"Ikaw? Anong ikaw?" Gulat akong napatingin kay Pam, narinig nya ba yung sinabi ko?
"Sabi ko tapos na ako," Nakangiting sagot ko sakanya. Tinunguan nya naman ako at pumunta sa patuyuan ng kamay. Muntik na ako.
Pagkatapos namin gawin ang dapat gawin, lumabas narin kaagad kami. At naglakad na kami pabalik sa mesa namin.
Nakita ko pa na si Matthew na yung nakaupo sa tabi ko at hindi si Luis. Nagtatakang tiningnan ko si Luis. Tinuro pa ni Luis si Matthew na para bang sinasabi na si Matthew yung may kasalanan.
Nagkabit balikat nalang ako at umupo na, kabati si Matthew. Maaga pa naman, pero gusto ko ng umuwi, ayoko sa katabi ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko! Hindi ko gusto ang pwesto ko!
Palihim kong tiningnan ng masama si Luis habang masayang kinakain ang leche flan na nasa harapan nya. "Mabulunan ka sana."
"Sana," Nanlalaking matang napatingin ako sa matabi ko. Nasabi ko ba yung naiisip ko? Natawa pa sya sa reaksyon ko. Lalong nanlaki ang mata ko ng lumapit sya saakin at bumulong. "I heard you,"
"Napansin ko nga, chismoso," Nakatungong sagot ko. Narinig ko pa syang natawa sa sinabi ko. Lumayo ka! Baka marinig mo ang pagtibok ng puso ko!
"Uwi na tayo! Baka naghihintay na si mama sa bahay," Natayong ani ni Luis at bigla nalang naglakad palabas. Sinong mama sinasabi nito? Yung mama ko? Lakas ng apog.
Katulad ng inaasahan nang lumapit ang waiter at ibinigay ang bill ng pinagkainan namin ay si Matthew ang nagbayad. Hindi na ako magtatakang mahal lahat ng kinain namin. Ang dami ba naman.
"Tumakas talaga si Raven," Ani ni Pam, habang natayo.
Tumayo narin ako at sumunod na sakanila ng maglalakad na sila palabas.
Nang makalabas na kami ngayon ko lang napansin na gabi na pala. Pero kahit gabi na ay mas dumami ang gustong kumain sa restaurant na pinagkainan namin.
Habang naglalakad palapit sa sasakyan, nakita namin si Luis na nakatayo habang nakabusangot na ang mukha. Bakit parang sya pa ang galit?
"Ang tagal nyo! Malamok pala dito?!" Bungad nya saamin.
"Sino ba kasing nagsabi na lumabas ka agad?" Sagot ni Pam kay Luis.
"Syempre, tumakas ako, baka singilin ako ni Matt,"
"Hindi ka nyan sisingilan, kaya ako nalang maniningil," Pang-iinis na ani ni Pam.
"Ulol!" Sigaw ni Luis, pumasok nalang agad sa sasakyan.
Naglakad na ako papunta sa inupuan ko kanina. Sa front seat, sa tabi ni Matthew.
Hahawakan ko na sana ang hawakan ng pintuan ng sasakyan para makapasok na ng sasakyan ngunit naunahan ako ni Matthew. Nagtatakang napatiningin ako sakanya ng pagbuksan nya ako ng pintuan ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Anonymous Desire #1: Equivocate of Love [UNDER REVISION]
Teen FictionShaina Judy Flores is a poor woman who grew up in a poor family in the province and through her hard work and perseverance, she become one of the scholars of a wealthy University in Manila. What if, she finds out that she is not the real child of hi...