Ilang araw din ang nagdaan simula ng mangyari ang date kuno namin ni Trevor.
Ang dami ng nangyari.
Hindi na ulit nagpakita si Matthew saakin. Nalaman ko nalang kanila Pam na bumalik na sya ng Manila. Hindi ko inaakalang, huling pagkikita na pala namin sa Baguio.
Nang mangyari ang date namin na nangyari sa Baguio ay mas lalo kaming nagkamalapit ni Trevor sa isa't-isa. Lagi kaming magkasamang apat at kung minsan kapag magb-basketball man sya ay lagi nya kaming niyayaya para panoodin kung paano sya mag laro. Niyayaya pa nga nya si Luis na maglaro kaso puro yabang lang ang sinasagot sakanya ni Luis. Kesyo daw na baka magpabuhat lang sakanya ang mga kagrupo ni Trevor.
Apat na araw na ang nakalipas. At ito na kami ang araw na hinahangad ng lahat na katulad ko. Ang pagtatapos namin sa pagiging junior high school, ang araw ng Moving up.
Sivilian lang kami kaya naka dress lang ako na binili saakin ni mama na kulay pula na hanggang tuhod. Naka lugay din ang buhok ko at doll shoes lang ang suot ko. Hawak ko rin ang togang ipinahiram sa kada estudyate.
Nagulat ako ng may narinig akong may nasigaw sa pangalan ko. Isang magandang magandang babaeng naka puting dress na may nakasabit sa kanyang siko ang puting toga at hawak nya pa ang cap na kapartner ng toga.
Hindi nya parin nasusuot ang toga nya katulad ko.
"Sha! Happy moving up!" Natakbong sigaw ni Pam. Nang tumigil na sya sa harapan ko ay bigla nalang nya akong niyakap ng mahigpit. Nang maghiwalay kami sa pagkakayakap ay nagkasalubong ang kilay nya ng makita ang kabuohan ko. "Ganda mo! Kaso bat wala kang make-up?!"
"Happy moving up," Natawang aniko at nakangusong napakamot ng ulo dahil sa pangalawa nyang tanong. "Hindi ako marunong magmake-up."
Napabuntung-hininga naman sya at tumungo nalang. "Maganda ka naman kahit walang make-up pero lalagyan kita ng kahit liptint lang,"
Tinunguan ko naman sya. May kinuha sya sa shoulder bag nya at ng makuha nya na ang liptint ay nilagyan nya na ako.
"Yan! Ang ganda mo talaga!" Nakangiting ani nya. "Picture tayo mamaya ah?!"
Nakangiting tinunguan ko sya at ngayon ko lang napansin na wala syang kasama kaya nagtatakang napatingin ako sakanya dahil hindi nya kasama ang dalawa. "Asan na yung dalawa?"
"Ewan ko sa dalawang yon, pero mamaya susulpot nalang bigla iyon." Aniya at iginala ang paningin nya. "Grabe! Senior high school na tayo sa pasukan!"
"Ang bilis ng panahon, dati hindi kita makausap. Ngayon halos hindi mo na ako maiwan-iwan." Natatawang aniko.
Nanlalaking mata naman syang napatingin saakin.
"Hoy alam mo ba! Kahit hindi mo ko makausap lagi akong nakamasid sayo! Kaming dalawa ni Raven!"
BINABASA MO ANG
Anonymous Desire #1: Equivocate of Love [UNDER REVISION]
Teen FictionShaina Judy Flores is a poor woman who grew up in a poor family in the province and through her hard work and perseverance, she become one of the scholars of a wealthy University in Manila. What if, she finds out that she is not the real child of hi...