Nagising ako nang marinig ko ang alarm ng cellphone ko. Kinuha ko iyon sa gilid ko at agad na pinatay ang alarm. Umaga na at sabado na ngayon.
Kaysa bumangon ay nakipagtitigan muna ako sa kisame ng kwarto ko at inalala ang nangyari sa dalawang araw na exam.
Nung unang araw ng exam ay hindi kami masyadong nag-uusap nila Pam. Dahil sa ang layo namin sa isa't-isa. Plinano talagang paglayuin ang mga magkakaibigan.
Kaya in the end seryoso kami sa test namin. Pero dahil estudyante rin kami ay hindi maiiwasan ang kopyahan, kaya minsan ay tuwing aalis ang nagbabantay saamin ay may biglang uubo, sisitsit, nasipol at iba pa para magtulungan sa test. Hindi naman bago saakin yon. At tuwing recess ay sabay kaming nakain sa canteen at syempre hindi mawawala ang asaran ng mag pinsan.
Sa pangalawang araw ng exam ay ganon din ang nangyari katulad ng unang araw ng exam. At sa pangalawang araw din ng exam ay nalaman din namin ang score namin dahil mabilis namin natapos ang test kaya nagchecking at frequency agad kami.
Nang malaman ko ang score naming tatlo nila Pam ay masasabi kong nagbunga ang pagpu-puyat namin. Dahil ang tataas ng nakuha naming score sa bawat subject. Wala namang iba pang importatanteng nangyari pa non.
Maliban nalang sa paghahatid saakin ni Trevor hanggang sa makasakay ako sa sasakyan nila Pam simula nung Thursday.
Gusto ko mang pigilan si Trevor sa ginagawa nya. Dahil ayokong umasa sya. Pero lagi saakin pinapa-alala ni Pam na bigyan ko ng pag-asa si Trevor.
Sa dalawang araw na nakakasama at nakakausap ko si Trevor. Isa lang ang masasabi ko. Gusto ko sya.. Gusto ko syang gustuhin.
Pero ang hirap. Alam kong isang simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko kay Matthew.. Noong una.
Hindi sya mawala sa isip ko. Baliw na talaga ako! Hindi ako ganto! Sa libro lang dapat ako mabaliw ng ganto. Minsan ay pumasok sa isip ko na, kung sya ba ang kasama ko ay hindi ako maguguluhan ng ganto?
Gulong-gulo na ang isip ko! Crush lang naman siguro ang nararamdaman ko sakanya? Kaso hindi ako ganto humanga sa mga hinangaan ko noon.
Sinabi kong ibibigay ko kay Trevor ang pagkahumaling ko. Pero hindi ko magagawa iyon.. Sa ngayon.
Sa nagdaang dalawang araw na iyon ay ibinigay ko lahat ng atensyon ko sa pag-aaral para sa darating na test. At ngayon tapos na ang periodrical ay hindi sya mawala sa isip ko.
Bukas na. Hindi ko maitatangging gusto ko nang dumating ang araw na linggo. Dahil iyon ang araw na sinasabi ni Matthew na baka sakaling magkita kami. Ayokong umasa pero hindi ko magawang hindi umasa.
Bumangon na ako sa higaan nang mapagod ako sa kakaisip. Ang hirap mag-isip 'pag hindi mo gusto yung iniisip mo.
Kinuha ko ulit ang cellphone ko na nasa tabi ko at tiningnan kung anong oras na at don ko lang nalaman na tanghali na pala. At tagal ko rin palang tulala? Napansin ko rin na palowbat na rin ito, nakalimutan ko atang icharge kagabi.
BINABASA MO ANG
Anonymous Desire #1: Equivocate of Love [UNDER REVISION]
Novela JuvenilShaina Judy Flores is a poor woman who grew up in a poor family in the province and through her hard work and perseverance, she become one of the scholars of a wealthy University in Manila. What if, she finds out that she is not the real child of hi...