, ano meron?
Napansin kong parang kulang sila, nasaan si Matthew? Iginala ko yung paningin ko sa tabi ng magpinsan pero wala akong nakitang Matthew. Hindi ko alam kung bakit parang nalungkot ako ng malamang hindi nila kasama si Matthew. Naprapraning nanaman ako. First time nangyari saakin 'to.
"Ano meron? Bakit nandito kayo?" Tanong ko agad pagkarating sa harap nila, nasa pagitan parin namin yung gate.
"Hindi mo ba muna kami papapasukin?" Sinamaan ko ng tingin si Luis at umiling. "Sure na yan?"
"Sha! Pasok na at mag-agahan na tayo," Sigaw ni mama saakin, pumunta pa si mama sa tabi ko ng mapansing nadito yung magpinsan. "Kayo pala... Pasok kayo at kakain na rin kami at ikaw bata ka, bakit hindi mo pinapapasok mga kaibigan mo?"
"Tinatanong ko pa sila ma kung bakit andito sila," Sagot ko at tinaasan ng kilay yung dalawa para sumang-ayon sa sinabi ko. "Diba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/157281357-288-k911.jpg)
BINABASA MO ANG
Anonymous Desire #1: Equivocate of Love [UNDER REVISION]
Teen FictionShaina Judy Flores is a poor woman who grew up in a poor family in the province and through her hard work and perseverance, she become one of the scholars of a wealthy University in Manila. What if, she finds out that she is not the real child of hi...