Chapter 16

2.9K 211 21
                                    


Kinabukasan, maaga akong nagising ng maramdaman ko ang pagtalon-talon ni Pam sa hinihigian ko.


"Wake up Sha!" Ani nya pa at tumigil rin, siguro ay nakaramdam na sya ng pagod. Bumangon naman ako kaagad ng maramdaman kong tatalon ulit sya.


"Oo gising na ako," Antok pang ani ko.


"Okay, dalian mo ha! Andon na yung dalawa sa sala," Ani nya. Tinunguan ko naman sya kaya lumabas na sya.


Tumayo na ako at naglakad na papunta sa cr para makapag hilamos at sipilyo na, mamaya nalang siguro ako maliligo.


Nakakatuwang isipin na itong araw na ito ang sinabi saakin ni Matthew na magkikita daw kami ngayon linggo. Kahit ang totoo ay hindi kami magkikita dahil sa nandito ako sa Baguio. At kahit pa nagkita kami kahapon, na hindi alam nila Pam.


Bakit ko ba iniisip 'to?!


Pagkalabas ko ng kwarto ay nagulat ako ng makitang nakain na silang tatlo at ang mas nakakagulat pa ay nakabihis pang alis na sila. Hindi ko napansin kanina na nakabihis  pang-alis narin pala si Pam habang ginigising nya ako.


"Good Morning Sha! Ang cute mo sa suot mong yan Sha!" Sigaw ni Luis at malakas kung tumawa. Ako naman ang natawa ng mabilaukan sya.


"Karma nga naman," Natawang ani ni Pam. Sinamaan naman sya ng tingin ni Luis. Lumapit naman saakin si Pam at binulungan ako. "Kain na Sha, at pagkatapos mong kumain ay maligo ka agad dahil aayusan kita,"


Tinunguan ko nalang sya at lumapit narin sakanila para sumabay kumain ng agahan.


"Good morning," Bati saakin ni Trevor. Nginitian ko naman sya.


"Good morning din," Balik na bati ko sakanila. Ayoko mang batiin si Luis, ay binati ko na rin baka magmaktol.


Habang kumakain ay pinansin ko ang mga suot nila. Naka long sleeve na black and white na stripe si Trevor at naka maong short. Si Luis naman ay naka white t-shirt lang at maong short din katulad ng kay Trevor. Gaya-gaya.


Pagkatapos kong kumain ng agahan, ay agad din akong naligo dahil nakakahiya naman sakanilang tatlo. At dahil narin kay Pam na pinapadali ako dahil aayusan nya daw ako.


"Pam, asan na ang susuotin ko?" Tanong ko dahil kakatapos ko lang maligo, nang sumilip ako ay ang suot ko palang ay panloob. Sabi kasi saakin ni Pam ay iaabot nya nalang saakin ang susuotin ko.

Anonymous Desire #1: Equivocate of Love [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon