Limang araw narin ang nakalipas. Madami ang nangyari sa camping kuno namin sa bakuran. Masayang nagsi-uwian silang lahat. Ayaw pa nga nilang umuwi kaso kailangan, nakalimutan ko pang itanong kung saan sila mag-aaral.
Napabuntong hininga ako dahil ngayon ang araw ng pag-alis ko. Tutungo na ako papuntang manila. Napag-alaman ko narin na kasama sa pagiging scholar ko na may apartment akong titirhan don na, sagot nila. Nalaman ko lang nung isang araw ng may email na sinend saakin. High tech na nga naman.
"Doon ka ba talaga mag-aaral anak?" Tanong ni mama habang nilalagay ang mga gamit ko sa bag na dadalhin ko.
Tumungo ako. "Opo, kailangan. Para sainyo rin naman po itong ginagawa ko,"
"Mahihiwalay na ako sayo anak," Maluha-luhang aniya.
"Hindi po mangyayari yan ma, uuwi ako dito tuwing bakasyon." Nakangiting ani ko at nilapitan sya para yakapin.
"Oh sige basta mag-iingat ka ha! Iba sa Manila kaysa dito sa probinsya. Kung dito ay maraming masasamang tao, doble naman kaysa dito ang masasamang tao doon sa Manila." Pangaral nya pa.
"Opo, tatandaan ko po iyan," Natungong ani ko at mas hinigpitan ang yakap sakanya.
"Mamimiss kita anak ko, sana hindi mangyari ang iniisip ko na baka sa huli ay hindi kami ang iyong piliin."
Nagtatakang humiwalay ako. "Ano pong pinagsasabi mo ma?
Nginitian nya ako. Halatang pilit. "Wala iyon anak,"
"Basta ito ang tatandaan mo ma, ikaw lang ang mama ko na mahal na mahal ko," Nakangiting ani ko. Napangiti naman sya sa sinabi ko.
Pagkatapos namin mag-ayos ng gamit ko ay nag-ayos na ako sa sarili ko.
Nagulat ako ng may nag email saakin at ng tinggnan ko ay galing iyon sa school.
Saigon Phantom Academy Official
Good Morning Shaina Judy Flores, we just want to inform you that we will pick you up in you place. So please be ready after lunch time. Thank you!
Wow? Totoo ba 'to?
Para makasigurado akong totoo ay kinusot-kusot ko pa ang aking mata. Nanlaki ang mata ko ng wala nagbago. Ibig sabihin ay susunduin nga nila ako?!
"Ma!! Susunduin daw nila ako!" Sigaw ko mula sa kwarto.
"Alam ko!" Sigaw nya rin. Alam nya? Paano nya nalaman? "Kaya dalian mo na at pagkatapos mo maligo ay kakain na tayo,"
Pagkatapos kong maligo ay ilang oras kong hinanap ang contact lens ko dahil hindi ko ito mahanap dahil sa buong bakasyon ay lagi lang akong naka-salamin.
Napabuntong hininga nalang ako at napag-pasyahan na mamaya ko nalang ipagpapatuloy ang paghahanap.
Pagkatapos kong mag-ayos sa sarili ay bago ako lumabas ng kwarto ay tingnan ko ang buong itsura ko. Simple lang ang suot ko. Isinuot ko ang baby blue na half shoulder na iniregalo saakin ni papa at ipinartner ko sa itim na pantalon ko. Suot ko rin ang air nike na iniregalo saakin ni mama noong pasko, na hindi ko alam kung paano dahil sa pagkaka-alam ko ay sobrang mahal ng sapatos na original.
Naka salamin parin ako dahil hindi ko pa nahahanap ang contact lens ko. Pulbo at liptint lang din ang nilagay ko sa mukha ko. Nang maayos na ang kabuohan ay lumabas na ako ng kwarto dala ang mga gamit ko.
Pagkadating ko sa hapag kainan ay kumain agad ako at pagkatapos kumain ay hinanap ko muli ang contact lens ko.
Nang mapagod ako sa kakahanap ay pumunta na ako sa sala namin dahil nandoon si mama at papa.
BINABASA MO ANG
Anonymous Desire #1: Equivocate of Love [UNDER REVISION]
Teen FictionShaina Judy Flores is a poor woman who grew up in a poor family in the province and through her hard work and perseverance, she become one of the scholars of a wealthy University in Manila. What if, she finds out that she is not the real child of hi...